Chapter 1

108 3 3
                                        

Inaantok akong napaungol nang maramdaman kong may humila sa baywang ko para yakapin ako. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata at kumunot ang noo ko dahil dibdib ng isang lalaki ang una kong nakita. I looked up to see a mouth-watering face, and I immediately realized that he was the hot guy from the bar last night. He was playing billiards with his friends when I saw him, and I smirked when I caught him already staring.

"Morning," mahina niyang sabi bago humalik sa balikat ko.

Sumiksik ako sa dibdib niya. "Anong oras na?"

He lazily reached for his phone on the bedside table. "Eight o' clock."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napabangon. "Eight? Nag-alarm ako ng six!"

Tangina, sigurado akong nag-alarm ako kagabi bago niya pa nahubad 'yung panty ko!

"Nag-alarm phone mo kanina—"

"And you didn't think of waking me up?!"

"Sorry," malambing na sabi niya. "But it's Saturday."

"So?!" I exclaimed. What the hell?! Alas otso iyong trabaho ko!

Mabilis akong tumakbo sa banyo at naligo. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabanlaw ng katawan nang bigla siyang sumulpot.

Tumaas ang isang kilay ko pero nagpatuloy ako sa pagbabanlaw. "Bakit ka nandito?" tanong ko.

Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko bago mahinang tumawa. "Banyo ko 'to," sagot niya. Sumandal siya sa sink at nagsipilyo habang pinapanood akong maligo. Wala pa rin siyang damit kaya hindi ko mapigilang hindi tignan ang kabuuan niya. Nang huminto ang mga mata ko sa nakatayong pagkalalaki niya, hinawakan niya iyon at mapang-akit akong tinignan.

"Tumigil ka, isasaksak ko 'yan sa baga mo," pagbabanta ko. I couldn't help but glare at him when his laughter filled the whole bathroom. Kung ginising niya ako nang maaga, e di naka-isang round pa sana kami! E kaso gago siya. Bwisit!

Nang matapos ako sa pagligo, inabutan niya ako ng tuwalya. Binigyan niya rin ako ng bagong toothbrush kaya iyon ang ginamit ko. Lumabas ako ng banyo para hanapin iyong paper bag na lalagyan ko ng ekstrang damit, pero napamura din agad nang maalalang naiwan ko 'yun sa bar kagabi.

Tangina. Inuna pa kasi 'yung tinitibok ni Pekpek!

Kumatok ako sa pinto ng banyo kahit hindi naman iyon nakasarado. Mabilis namang lumingon sa akin si... Sprinkler—ang lalaking nagdilig sa natutuyo kong best friend.

"Pahiram ng damit," sabi ko, pero huminto rin agad para itama 'yung sarili ko. "I mean pahingi. Naiwan kasi sa bar 'yung pampalit ko."

"Pahingi?" Ngumisi siya. "Bakit? Gusto mo ng remembrance?"

I shrugged. "Maybe."

Gusto kong sabihin na hinihingi ko para wala na akong dahilan para kitain siya ulit, pero baka isipan niyang hindi napasaya ng best friend niya ang best friend ko kaya hindi ko na lang sinabi. Magaling at masarap naman siya, pero ang layo ng condo niya sa trabaho ko. Ayoko ng hassle.

"Kuha ka na lang sa cabinet," sabi niya. "Pero mas bagay sa 'yong walang damit."

"Alam ko. Thanks," sagot ko at narinig ko na naman iyong halakhak niya.

Pumunta ako sa cabinet niya at kumuha ako ng dark blue long sleeves. Malaki naman iyon sa akin kaya nagmukhang dress. Sinuot ko na lang din iyong belt na suot ko kagabi para hindi halatang sobrang luwag ng damit sa akin. Manghihingi nga rin sana ako ng boxers pero malaki naman sa akin. Nag-side B na lang tuloy ako ng panty.

Pagkatapos kong ipagkasya sa body bag ko iyong suot ko kagabi, isinukbit ko na iyong bag sa balikat ko.

"Aalis na ako," paalam ko nang lumabas si Sprinkler na wala pa ring suot.

If #1: If This LastsWhere stories live. Discover now