Nagpipinaw ako ng damit nina Tita Jen sa sampayan. Habang nagtatanggal ako ng hanger sa damit ay biglang kinuha ni Rayang ang hawak kong hanger. Hinayaan ko lang syang iwagayway iyon ngunit napadaing na lang ako dahil hinampas ako ni Rayang sa likod.
"Rayang,bigay mo sa na sakin. Masama yung nanghahampas ka,"nakangiting sabi ko sa kanya sabay kuha ng hanger. Nung una ay nagmamatigas pa sya kaya sapilitan ko paring kinuha kase baka makahampas pa ng kung sino-sino.
Agad naman syang pumalayaw ng iyak. Bubuhatin ko na sana sya para aluin ng may maramdaman akong init sa parteng hita ko. Napaiyak na lang ako sa sakit na nadama dahil sa latay ng sinturon ni Lolo.
" Bakit naiyak yan?Bakit mo hinampas ng hanger?Bata pa yan!"gitil na sigaw sakin ni Lolo.
Nagtaka ako sa sinabi nya?Hinampas?Ako ng hampas ng hanger kay Rayang?Ganon pa kabrutal ang tingin nila sakin?Na umabot sa point na pati baby sasaktan ko?Atska bakit hindi muna sya nagtatanong kung anong nangyare?Bakit parang siguradong-sigurado na syang hinampas ko si Rayang ng hanger?
Aambahan pa sana ako ng palo ng sinturon ng humarang si Tita Jen.
"Ano ba Tay!?Parehas na lang kayo ni Joro!Hindi hinampas ni Aphrodite si Rayang! Kinuha nya lang yung hanger at nanghahampas kaya umiyak yung bata!Nakita ko ang nangyare at alam kong hindi nya hinampas!Kaya lumalaki ang ulo ng mga inaalagaan nyong apo eh! Una si Tinoy,pangalawa si Butcho baka kapag lumaki-laki na yang si Rayang ay sipasipain na lang kayo!Hindi muna kase kayo nagtatanong eh bago kayo manakit!Yan,yang si Aphrodite lang naman nag-aalaga dyan sa apo nyong maldita na yan!" sabay duro kay Rayang.
Pahid-pahid ko lang ang luha ko ng aluin ako ni Tita papunta sa taas.
"Pasensya ka na ha sa Lolo at Tito mo." sabay hagod-hagod yung buhok ko at likod.
"A-Ayos lang p-po. K-Kung andito po kaya si M-Ma ano p-po kayang magiging b-buhay namin?" natanong ko na lang bigla na nakapagpatahimik sa kanya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagpaalam na ako na matutulog muna saglit dahil sumakit ang ulo ko kakaiyak.
Kinaumagahan ay naghanda na ko para sa sayaw namin. Asa school na ko para ayusan. Ilang teacher ang nag-ayos samin. Nagpabraid na din kami sa mga marurunong. Ilang saglit lang ay tinawag na kami. Maya-maya ay asa stage na din kami.
♪Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin
Itanim mo sa puso mo ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani.♪
Refrain:
♪Hayaan mong lumipad ang isip sa lawak ng langit,
Bitui'y umaawit at ito'y nagsasabing...♪
♪Mangarap ka, mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka, umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo.♪
♪Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin.♪
♪Mangarap ka, mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka, umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo.♪
♪Bawat panaginip na taglay ng yong isip
Palayain mo at ilipad tungong langit
Ang iyong tinig ay aawit.♪
♪...nagsasabing...♪
♪Manalig ka, manalig ka
Ang langit ay naghihintay sa 'yo...♪
Natapos din ang kanta at nagbow na kami ng sabay-sabay.
Di ko namalayan na may tumulong luha pala sa pisnge ko. Piste!Bakit ba umiiyak ako?Anong nakakaiyak sa kanta?!
Piste!!!!
ESTÁS LEYENDO
Broken Chains, Unbroken Dreams
No FicciónComing from a broken family is not a hindrance for you to reach your dream.
