"Okay, friends?" sabay lahad ng kamay niya.

"Friends" sabi ko pag abot ko sakanyang kamay.

Nagka tinginan kaming dalawa at sabay na tumawa.

It was 6 pm nang mapag desisyunan namin na bumalik sa rooms.

Pagkarating namin ay naghihintay pala si Rese sa labas tila may hinihintay.

"Hoy gaga! 'san ka na naman ba pumunta? kanina pa kami naghahanap sayo akala namin kung ano na nangyari!" litanya niya.

Itutuloy niya sana ang sasabihin pero nahagip ng mata niya ang taong nasa tabi ko.

Mabilis na naging ngisi ang kaninang busangot na mukha ni Rese.

"Luna" pasigaw niyang tawag.

Hinihingal na huminto si Luna sa tabi niya. Kalaunan ay lumingon ito sa'kin at sa katabi ko.

Nagtinginan silang dalawa ni Rese at sabay na tumango.

"Tara na Luna. Okay na okay naman pala si Avi, blooming masyado bes" sabi ni Rese kay Luna.

Agad ko siyang binatukan.

"Hoy wag mo 'kong itulad sa kalandin mo gaga ka!" sigaw ko kay Rese.

Humalaklak naman silang dalawa at sumabay pa ang kupal na nasa tabi ko.

Inis kong hinampas ang likod niya.

"Hey, what's your problem?" tawa - tawang tanong niya.

"Ano sa tingin mo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ay oo nga pala, the boys invited us kanina na sabay na daw tayo mag dinner" sabat ni Luna.

"Feeling ko nga alam nila na magkasama kayong dalawa kasi hindi sila nag panic kanina" sabi namn ni Rese.

Napa iwas nalang ng tingin si Lukas pero halata ang pagkapula ng kanyang tenga.

Cute.

"San daw tayo kakain?" tanong ko.

"Doon daw sa resto malapit sa sakayan ng bangka" sagot ni Luna.

Agad akong tumango at inaya silang maglakad dahil nagugutom na rin ako.

Pagkarating namin sa resto ay naabutan namin silang nagtatawanan.

"Bro, buti naman binalik mo na si Avi" panunukso ni Evander.

Agad naman siyang binatukan at pinandilatan ng mata ni Lukas.

"Chill bro, buti pa kumain na tayo, kanina pa kami naghihintay sainyo" sabat ni Calvin.

"Janelle, Deanne, ready na ba ang gamit niyo para sa hiking natin bukas?" tanong ni Rese habang nginunguya ang Tuna.

"Oo, inayos na namin kanina pagkagising" sagot ni Janelle na tinanguan naman ni Deanne.

"Ano pala ang magiging research title natin?" tanong naman ni Luna.

"Wala pa akong naiisip eh, siguro bukas nalang para mapagkasunduan natin" sagot ko.

Natapos ang kainan at napagdesisyunan namin na pumunta sa bar na katabi lang ng resto.

We spend the night having fun, mas nakilala namin ang isa't- isa.

We did body shots at iba pang gimik. Nagsitawanan sa ka kengkoyan nila Calvin, nagsayawan, tumawa ulit sa pagsusuka nila Janelle na halatang lasing na at hindi mawawala ang panenermon ni Luna saamin.

Hindi namin inantala na may lakad kami bukas.

Bumalik kami sa room namin bandang 12 am.

"Rese!" tawag ni Calvin sakanya.

"Yes?" aniya.

"Napag usapan namin kanina ng mga boys na sumama sa inyo bukas total wala naman kaming ibang gagawin sa umaga" saad niya.

Mabilis naman kaming tumango lahat at naka feel ng excitement. Tomorrow will be fun!

Nagsimula nang magsi alisan ang iba at naiwan kami ni Lukas dahil sumenyas sya na wait muna.

Nilingon ko siya nang makita kong nakapasok na ang iba sa hotel.

"Good night, Avi. Sleep well" he said then smiled.

Lord, sana always. Charot!

"Good night Lukas. It was fun hanging out with you guys" I replied.

"I'll see you tomorrow Avi" he said.

Tumango ako at nagsimulang maglakad papasok ng hotel. Nilingon ko siya ulit and I waved goobye.

Tonight is indeed a good night.

Waves of Memories Where stories live. Discover now