Chapter 4

178 2 1
                                        

Maico POV

Kinabukasan nagising akong wala na sa tabi ko si Rhain. Dumiretso ako sa banyo para maligo, kailangan ko kasing pumunta ng maaga sa ospital ngayon dahil gusto kong echeck si Maxine dahil sa wakas nagising na ito sa pagkacoma niya kahapon kaso dahil mahina pa ang katawan niya nagpahinga lang ulit ito. Sandali lang ako kasi plano kong ipasayal si Seth ngayon at papasok rin naman si Rhain sa opisina ngayon.

Paglabas na paglabas ko ng kwarto napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Yohan sa kusina. Pagpasok ko sa kusina parehong nagulat si Yohan at Seth.

"papa/kuya! " Halos sabay Sabi nila Seth at yohan habang si Rhain naman hindi makatingin sa akin.

lumapit ako kay seth at hinalikan ko ang noon niya.

"Anong ginagawa mo rito kuya?"

"dito ako na tulog kagabi" tumingin siya kay Rhain at tumango man si Rhain para iconfirma ang sinabi ko.

"pinirmahan niya na ang annulment paper napinagawa nang lolo niya at ikaw anong ginagawa mo rito?" balik na tanong ko sa kanya.

"ahm susunduin ko lang sana si Rhain ngayon kasi ang first day niya sa trabaho bilang pansamantalang hahalili kay kuya Nathan. " Tumango ako

"Ako muna magbantay kay seth ngayon hindi naman ako magtatagal sa Ospital may isang patient lang naman akong titignan" tumingin si Seth kay Rhain habang si Rhain naman ay tumango rito kaya tumingin ito ulit sa akin

"Sige po papa" alam kong akward sa kanya ito kahit naman ako hindi ako sanay maging ama sa kanya.

"mamasyal tayo at maglalaro ng arcade games sa mall" sabi ko at nakita ko itong ngumiti sa akin

"talaga papa sige po excited na po ako para mamaya. " hindi ko mapigilang hindi matuwa sa anak ko kasi kamukhang kamukha ko siya noong nasa ganyan akong edad tulad niya

"maiwan ko muna kayo kasi mapapalit lang ako ng damit kumain nakayo susunod nalang ako." sabi ni Rhain at umalis. Hindi ko alam pero natagpuan ko ang sarili kong sumunod kay Rhain sa kwarto.

Naabutan ko siyang pumipili ng damit nakita kong kinuha niya ang isang pencil skirt. Napangiwi ako sa ikli noon.

" wag mong sasabihing yan ang isusuot mo" sabi ko at mukhang nagulat ito sa biglaan kong pasasalita, pansin kong madali lang magulat at iwan ko ba gusto kong makitang nagugulat siya.

"Bwesit ka talaga Maico wag kana ngang nanggugulat at anong ginagawa mo rito kumain kana doon." hindi ko siya pinansin at inagawa sa kamay niya ang skirt na kinuha niya at pinalita ko ito nag isang white floral dress.

"yan ang isuot mo sobrang ikli ng mga skirt mo"

"hindi naman sa lahat huh"

"anong hindi lahat e halos same length lang lahat kaya yan ang suotin mo" nakita ko namang ngumiwi niya kasi alam niya na totoo ang sinasabi ko.

"mamaya bibili ako ng mga bagong damit mo pag punta namin ng mall"

" hindi na kailangan pa"

"hindi ko hinihingi ang permiso mo sinasabi ko lang na bibilhan kita ayaw ko sa mga damit mo, magaganda sila pero hindi ko gusto kung gaano sila ka ikli lalo na ang mga skirts mo." Napanguso siya napalunok ako sa ginagawa niya, ano bang nangyayari sa akin.

Won't Let You Go (Under Revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora