Chapter 19: Domain

556 60 16
                                    

Authors note:

Guys, if you have time, please checkout the newest single WHAT? by SB19 sa Youtube!

Promise di kayo magsisisi. Quality? *chef kiss*.

Sorry sa promotion haha.

Anyways, this chapter is fresh from drafts. Kaya expect na may mali, wala kasi akong time mag edit dahil GRABE ang busy ko lately.

******

Ipinikit ng Masked Player ang kanyang mata. Pinaki ramdaman niya ang buong paligid gamit ang kanyang <<Sword Intent>>, isang Unique Skill na nagbunga dahil sa kanyang High Level Sword Mastery.

Biglaan, nag-iba ang lugar ng nakapalibot sa kanya, lumikha siya ng panibagong imahe sa kanyang isipan, imahe ng isang lugar. Ngayon, nakatayo ang kanyang sarili sa isang madilim na espasyo. Isa itong imaginary dimension sa kanyang diwa na walang ibang matatanaw ay puro kadiliman.

"<<Defigo (Warriors Concentration)>>!!" Passive skill tulad ng Sword Intent na nag co-consume ng Mental Energy.

Tumaas ang kanyang concentration ng isang daang porsyento. Dahan-dahan naman sinundan ng paglabas ng bilog na ilaw, malamlam na ilaw na palutang lutang sa madilim na lugar. Habang tumatagal, dumadami ang mga ilaw na ito. Hanggang sa bumuo na ito ng mga hibla na dumog tong dugtong sa mga ilaw na parang connect the dots. Ang prosesong ito ay halos tatlong oras ang ginugol ng Masked Player.

Asan ka... Apurahan na bulong ng Masked Player sa kanyang sarili habang nakapikit ang mga mata nito.

Overtime, dinalaw ng malalaking butil ng pawis ang kanyang noo habang patuloy parin sa paghahanap.

Magkahalong irita, walang reserve-reserved, nilakasan pa ng Masked Player ang buhos ng kanyang mental energy sa <<Defigo>> skill, hanggang...

"Ayun!" Sabay mulat ng kanyang mga mata.

Sawakas, nakita na niya ang kanyang hinahanap!

******

"Leader, nasa entrance na ang Officer." Report ni SeoYoon kay Herzy matapos ang tatlong oras na paghihintay.

"Hoy! Behave ka lang diyan, wag kang gagawa ng kalokohan" Babala ni SeoYoon sa timid na si Roan. Habang gumawa ng gesture na *im watching you*

Hoy? may pangalan ako noh!

"Ah.. ehh.. pwede ba akong umupo? tingin ko magkaka arthritis ako ne'to hehe" Hiling ni Roan. Kaso tinarayan lamang siya ni SeoYoon.

Ngunit naputol bigla ang kanilang bangayan nang biglang may mga foot steps ang kanilang narinig. Biglang sumulpot ang dalawang player na nakasuot ng warrior equipment at may dalang pulang tela. Laking pagtataka ni Roan at SeoYoon pati narin si Herzy sa kanilang nakikita.

Ang dalawang player na ito ay nililinis ang mga bako bakong daan pagkatapos ay meticulous na nilapag ang red carpet.

Biglang may pumasok na boses ang kanilang narinig, "Oho! asan na experience points ko?"

Kalmadong naglalakad sa red carpet na parang nag su-surfing ang may-ari ng boses na ito. Suot nito ang magarbong Armor na kumi-kintab, habang naka wagayway ang pulang kapa sa likod na parang pina hanginan ng electric fan. Bawat lakad, tindig at porma ay masasabing parang isang modelo. Pag-abot sa dulo ng carpet, pomorma ito ng *so-called* super duper cool pose with peace sign, Yeah!

Siya si Grandorm, ang palaging nag ra-rant tungkol sa top 1 spot ng world ranking tuwing na iinterview sa TV.

Kung na-aalala ninyo, siya ang ininterview sa TV na biglang pinatay ng kapatid ni Roan.

Legendary Slime Tamer (Tagalog) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum