Part 5
JAIVIC's POV
Si Pat, kausap ko ngayon sa phone. “Jaiv, dalian mo na”
“Oo heto na, aalis na ako.”
“Sige. Baka maabutan ka pa ng asawa mo”
“Pat. . . Ayoko 'tong gawin”
Ilang beses ng nag-crack ang boses ko kakaiyak. Nailigpit ko na ang gamit ko dito sa maletang dala-dala ko.
“Nasa labas na kami ng bahay nyo”, sabi niya sa kabilang-linya.
Panay ang pgpunas ko ng luha kong ayaw tumigil sa pagpatak habang kinuha ang nakatuping papel at ipinatong sa drawer sa gilid ng kama.
Tinitigan ko muna ng husto ang inilagay kong papel at pumikit. “Bababa na ako.”
BAEKHYUN's POV
Siguro mga dalawang oras rin akong namalagi muna sa lugar na yun na hindi kalayuan sa bahay.
Nakakabingi ang katahimikan pagbukas ko ng pintuan. Pinuntahan ko agad si Jaivic sa kwarto ngunit wala siya. Kinakabahan na ako. Wala sa banyo, sa kusina, sa sala, sa kasuluk-sulukan ng bahay, wala.
“Jaivic???. . Hon. . . . .???” nagpapanic na ako. Hindi kaya . . . . .
Bumalik ako sa kwarto. Napansin ko ang isang drawer na nakabukas. Wala na ang ibang kagamitan niya. I opened the cabinet. Halos espasyo na ang makikita mo.
“No. . No . . Jaivic. No no. .. . .” Dumoble ang kaba na nararamdaman ko.
Binuksan ko agad ang drawer at hinanap ang phone ko. Ilang beses ko syang c-in-ontact pero out of reach… Tinawagan ko rin ang matalik niyang kaibigan na si Patrice pero di rin macontact. Namamanhid na ang buo kong katawan.
Lumabas ako at hinanap sya sa labas, nagbabakasakaling maabutan siya. Pilit kong iniisip na baka kailangan lang nya ng space, na kailangan lang ng may malabasan gaya ko kanina. Kaso… dala-dala niya ang mga gamit niya.. at buntis siya. Hindi siya dapat na mapahamak…
Tinanong ko rin si Aling Pany, yung may ari ng maliit na store, kung napansin ba niya si Jaivic na dumaan ngunit hindi….
Nabigo ako sa unang oras ng paghahanap.
Si Minhyuk.. Baka may alam si Minhyuk . . . . Umuwi ako ng bahay upang tawagan ito sa telepono mismo…
“Hello?” Babae yung boses.. Ang nakababata niyang kapatid
“Ahm……hello Tiffany, si Kuya Baekhyun mo ito, itatanong ko lng kung nandyan ba si Kuya mo?? Maaari ko ba sana siyang makausap?”
“Ay Kuya Baek, kaaalis lang po ni Kuya. May aasikasuhin daw siya sa ibang lugar ehhhh..”
“Sa ibang lugar? Sa’ng lugar?” Naririnig ko na ang tibok ng puso ko.
“Hindi po niya naibanggit kase nagmamadali na po yun eh pero marami po suyang dala…. Bakit po Kuya, may importante ka bang ipapaabot?”
Umalis siya. Umalis si Minhyuk. Umalis din si Jaivic…. Hindi kaya………..
“Hello po Kuya???”
“A-Ah…sige Tiffany.. w-wala naman.. Gusto ko lang sanang kumustahin sya. Sige.”
Ibinaba ko na ang telepono… Ang bigat ng pakiramdam ko… Mukhang nagdidilim na ang paningin ko..
Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas na mapunta dito sa kwarto..
Napadako ang tingin ko sa picture frame sa ibabaw ng drawer.. Napakunot-noo ako nang may mapansin.
Isang nkatuping papel ang napansin ko sa gilid ng frame. Nanginginig ang kamay ko habanag iniabot ito..
Binuksan ko.
At ang nakasulat…
'Baekhyun
Alam kong masakit ang mga nagawa ko. Alam kong sobra kitang nasaktan. Pero sana ay… Sana'y balang araw ay maintindihan mo na ginawa ko lamang 'to para sayo. You'll see. I choose to do what's best.....for us. I love you….
-jaiv '
May napansin akong blurry na letra sa dulo ng pangalan niya….. Kumirot ng husto ang puso ko, Napatakan ito ng luha niya. Pero hindi ko pa rin maiintindihan. Mahal niya ako pero iniwan niya ako.....
Napatakan na rin ng luha ko ang hawak kong papel. At naulit. At naulit. At naulit. Hanggang sa wala na akong mabasa dahil sa namumuong luha sa mga mata… Hanggang sa tuluyan ng bumigay ang tuhod ko.
Jaivic.......
Bakit????
Bakit mo 'ko iniwan. . . . . . . .
--
AUTHOR'S NOTE:
Ouch! Nasasaktan ako. Naaawa akong isipin yung nangyari at nararamdaman ni Byun Baekhyun.. Naranasan ko na kase yung maiwan dati. Yung talagang umiyak ka sa phone habang kinakausap mo siya. Yung humahagulhol ka habang sinasabi sa kanya na okay lang talaga, na naiintindihan mo kahit na yung totoo ay pilit mo lang na iniintindi para mawala yung sakit..
Ay ang drama ko. But that's already in the past. At least it made me stronger.. Everyone experienced heartbreaks.
So so so, any reaction sa part na ito? Commeeenttt please :) .. Vote pag nagustuhan nyo.
Thankieessss~
~n.b.c.
VOUS LISEZ
Linger
FanfictionIsa na sanang buong pamilya ang mararanasan ni Baekhyun at ng kanyang asawa nang may isang malaking balakid na humaharang sa kanilang magandang pagsasama. Maaayos pa kaya ang lahat kung susuko ang isa at mapupuno ng galit ang maiiwan? Maibabalik pa...
