"Dahil nanalo ka sa unang challenge. . . kaya sila kasama riyan."

Parehong tumaas ang magkabilang kilay ko sa pagkabigla. Nanalo ako? Kaya sila nandiyan?

Huminga nang malalim ang nasa harapan namin ni Potchi bago lumapit sa TV.

"Kailangan mong pumili. . . sa mga nakikita mo ngayon. . ." Nilahad niya ang kamay niya sa TV.

"Kung sino ang mananatili at maiiwan dito sa loob ng pyramid at hindi na makalalabas ng laro."

Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. Sa buong buhay ko, ito na ata ang pinakamahirap na tanong na narinig ko.

"E-Eyo?" Hindi makapaniwalang reaksyon ko.

Nanatiling nakatingin sa 'kin ang mami na para bang sinasabi niya sa 'kin na hindi mali ang pagkakarinig ko. Kapwa kaming natigilan at natahimik ni Potchi.

Pipili ng maiiwan dito sa laro?

"Dapat talaga ay mga teammates mo lang ang pagpipilian, pero dahil nanalo ka kanina. Isinama na rin ang kabilang grupo," dagdag ng mami.

Kahit namamanhid ang mga kamay ko ay unti-unting humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

"Nasisiraan ka na ba?! Anong pinagkaiba n'on?!"

Nanatiling walang ekspresyon ang kaharap ko. "Iniisip ko na hindi ka mahihirapang magdesisyon. . . ang ibig kong sabihin, malamang ay unang papasok sa isip mo ay ang pagpili ng myembro sa kabilang grupo."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. 

"K-Kid-ya-"

"Gago ka ba?! Bakit ko naman gugustuhin na pumili ng player na maiiwan dito?! Kahit ibang grupo pa 'yan o kalaban namin sa laro, hindi ko kayang pumili ng maiiwan dito!"

Mabigat ang paghinga ko at hindi ko mapigilang magalit. Anong tingin nila sa 'kin?! Paano ako makakapili ng maiiwan dito?!

Nangungusap ang mga mata ko nang tumingin ako sa TV. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon.

Kahit pa anong sabihin ng bangkay sa harapan ko. . . hindi ko kayang pumili. . .

Wala akong gustong maiwan sa mga kasama ko, kahit din sa grupo nina Violet. Sila ang nakasama ko sa pagpasok dito.

"Kapag hindi ka pumili ay ang dalawang kasama mo sa grupo ang maiiwan. Mas mabuti na pumili ka na lang ng isa sa kabilang grupo. Para hindi masayang ang pagkapanalo mo kanina." Nagkrus ang braso ng mami na mukhang walang gana na hinihintay akong magdesisyon.

Napaismid ako sa narinig. Nararamdaman ko ang pagtulo ng dugo sa labi ko dahil sa diin ng pagkakagat ko.

"Kid-ya. . ."

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Potchi para sa 'kin. Hindi ko siya magawang tignan nang deretso sa mga mata.

Ayokong may maiwan. . .

"Nakapili ka na ba?"

Nanatili akong nakayuko at hindi ko pinapakita ang tingin ko. "Kailangan kong pumili. . . pipili ako ng maiiwan sa mga nakikita ko, hindi ba?"

"Oo. Mabuti naman at kahit makitid ang utak mo ay naiintindihan mo ang mas nakabubuti."

Huminga ako nang malalim. "Hindi ko kayang pumili sa mga kasama ko. . ."

"K-Kid-ya!-" 

"Tamang desisyon 'yan, sino sa kabilang grupo-"

"Pero hindi ko rin kayang pumili sa kabilang grupo."

Hindi naituloy ng mami ang sasabihin niya nang sumingit ako. Itinaas ko ang pagkayuyuko ng ulo ko at deretsong tumingin sa mami sa harap namin.

"A-Anong-"

"Siguro nga makitid ang utak ko. Kaya gagawin kong literal ang pagpapaliwanag mo."

Hindi kaagad nakasagot ang kaharap namin ni Potchi sa narinig. Parang bumagal ang takbo ng oras nang unti-unting kong itinaas ang hintuturo ko at itinutok ito sa harap.

"Ikaw ang nakikita ko ngayon... ikaw ang pinipili ko."

Para tumigil ang oras nang saktong pagtutok ng hintuturo ko sa mami. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paggalaw at ang pag-uga ng silid kung nasaan kami.

Nagsimulang masira ang mga pader at nagsisibagsakan ang iilang semento sa kisame.

"H-Hindi pwede' yon-"

"Pero 'yon ang sinabi mo, pipili ako sa mga nakikita ko... sana sinabi mong mga manlalaro sa laro kaso hindi... pasensya na, bobo ako eh."

Naiwang nakaawang ang bibig ng mami sa sinabi ko.

"Kid-ya! Tara na-ya! Masisira na ang silid na 'to-ya!"

Hinihila ng malilit na kamay ni Potchi ang polo ko para ayain ako umalis sa silid. Mabilis akong tumango sa sinabi niya.

Bago kami umalis ay kinuha ko ang jaket ng uniporme ko na hinubad ko kanina at natigilan ako nang makita ang nakapatong dito. Isang susi. . .

"Kid-ya! Tara na-ya!'

Hindi na 'ko nakareak nang kunin ko ang susi nang mabilis kaming umalis ni Potchi sa silid. Naiwan namin ang mami sa loob na habang buhay na mananatili rito sa laro.

Habol-habol ko ang hininga ko nang makalabas kami ng silid. Agad na nagsara ang pinto na pinanggalingan namin kasabay ng pagsira ng silid. 

Tumalon pababa ng balikat ko ang gina pig na hindi mapigilan ang saya.

"Ya! Napakagaling mo, Kid-ya! Tara na at puntahan sina-"

Hindi naituloy ni Potchi ang sasabihin niya nang napaupo ako sa lapag. Napasandal ako sa pader at malalim na huminga.

"K-Kid-ya..."

Pilit akong ngumiti nang nagtama ang mga tingin namin ni Potchi. Madiin ang pagkahahawak ko sa susi kahit masakit ang palad ko.

Ngayon ko ulit naramdaman kung gaano kasakit at nagmamanhid ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tumayo pa at wala na 'kong enerji kahit magsalita man lang.

"T-Time out muna 'ko, hehe."

Nag-aalala si Potchi nang lapitan niya 'ko. Hinawakan ng maliliit na kamay niya ang braso ko habang pilit akong ngumingiti at nilalabanan ang antok.

Nakakapagod ang mga nangyari ngayon. . . time out muna. . .

Eivel... Sage... pass muna. Galingan ninyo. Tulog lang muna 'ko...

✘✘✘

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now