PART 4
BAEKHYUN's POV
Ilang tao na rin dito sa opisina ang nakakapuna sa kasiyahang di ko maitatago. Aba,sino namang di maeexcite maging daddy. Yung may responsibilidad ka ng haharapin, may aalagaan ka na, may kukumpleto na sa pamilya nyo.
“Ang saya natin ngayon pare ah”, si Jin, katrabaho ko.
“Sinabi mo pa eh araw-araw naman yang ganyan. Parang nasa ulap”, dagdag ni Taehyung
“Kayo naman oh. Magsipag-asawa na kase kayo para maramdaman nyo rin to” sabi ko sa kanila.
“No thanks. Di muna sa ngayon”, sagot ni Jin.
“Oo nga.. May tamang panahon pa naman para sa’min.”, saad ni Taehyung
“Sinabi nyo eh”
“Uy Minhyuk!”, sambit ni Jin dun sa isang katrabaho din namin. Sabay kaming napalingon.
“Pumunta lng ako dito para pormal na magfile ng leave”, tugon ni Minhyuk habang inilagay ang mga folders at iba pang gamit sa dala niya attaché case.
“Ha??”, si Taehyung. “Eh kakabalik nga lng natin sa trabaho,mglileave ka na agad?”
“Oo nga”, dagdag ni Jin “For how long?”
“Uhm weeks.....months maybe?” Nagkibit-balikat ito. “May importante lng talagang aasikasuhin”
Bago siya tuluyang umalis, liningon niya ako.
“Baek..congrats.. At. . . .” Nagbuntong-hininga siya bago nagpatuloy “….mag-ingat ka.” At saka umalis.
Tiningnan nila ako pagkaalis ni Minhyuk.
“Oh ano?”, tanong ko sa kanila
“Ang weird nun. Diba siya dapat ang sabihan mo ng mag-ingat..”, si Taehyung.
“Sinabi mo pa”, si Jin.
--
5pm yung out ko..
Nagmadali akong umuwi para maasikaso ang asawa ko.
“Hon nandito na ako.”
Nakita ko siyang lumabas galing banyo at matipid na ngumiti nung makita ako.
Matipid ko siyang hinalikan sa pisngi “Nagsusuka ka pa rin ba?”
“Uh hindi”, matamlay niyang saad. “Uhm Baeks?? Maaari ba tayong mag-usap mamayang gabi?”
“O-Oo naman. Bakit? May problema ba?” Kinukutuban ako sa tono ng pananalita niya.
Di niya ako tinignan ng deretso sa mata. “W-Wala naman. Sige ah pahinga muna ako Hon.”
Umakyat muna siya para magpahinga. Sa tono ng pananalita niya,parang may mali e. Di ko mawari pero alam kong may hindi magandang mangyayari.
Pati sa hapunan, wala kaming imikan.
--
Sa kwarto...
“Baekhyun. . . . . “
Heto na naman yung boses niya na nagdadala ng kaba.
“Baekhyun. . . Uhm tungkol pala dun sa gusto kong sabihin. W-wag ka sanang magalit. . . . “
Nakatingin lamang siya sa sahig.
“Baekhyun. . . Baekhyun. . I'm sorry. . . I'm so so sorry. . .”
Humahagulhol na siya. Di ko pa rin maiintindihan. Nakikinig lng ako.
“Baekhyun,di kitang kayang saktan. Alam na alam mo yan. Di ko gustong mangyari to.. Pero. .pero ayoko ng magsinungaling sayo. Pag pinapatagal ko pa to, mas lalo lang kitang masasaktan.. Kaya't. . . . .”
Patuloy pa rin sya sa pghagulhol. Gusto ko syang lapitan ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong makinig na lamang.
Tumingin siya sakin na para bang nakikita niya ang kaluluwa ko. Tumigil ang mundo ko sa sumunod na katagang binitawan niya.
“Baekhyun . . . . . . . .”
“. . . . . . .hindi ikaw ang ama nitong dinadala ko”
Di ako makakilos. Para akong nabulag at nabingi sa kinatatayuan ko.
Pilit kong sinisira ang mga salitang yun sa isipan ko. Pilit kong ibinubura. Hindi. Hindi ko yun narinig. Pero. . . May masakit pa pala. . .
