Then he left. He left me dumbfounded. Yun na ba yun? Yun na ba ang dahilan ng pag alis ni Jaivic? Pa'no ako mkakasgurong hndi sya ngsisinungaling?
Knuha ko ang phone na iniwan nya. Pagbukas ko pa lng, nasa Video files na.
I played the first vid.
Si Jaivic. . Sobrang payat. Sobrang matamlay. She looked so pale ang fragile. And she's sobbing.
'Baekhyun. . . Hi. Uhm how should I start. . Sorry if my voice cracks a little. Baek. . I'm so so sorryyy. Alam kong hindi sapat ang pagsosorry pero sa ngayon ito lang muna ang magagawa ko. Nagawa ko lng naman ang pag-iwan sayo dhil ayokong umasa kapa..o maghntay sa hndi kasiguraduhang pgbabalik namin ng anak mo. *sighs* Naiintindihan mo naman siguro diba? Na mas pinili ko na hindi mo makita ang pinagdadaraanan naming ng anak natin. And Baek, I’m not even sure if I am going to get through all these. Ipeperform na ang operation in any minute. And. . I dont know if I'm going to survive. Gusto kong maging masaya ka Baekhyun Honey. Ayokong maranasan mo ang kalungkutan kung sakaling….mawala man ako. Manganganak na rin ako. .and. . . Baek. I love you. I love you so much. If I die and the baby can survive, I want you to call him Briz Vincent. . Okayy?? Okay honey? *closes eyes for a while* Bye. I love you…..so much'
Pinanood ko rin ung video na katabi nya ang bagong anak naming sanggol. I found out she was in a coma for 3 days after the operation.
Ung isang video, during Briz's 1st birthday.
Now, I dont wonder why he really looks like me when I was about his age. .
Marami pa akong nakita. Di ko na itinuloy ang panonood dhil sa tuloy'2 na pgpatak ng luha ko. Napahagulhol ako dhil sa pgsisisi, sa pgtakwil ko sa knya kahapon, sa mga bagay na di ko nagawa, sa mga pgkukulang ko, sa hindi ko pagtuklas sa katotohanan. I had been clouded with too much anger. Ngayon lang ako naliwanagan.
May biglang pumasok.
Si Triza.
“T-Triz? Kanina kpa dyan?” Pinunasan ko ang pisngi ko.
Instead na sumagot, umupo siya malapit sa akin… “Baek. . . . .Mahal mo pa ba sya?”
Siguro narinig niya lahat….. Hindi ako mkasagot.
Hindi ko alam kung sa’n ang mas mahirap… ang aminin ito mismo sa sarili ko… o ang sabihin sa kanya na alam kong magpapabigat sa kanyang loob ng husto.
Nagsalitsa siya. “Pilit mo mang itinatago yang nararamdaman mo, alam ko. Nararamdaman ko. Kahit hindi mo sinasabi, naririnig at nakikita ko. Dahil babae rin ako.”
“Ayokong masaktan ka Triz… Alam mo naman yun diba?”
Nahihirapan din ako.
“Pero ayoko ring masaktan ka, Baek. Ayokong masaktan ka sa piling ko dahil kahit hindi mo man nasasabi, alam ko namang sya pa rin ang mas matimbang sa aming dalawa. Siya ang nauna Baek. Siya ang nang-iwan hindi dahil sa hindi ka niya mahal o pinagtaksilan ka, kundi para sa ikabubuti mo at sa anak ninyo.”
Namumuo na ng luha ang mga mata niya.
Nagpatuloy siya. “Kung may isang bagay man akong natutunan, o kahit sinong tao na nagmamahal, iyon ay ang pagsasakripisyo. Love is indeed a sacrifice Baek… and….” Nanginginig na ang mga kamay niya. “And I am willing to sacrifice my own happiness para sa ikaliligaya mo. She may have broke you into a million pieces that one could ever imagine, pero alam ko…kahit masakit……na siya rin ang makakabuo no’n.”
Tama si Triza. Masakit ang pinupunto niya pero alam niya ang sinasabi niya. How could a man ever deserve a woman like her, whose heart is so pure that even selfishness could not even get a way into?
“Triz….. Paano kayo ni TG???”
“Naging maayos naman ang buhay namin bago ka pa dumating. Sguro nga ipinahiram ka lng ng Diyos sakin, Baek….samin ni TG. Tapos na ang mission naming sa iyo. At tapos na rin ang responsibilidad mo sa amin”, nalulungkot niyang saad. “Maybe there are some things arent worth the fight anymore,Baek. Pero ung asawa mo, ung pamilya mo, hindi sila kasali dun. Kung mahal mo sya, balikan mo. Alam kong masakit pero un ang tama. Mahal kta Baekhyun. . .. . .kaya't pinapakawalan na kita”, mapait niyang tugon.
Kasunod nun ang pghakbang nya papalayo. Naiwan akong mag-isa, gulong-gulo, at di alam ang gagawin.
---
AUTHOR’S NOTE:
Saludo ako kay Triz. Naniniwala talaga siya sa kasabihan na “If you truly love someone, and when you are no longer the reason for their happiness, set them free.”
Yeah :’( I think it is the best way to prove someone of how you love them. When you choose to do what’s best and sometimes that would be to let go of them no matter how difficult and painful it may seem. Because when you truly love someone, their happiness means a lot more than your own.
Kindly play Let It Go as background music. Lol.
Please don’t forget to vote and/or to comment. Thanks thanks!
~n.b.c.
YOU ARE READING
Linger
FanfictionIsa na sanang buong pamilya ang mararanasan ni Baekhyun at ng kanyang asawa nang may isang malaking balakid na humaharang sa kanilang magandang pagsasama. Maaayos pa kaya ang lahat kung susuko ang isa at mapupuno ng galit ang maiiwan? Maibabalik pa...
Part 10
Start from the beginning
