I stumbled upon Sisa's YouTube channel when I had to watch videos about Noli Me Tangere in my freshman year in high school. Nanonood ako ng character analysis tungkol kay Sisa, Crispin, at Basilio nang makita ko sa recommended videos iyong cover nila ng 214 ng Rivermaya. And once I clicked on that video, I wasn't able to stop until I finished watching all of their original songs, covers, and vlogs. Nakalimutan ko ngang gumawa ng assignment noon kaya nagpanggap na lang akong nilalagnat kinabukasan. But you can't really blame me! Their music is top-tier! Maganda rin ang pagkakakuha at pagkaka-edit ng videos kaya parehong masarap sa mata at tainga.
And the lead vocalist—Sir Isaac—I don't know how to explain it but I couldn't stop looking at him. Kung tutuusin, kung hindi lang siya ang nasa gitna, baka mas una kong napansin si Sir Kael, iyong leader at drummer ng banda. Sa sobrang puti nito ay literal na ito ang una mong makikita. And he literally looks like a fucking porcelain up close! Diyos ko, wala yata itong pores! Pagkatapos sobrang bait din kaya halos lahat yata ng tao sa company ay kabiruan o ka-friendly landian nito.
Sir Kael is easy to get along with, but there's something about Sir Isaac's quiet nature that makes me want to know what's going on inside his head. I've always thought that he looked like the mysterious male protagonist in the movies that I love watching. At ngayong tinitignan ko siya mula sa malayo—katulad lang ng dati—para akong nakatingin sa isang scene kung saan katatapos lang pumatay ng bida. He has that kind of vibe. He's like a mysterious protagonist—an anti-hero.
Ilang minuto rin akong nakatayo lang doon na parang gago habang pinagmamasdan siya. Natauhan lang ako nang mahulugan ako ng mangga sa ulo.
"The fuck..." I muttered. I glared at the mango tree beside me while massaging my head. Sisipain ko nga rin sana pero napagtanto kong mabuti na rin iyong nangyari kaysa ilang oras kong titigan si Sir Isaac mula sa malayo. Ano ba 'yan?! Sabi ko hindi ko na siya i-stalk, e!
Bago ko pa tuluyang pagpantasyahan si Sir Isaac, itinulak ko na iyong mataas na gate ng sementeryo at pumasok sa loob. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa gilid niya. Umikot agad ang mga mata ko nang hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Nanatili siyang seryosong nakatingala sa maliwanag na buwan at para bang hindi niya ako napansin na dumating.
I cleared my throat loudly. "Sir Isaac," tawag ko. "Kanina pa po kayo hinahanap ni Manager Dyan." I looked at my wrist watch and looked at him again. "Malapit na po mag-seven o' clock, Sir. Isang oras na lang po magsisimula na ang concert niyo. Hihintayin ka ng fans at Sisa."
I waited for an answer, pero isang minuto ang lumipas at wala pa ring sagot na dumating. Diyos ko! Bakit ganito ang anak Mo? Kaya kahit nakakasalubong ko 'to minsan sa hallway, hindi ko kinakausap, e!
"Sir Isaac!" malakas na tawag ko. Pero kahit lingunin lang ako, hindi niya ginawa. This guy... I was starting to get annoyed so I took a deep breath. Bingi ba siya? Invisible ba ako? Tumataas ang bra ko sa kanya, ha!
I stepped closer and lightly shook his shoulder. "Sir—" tawag ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong itulak. Sa sobrang lakas ay nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa matigas na sahig ng sementeryo. "Tangina..." I closed my eyes tightly and groaned in pain. Ramdam ko ang sakit sa gilid ng pwet ko. At hindi ko napigilang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi sa siko na ipinantukod ko sa magaspang na sahig.