“S-si. . . Si Minhyuk ang ama”
Mas tumindi ang pghagulhol niya. Pero wala na akong naririnig. Wala ng pumapasok sa utak ko. Nakaramdam ako ng milyon-milyong matutulis na bagay na tumutusok sa buo kong katawan. Akala ko namanhid ako pero ba’t nararamdaman ko pa rin ang mga iyon.. parang hindi lang ibinaon sa katawan ko, kundi pati sa kaluluwa ko…sa buo kong pagkatao…
“P-pa'no?”, sinimulan ko ang pagsasalita, ang tanungin sya, pero hindi ko alam kung gusto ko ba talagang malaman. “Pa'no 'to nangyari? Di ko naiintindihan. Di eh. Di tlga. Nagsisinungaling ka Jaivic! Nagsisinungaling ka, sbihin mo ang totoo!!” Alam kong hindi totoo ang sinabi niya… Nagsisinungaling lamang siya…. Pero..pero….. bakit….
“Matagal ko na syang mahal,Baek. Matagal na. Patawarin mo ako. Sana'y patawarin mo ako”
Tuloy-tuloy sa pgpatak ang luha ko. Mali 'to e. Maling mali. Di 'to nangyayari. Isa lamang itong masamang panaginip. O panaginip ba nga lng ba?? Parang awa na, patakasin nyo na ako sa panaginip na ito.. Hindi ko na maramdaman ang paghinga ko.
“Baek. . . .. Baek. . .Hon…….” pilit niya akong hinawakan
“T-teka.” Inalis ko ang kamay niya sa pagkahawak sa'kin. “Di ako makahinga”
Hindi ko yun sinabi upang makalayo.
Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Nawawalan na ng lakas ang tuhod ko at hindi na ako mkahinga ng maayos.
Nang makalabas ako ng bahay, umupo ako sa pinakamalapit na bench. Dun ko ibinuhos lahat ng sama ng loob. Ilang beses akong sumigaw nang dahil sa sobrang galit at pagkadismaya. Pinagtaksilan nila ako! At kabarkada ko pa. Si Minhyuk. Yung gagung yun!! Kaya pala kanina sa huling pagkikita namin…. Ang inasal niya……. Kaya siguro umalis siya…dahil alam na niya…..dahil natatakot siyang harapin ang katotohanan at ang responsibilidad. …. Siguro tama nga ako…. na gago siya.. Isang napakalintik na taong gago. At may lakas pa talaga siyang harapin ako kanina. Gago.. Ako naman tanga. Galing din nila magkunwari ‘no? Hah. Napakagaling. Yung akala kong nag-uusap lang sila dahil sa sila nga'y magkaibigan. Yun pala, may namumuo na. Kaya naman pala lagi nalang akong nakakakuha ng cold treatment mula sa asawa ko. Yun pala ang dahilan.
Ang sakit! Ang sarap manakal. Kaso masyado kong mahal ang asawa ko. Di ko siya kayang saktan. Di ko kayang magbitiw ng masasamang salita kahit sa ganitong sitwasyon. Kase nga diba, isa akong tanga. Nagmahal lang naman ako ah.
Pero kase. . . . .pa'no nya nagawa sa'kin 'to ???? May pagkukulang ba ako bilang asawa???
Patuloy pa rin ako sa paghagulhol...ngunit mas lalo lang 'atang sumisikip ang pakiramdam ko.
---
AUTHOR'S NOTE:
Wotwooo~ Mahaba-haba po yung update.
Ano po masasabi ninyo sa kalagayan ni Baekhyun?
To be honest, habang tinatype ko ang part na 'to, parang ako yung naiwanan ng minamahal hahaha. Dinama ko talaga so I could put it into words.
Aye aye aye! Wag kalimutan mag vote at mag comment.. Malay nyo sa susunod na parts, sa inyo ko idddedicate /winks/ Maraming thankiesss!
~n.b.c.
YOU ARE READING
Linger
FanfictionIsa na sanang buong pamilya ang mararanasan ni Baekhyun at ng kanyang asawa nang may isang malaking balakid na humaharang sa kanilang magandang pagsasama. Maaayos pa kaya ang lahat kung susuko ang isa at mapupuno ng galit ang maiiwan? Maibabalik pa...
