"Kath anak, kailan ka pa dumating?" tanong sa akin ni Tita Karla at halos maiyak-iyak na kaming dalawa. 

"Ngayon lang po Tita. Nung nagtext po sa akin si Julia, dumiretso na po ako agad sa airport, buti may inihandang ticket si Mommy pabalik dito." pageexplain ko kay Tita. 

"Ah Ganon ba? Nagpahinga ka na ba?" tanong sa akin ni Tita

"Ah Tita, hindi pa po. Pero okay lang. Di rin naman po ako makakapahinga kasi si DJ din naman po iniisip ko ngayon eh." sabi ko at nagbuntong-hininga. 

"Hay nako talaga Kathryn. Ang swerte swerte talaga ni DJ at may bestfriend siyang katulad mo. Napaka-concern." sabi niya at nilagay niya yung exes kong hair sa may tenga ko. 

"Hehe. Salamat po Tita. Eh si Tito Rommel po? Nasan?" tanong ko sa kanya. 

"Ah si Rommel? Ay binabantayan si DJ." sabi ni Tita. 

"Ah ganon po ba? Pwede na po ba namin siya puntahan?" tanong ko kay Tita. 

"Wala namang problema anak. Sige punta na kayo, at ako'y uuwi muna. Kukuha muna ako ng mga gamit." sabi ni Tita Karla at nagpaalam na sa amin.

 "Ah. Guys. Ako na muna magbabantay kay DJ. Magpahinga muna kayo." sabi ko sa kanila.

"But Kath, kakarating mo lang tsaka ba ka mamaya magkasa--" itutuloy sana ni Lester ang sasabihin niya pero I cut him off. 

"No Lester. Okay lang ako. Sige na ako na bahala sa kanya. Magpahinga muna kayo, balik nalang kayo mamayang umaga." 3am na kasi eh eh bka di pa sila nagpapahinga, eh medyo nakatulog din naman ako sa byahe eh kaya full energy ako. 

KathNiel: My Casanova BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon