Chapter II

24 7 0
                                        

"Ayos ka lang Aphrodite?" nag-aalalang tanong sakin ni Jary.




Yumuko ako sa sarili ko. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Anong meron sa auditon na yan kung bakit ganon na lang ang kabang nararamdaman ko.










"Paano kung hindi ako makapasok?Pano kung kayong tatlo lang ang palarin?Magiging kaibigan nyo pa ba ako?" tanong ko sa kanya na nakapagpahinto sa ginagawa nya.










Kumunot bigla ang noo nya sa tanong ko "Ano bang klaseng tanong yan Aphrodite?Syempre naman oo kaibigan ka namin eh atsaka anong hindi makakapasok?Nagpractice tayo di ba?Kaya mo naman kaya ko, kaya ni Joycell,kaya ni Maine. Kaya nating lahat. Makakapasok tayo?Okay think positive Aphrodite" pagpapalakas nya sa loob ko.









Napabuntong hininga ako saka magkakasunod na tumango. Kaya ko toh!Nagpractice ako sa bahay kaya ,kaya ko toh!









"Caileynne Aphrodite Emberda Tapire" sigaw nung isang teacher samin dahilan para mapabalikwas ako ng tayo.









This is it! Nakasalalay dito ang kinabukasan ko kaya susubukan ko ang lahat para lang makapasok.







Pumasok na ko sa room 206 dahil doon ako magsasayaw.









"Ako si Ma'am Divina Dinglasan. Anong music ang gagamitin mo?" seryosong tanong sakin ni Ma'am Divina.







Nakakatakot naman sya. Mukhang seryoso sya sa buhay nya di man lang ngumiti. HUHUHUHU lord please save me!








"Ah-eh a-ano po. Trumpets p-po" patungkol ko dun sa tugtog ko.








Pinatugtog na nya iyon dahilan para ang katawan ko ay kusang gumalaw at sumayaw.









Giling dito,giling doon. Ikot dito,ikot doon. Sway lang ng sway. Hanggang sa malapit ng matapos ang kanta ay humanap ako ng tsempo para makapagbending. Yun tapos na!









"Salamat sayo. Ikakapit ko na lang sa labas ng room ang list ng mga nakapasa. Pakitawag na lang yung sunod" pakikiusap nya pa.







"Salamat po Ma'am" pagpapasalamat ko.







Nakahinga naman ako ng maluwag ng matapos ko ang kanta. Pero napagod ako don huh!









"Next daw. Jary ikaw na!" sigaw ko sa kanya."Goodluck" ngunit tinanguan lang nya ako. Confident na confident sya day!







Nag-apir pa kami bago sa pumasok sa loob.






"Kamusta sayaw mo?Nagkamali ka ba?" bungad sakin ni Joycell.










"Wala sakto lang. Pinatapos din yung kanta ko. Bakit ganon yung sa iba hindi tapos yung kanta,bakit sakin at kay Maine tapos?" natanong ko lang.









"Eh?Halah baka kaya pinatapos kase hindi ka magaling dun sa una?" tanong nya na nakapagpakaba sakin.










Baka nga.. ahhhhhhhhhh nakakalungkot naman kung ganon.






"Joke" pagbawi nya pa.







"Wag kang magjoke-joke dyan ikaw na sunod tuleg" pagbawi ko din."Nga pala nasaan si Maine?"tanong ko sa kanya.








Broken Chains, Unbroken Dreams Место, где живут истории. Откройте их для себя