"Oops. Narinig ko yun" natatawamg sabi ni Soo-hyun at sinamaan ko rin siya ng tingin.


"Ayun naman pala. Mahal mo naman pala. Mahal ka ba?" sabi ni Jieun habang nakangiti. Bigla naman tuloy akong nalungkot sa narinig ko. Mahal nga ba ko? Kasi baka ganyan rin sila ni Hyeri.


"Mahal siya nun. Imposibleng hindi. Itataya ko buong kita ko kung hindi" sabi ni Soo-hyun habang hinihigop yung kape niya.


"What? Bat kayo nakatitig sakin? Totoo naman ah?"
sabi pa nito at di ko siya magets talaga.


"Ano ka ba, hindi yun mag e-effort na puntahan ka kahit napaka tight ng schedules niya kung wala lang. Lalo na yang mga pa food at coffee trucks na yan. Wag nga ako Suzy. Alam mo na yan eh. Bakit? Hindi ba ganyan sila Min Ho at Dong Wook nung umpisa niyo" sabi pa nito at natawa naman si Jieun sa tabi ko.


"Hindi" diretsong sagot ko at nagulat naman si Soo-hyun sa sinabi ko. Habang si Jieun at nakikinig lang samin.


"Ah basta, gusto ka niyan. Indenial lang yan, o kaya takot umamin"


"Kaya nga kailangan may mag trigger para magka aminan na" sabi ni Jieun habang kumakain.


"Oo nga no? Gusto ko yang plano mo" pag sangayon ni Soo-hyun. "Kakausapin ko si Jisoo pagbalik nila. Ako na bahala" sabi naman ni Jieun at nag high five pa sila ni Soo-hyun. Hays! Etong mga kaibigan ko talaga nakaka stress minsan.


"Ayusin niyo yang binabalak niyo ha! Pag nasira friendship namin, f.o na tayong tatlo" sabi ko sakanila at tumawa lang sila.


"Friendship mo your face! Ang tanda mo na Suzy niloloko mo pa rin sarili mo." Sabi ni Jieun at binatukan ko nga siya.


After namin sa coffee shop, ay napagpasyahan namin na dumiretso na sa unit ko para magusap usap. Ang tagal na rin kasi namin hindi nagkita. Ang hirap talaga ng buhay ng isang Idol.


"Ms. Bae, may iniwan po sainyo yung manager ni Sir Min Ho" sabi ng guard. Nakita ko naman yung ngiting kakaiba ng mga kaibigan ko.


"Hindi ko yan kukunin. Pabalik na lang, or patapon. Thanks" sabi ko at dire-diretso na pumunta pa elevator.


"Grabe! Napaka sungit! Malapit na siya lumabas sa Military" sabi ni Jieun at tinaasan ko naman siya ng kilay.


"Kahit lumabas pa siya, walang may pake, at wala rin akong pake." sabi ko at dire-diretso na lumabas sa elevator papunta sa unit ko. Pagka dating ko sa may pinto ay may nakita akong mga flowers.

 Pagka dating ko sa may pinto ay may nakita akong mga flowers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





"See you very soon. I miss you! xoxo, Rosè 🤍"


"Ah, kaya pala ayaw kay Lee Min Ho. Iba na pala kasi gusto." rinig kong bulong ni Jieun.


Idols (Suzy x Rosè)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon