Chapter III

19 8 0
                                        

Nagising ako sa iyak ni Rayang. Pupungay-pungay akong tumayo para timplahan sya ng gatas nya.




"Ssshushhhh. Ito na ang gatas mo. Shush" sabay padede sa kanya.




Naiihi ako kaya bumaba ako ngunit nadatnan ko ang mga pinsan kong nanonood ng Tv.




Madaling araw na ah? Gising pa rin sila?Kaya pala malaki ang bill ng batelec namin kase inaabot sila ng madaling araw kakanood. Napabuntong hininga na l lang ako at iiling-iling na bumaba.









"Anong oras na?" pupungay-pungay ko pa din tanong.







"5:30 na" sabi nila.








Nanlaki ang mata ko at nagising ang diwa ko sa narinig. Dali-dali akong umakyat sa kwarto at kinuha ang towel ko tsaka muling bumaba para maligo ngunit asa hagdanan pa lang ako ay naririnig ko na ang hagalpak na tawa nung dalawa. Nangunot ang noo ko at tinignan sila ng masama. Anong tinatawa-tawa nung dalawang yun?!










"Tanga 12:30 pa lang" napamaang ako sa narinig at padabog na umakyat muli sa kwarto.












"Nakakainis!Nawala ang antok ko.Bwiset!" pagmamaktol ko dahilan para gumalaw si Rayang. Nataranta ako at inihele sya para sya hindi magising hangga't sa 2:00 na ko nakatulog. Maya-maya ay. . .





"Ate gising na 5:30 na" gising sakin ang isa ko pang kapatid na bakla na si Butcho,Hazer Jay ang totoo nyang pangalan.







"Ano?!Bakit hindi nyo ko ginising ng 4:30!Lintek naman oh late na ko!" galit na asik ko sa kanya. Alas sais ang klase ko. Nalintekan na!





Nagdali-dali ako sa pagligo at halos hindi na ko kumain ng umagahan at nagdali-dali aa pagbibihis. Patakbo akong lumabas ng bahay. Malapit na ko sa labas ng subdivision ng maalalang wala pa akong baon.









"Bwiset nakalimutan kong humingi!" nakakabadtrip talaga. Agad akong bumalik sa bahay para humingi ng baon.









Binigyan ako ni Tita ng ₱20.00 dahil wala daw syang kapera-pera. Bibigyan pa nya ng baon yung tatlong anak nya si Kuya Cicoy at Butcho. Naiintindihan ko naman iyon.








Halos tinakbo ko na ang hagdanan hanggang sa makapunta ako sa may labas ng subdivision para dun sumakay.








"Kuya sa national lang po ako. Atsaka Kuya pede po bang pakibilisan late na ho kase ako eh. Pasensya na" pagdedemand ko pa kay manong driver.











Eh sa late na ko eh! Tinignan ko ang relo at 10 minutes na kong late. Naku naku talaga kapag ako napahiya !!!HUHUHUHU! Bwiset bwiset bwiset!








Nang makarating ng school ay nagbayad na ko. Inabot ko na ang buong ₱20.00 at hindi na kinuha ang sukli. Nagdemand ako kaya 'Keep the change'.








Third floor pa ang room ko kaya medyo matagal-tagal pa ang akyatan na gagawin ko. Pagkarating ko ng room nagtaka ako kase kagulo pa sila. Agad na sumalubong sakin si Jary ,Maine at Joycell.










"Oh bakit ngayon ka lang?" nagtatakang tanong sakin ni Joycell.










"Mahabang kwento maya ko na ichika huh" hinihingal kong sagot sa kanila "Bakit ang gulo-gulo pa din?Nakapaglinis na ba?Asan si Sir?" sunod-sunod kong tanong bago pumasok at umupo sa upuan ko.







Broken Chains, Unbroken Dreams Where stories live. Discover now