Alam kong ayaw na ayaw ni Sir Isaac kapag hinahawakan siya, kaya kahit nakakaasar siya, gets ko naman kung bakit niya ako itinulak. Pero kahit gano'n, umasa pa rin akong iaabot niya iyong kamay niya para tulungan akong tumayo. Pero pagtingala ko, nakatingin lang siya sa akin habang nakapamulsa.
"'Di mo ako tutulungan?" inis na tanong ko.
Hindi siya sumagot at tinignan lang ako.
Tangina... bakit siya ganito? Hindi naman siya ganito dati.
Kahit napapangiwi sa sakit ng pwet at hapdi ng siko, pinilit kong tumayo para harapin siya. O tingalain siya. Hanggang kili-kili niya lang pala ako?
"I'm waiting," I told him.
"For what?" he asked.
I stared at him with utter disappointment. For the first time in my life, gusto ko siyang sakalin. And not in a very sexual way.
"Gago ka ba?" inis na tanong ko. "Aba, mag-sorry ka!"
"Para saan?"
I closed my eyes and took a really deep breath. It took me a full minute before I looked at his face again.
Ang gwapo.
Tangina, sana mukha na lang siya.
"Bakit mo 'ko tinulak?" pigil na pigil ang irita na tanong ko. "Sinasabi ko lang na late ka na sa concert ninyo. Pasalamat ka nga pinapaalala ko sa 'yo. Pasalamat ka may pakealam ako sa career mo."
"Hiningi ko ba?"
"What?"
"Iyong pakealam mo, hiningi ko ba?"
Pakiramdam ko nabingi ako saglit. And then when his words sank in, I was pulled back to the parking lot on the day of their concert four years ago.
"Isaac... Bakit ang lungkot mo?"
"Pakealam mo?"
"Ano kasi... Ilang buwan ko nang napapansin na parang nagbago ka. Tahimik ka naman dati, but you're not this... cold... and angry... and sad... Nag-aalala lang ako."
"Hiningi ko ba?"
"What?"
"Iyong pag-aalala mo, hiningi ko ba?"
Right. Bakit ko ba nakalimutan? Hindi niya nga pala hiningi. Bakit ba ipinagpipilitan kong ibigay 'yung pag-aalala at pake ko?
Sino ba ako para mag-alala sa kanya?
Fan lang naman ako.
Sinubaybayan at sinuportahan ko siya simula noong una.
Naging masaya ako sa bawat achievement niya.
Pinuntahan ko lahat ng events at concerts nila na kaya kong puntahan.
Ni-report at pinatulan ko lahat ang accounts ng mga haters niya.
Pinakinggan ko lahat ang mga singer at bandang gusto niya.
Iniyakan ko lahat ang mga kantang isinulat niya.
But still... fan niya lang ako.
Isa lang ako sa milyon-milyong fans niya.
Voiceless.
Faceless.
Nameless.
Nandiyan... pero hindi pamilyar ang boses.
Nandiyan... pero hindi natatandaan ang mukha.
Nandiyan... pero hindi alam ang pangalan.
Nandiyan... pero kahit mawala, wala namang maapektuhan.
Walang masasaktan.
Ni walang makakapansin.
Huminga ako nang malalim saka ako tumingin kay Sir Isaac. May pumipihit sa puso ko tuwing nakikita ko iyong nagtatagong lungkot sa mga mata niya, pero kaya ko naman sigurong pumikit o umiwas ng tingin para hindi ko na lang makita.
"Sorry kung lagi akong nag-aalala para sa 'yo. I promise this is the last time that I'll worry about you," sabi ko sa kanya. "Pero please... pumunta ka sa concert ninyo. Mababaliw na iyong mga tao kahahanap sa 'yo," sabi ko bago ko siya tinalikuran.
YOU ARE READING
If #1: If This Lasts
General FictionCarmela Chandria Arellano knew that true love exists, but that doesn't necessarily mean she wants anything to do with it. Love comes with pain and betrayals--and she knew that she's not one who forgives easily. But she forgot to consider one thing:...
