"BABAE?E IKAW LANG ANG BABAE KO E!"

"SINUNGALING!"
Giit ni Chess.

"IKAW NGA LANG ANG BABAE KO KO CHESS!"

"NAKITA KAYA KITANG MAY KAAKBAYANG BABAE.SINO YUN?HINDI BA BABAE MO?"

Napanganga naman kaming lahat ng biglang humalakhak si Jack.

"TINATAWANAN MO PA AKO?UMALIS KA NA NGA!NANG GIGIGIL AKO SA'YO JACK!"

"You mean yung babae kanina?Kapatid ko 'iyon.Huwag mong sabihing nag seselos ka?"
Nakangising si Jack.

"H-hindi ako nagseselos!"
Pumula naman ang pisngi ni Chess.

"Nagseselos ka e."

"Oo na!Nagugustuhan na kita!"
Pag aamin ni Chess kaya agad na hinalikan ni Jack ito.

Grabe,wala talagang pag aalinlangang halikan niya si Chess,sabik na sabik yata.

"Ew.Huwag niyong kalimutan na nandito kami."
Nakangiwing si Karina sabay turo sa akin.

"Alam niyo?Ang sakit niyo sa mata.Bili muna ako ng pagkain."

Umalis na ako doon para bumili ng makakain sa cafeteria.Nagugutom din kase ako ngayon.Matapos kong makabili ay umiinom ako ng juice at chichirya habang naglalakad sa corridor.

Enjoy na enjoy pa ako nang biglang sumulpot ang pinaka hate kong tao.
Bigla niyang kinuha ang chichirya ko at kinain iyon!

"Pagkain ko 'yan Elperes!"
Sigaw ko sa kaniya pero hindi nakinig.

"Akin na lang,"

Napairap ako sa kaniya at aagawin sana ang chichirya ko pero itinaas niya ito.

"Ano ba Elperes!Nagugutom ako kaya akin na.Bumili ka ng sayo!Akin na iyan!"
Inis kong sigaw at sa wakas ay nahablot iyon.

Inirapan ko siya at nagmamadaling naglakad pero sinundan niya ako.

"Huwag mo'kong sundan."

"Dito ako dadaan.'Wag kang feeling."
Sagot niya kaya mapakla akong tumawa.

"Pst,Cloud..."
Tawag ko sa kaniya.

Parang sabay na rin kaming naglalakad e.

"Hmm?"

"Nasa'n yung kakambal mo?"
Tanong ko habang umiinom ng juice.

Hindi ko siya nakita matapos ang klase.

Napahinto naman ang Elperes na ito kaya tumaas ang kilay ko sa kan'ya.

"Oh?"
Tanong niya.

"Basta!"

"May gusto ka sa kan'ya?"
Biglaang tanong niya.

Napatikom naman ang bibig ko.Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kumag na ito na gusto ko si Sky baka isumbong niya sa kambal niya na may gusto ako!

"Wala."

"Stop lying,halata naman."
Hindi siya nakatingin sa akin.

"Ay,halata pala?"

"Obvious naman sa'yo e."

"Oo, gusto ko nga siya pero papatayin kita pag sinabi mo,"
May pagbabanta naman ang tono ng boses ko.

Nainis naman ako nang ngumisi siya sa akin.That smirk,I really hate it!

"Paano 'pag sinabi ko?"
Panghahamon niya kaya kumulo ulit ang dugo ko sa kaniya.

"Papatayin nga kita kapag sinabi mo!"
Iritado kong sagot.

"Ba't ayaw mong sabihin sa kaniya?"

"Kasi baka pag nalaman niya ay lalayuan niya ako.Natatakot ako."

Oh tingnan mo Sasha,sinabi mo pa sa Elperes na ito ang mga sekreto mo e hindi naman siya makakapagkatiwalaan.

"Buti alam mo."
Natatawa niyang sabi kaya napasimangot ako.

Grabe siya!Para namang sinabihan niya ako na wala akong pag-asa sa kakambal niya.

"Painom na din,nauuhaw ako."

Hinablot niya ang juice ko.

Napanganga na lang ako sa ginawa niya.

"ELPERES!MASASAPAK TALAGA KITA!BWESIT KA TALAGA!"
Halos mawala na ang boses ko.

At ang magaling na Cloud naman ay tumakbo.Biruin mo?Ininom niya ang juice ko at yung straw ay may laway ko na!

"Oh paano 'yan?Nagka-indirect kiss tayo." Ngumisi siya.

"Wala akong pakialam sa indirect kiss na iyan.Ang problema ay may atraso ka sa akin.Hindi ka ba marunong bumili?Ang kapal talaga ng mukha mong kainin lahat ng—"

Naputol naman ang panenermon ko kay Cloud dahil nakita kong papalapit si Sky.

"Hi Sky!"
Masigla kong bati.

Sa pagkita ko palang sa maamong mukha ni Sky ay parang naagnas agad yung galit ko kay Cloud.

"Sup,Sasha.Nag-away kayo?"
Tanong niya sa akin at bumaling sa kambal niya.

"Hindi ah...Actually,nag-uusap lang kami." Mapakla akong tumawa.

Tumango tango lang siya.

"Sky!Ang bilis mo namang maglakad!"
Hingal na hingal na si Veigh.

Ano ba 'tong si Sav,sumusulpot talaga kapag nasa harapan ko na si Sky.Kainis.

"Sorry,nakita ko kase sila kaya pumunta ako dito."

"Ah.Wait,magkasama kayo ni Cloud,Sasha?"
Tanong ni Veigh.

"Ahh oo."

"Kinikilig naman ako sa inyo,isang buwan pa lang pero parang may something na sa inyo e!"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Veigh.

Sinulyap ko si Sky na nakangiti lang din.

"Huh?Anong something?Wala kami nun Veigh!"
Depensa ko sabay kaway sa kamay ko.

"Sus!Anyway,just call me Sav.Si Skie—I mean Sky lang kasi ang panay tawag sa'kin ng Veigh."

Tumango na lang ako.

"Oo nga,siya lang yung may something sa'kin,may gusto yata..."
Turo ni Cloud sa akin!

What the hell?Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sinabi niya.Feelingero!

The Bad Boy's ChaseWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu