They are my idols.

And I'm just a fan.

Manager Dyan asked me to help her carry the three huge bags in the elevator so I did just that. I also pressed the button which leads to the basement dahil doon iyong parking lot. Nang makababa kami, tinulungan ko si Manager na buhatin at ipasok iyong mga bag sa loob ng van ng Sisa.

Four years ago, kailangan ko pang pumuslit sa parking lot ng concert hall para lang hanapin ang van nila. Pero ngayon, halos araw-araw ko yata 'tong nakikita.

Sisa... They have been in the industry for nine long years but they managed to maintain their title as the most popular band in the country, and one of the most successful rock bands in Asia, Europe, and other parts of the world. Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa agency pero tuwing nakikita o nakakausap ko sila, kung minsan pakiramdam ko nananaginip pa rin ako.

Sisa did not become successful overnight. They actually started on YouTube, noong mga panahong hindi pa gaanong sikat ang social media. They used to religiously create vlogs and upload music on their channel. Ang iba ay song covers, pero karamihan ay original songs. If you'll think about it, parang madali lang sa kanila ang sumikat dahil galing naman sila sa mayayaman at maimpluwensyang pamilya. But what could their family name do kung mismong mga magulang nila ay tutol sa pangarap nila?

During my freshman year in high school, Sisa had a vlog about their once in a lifetime chance with music. Miss Nadia said that they made a deal with their parents. Kapag nanalo raw sila sa sinalihang talent show sa TV, they'd pursue a career in the music industry. But if they lose, they'd give up their dream and continue with their studies. And then eventually, they'd inherit their respective family businesses.

Ilang buwan din ang itinagal ng contest bago itinanghal na champion ang Sisa. But the title wasn't enough to build their career as a band. 'Yun kasi 'yung panahon na mas uso ang mga loveteam kaysa mga banda. Naibalita pa nga noon na inalok sila ng acting career, which they respectfully declined.

It was only when they joined an international battle of the bands that they really got recognized as a band. Todo suporta noon ang mga Pinoy dahil Pinoy pride daw. Nakakagago pero hindi ko rin naman napigilang maging masaya para sa kanila. Kasi 'yung atensyon at mga palakpak? Deserve nila 'yun. Pinaghirapan nila 'yun.

And then when Sisa bagged the championship and went back in the country, saka sila pinag-agawan ng mga kumpanya at inalok ng music career. Pero kahit gaano kalaki ang fanbase nila rito, hindi maikakailang mas malaki talaga ang pangalan ng banda sa ibang bansa. Halos hindi na nga sila umuuwi rito noong mga unang taon ng career nila dahil lagi silang may international projects.

Akmang magpapaalam na akong aalis kay Manager Dyan nang tumunog ang cellphone niya. She got her phone from her jeans pocket and took a really deep breath before accepting the call, as if she needed to gather enough strength to handle whatever the person on the other line had to say.

"Nahanap niyo na ba?" pambungad na tanong niya. She was silent for a while, and then her expression slowly darkened. "Putangina, hanapin ninyo! Kaladkarin niyo kung kailangan, basta huwag kayong babalik nang 'di niyo 'yan kasama!" tuloy-tuloy na bulyaw niya bago binaba ang tawag. She was breathing heavily and I didn't know what to say to calm her down.

So tama ang hinala ko... May ginawa na namang problema si Sir Isaac. And by the looks of it, mukhang naglaho na naman ito na parang bula.

It wasn't the first time that Sir Isaac disappeared a few hours before their concert. Iyong isang beses nga, international concert pa. And I'm pretty sure that excuses such as he's sick or there's an emergency won't work anymore. Hindi naman gano'n katanga ang mga tao para paulit-ulit na paniwalaan ang mga paulit-ulit na dahilan.

I cleared my throat. "Manager, una na po ako," sabi ko. Kumaway ako sa kanya nang magpasalamat siya at pilit na ngumiti kahit magkasalubong pa rin ang mga kilay niya.

I really hope that Sir Isaac would be responsible enough to attend the concert. Hindi lang naman pangalan niya ang nakataya rito kundi pangalan ng Sisa at ng buong kumpanya.

Maaga pa kaya dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng tatlong beer in can at candy na magsisilbing breath freshener ko mamaya. May dala rin naman akong pabango dahil aso talaga si Earth pagdating sa amoy ng alak at sigarilyo. Sesermunan na naman ako no'n kapag nalaman niyang uminom ako. But I badly needed a drink. I needed the help of alcohol to distract me from unnecessary thoughts.

Ininom ko ang mga iyon habang tahimik akong naglalakad sa maingay na kalsada. Beer tastes better during this time of the year. Humahagod ang lamig sa lalamunan. Parang ang sarap uminom nang uminom hanggang sa makalimot ka.

I had no destination in mind so I just let my feet take me wherever they felt like going. Habang naglalakad, may nakasalubong pa akong ilang staff na nagtanong kung nakita ko si Sir Isaac. Blessing in disguise na rin yata na hindi ako napasama sa production team ng concert. Wala ako sa mood maghanap ng taong nagtatago. At kahit gustuhin ko mang manood, nakakapanghinayang namang gastusin iyong isang buwan kong sahod para lang sa isang gabi. Narinig ko naman silang tumugtog noong nagpa-practice sila. Makukuntento na muna ako ro'n. Kailangan ko talagang mag-ipon para makaalis na ako sa bahay.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naglalakad nang mapansin kong nakarating na pala ako sa tapat ng isang sementeryo. Magkahalinhinan ang tila walang katapusang mga streetlights at mga puno kaya maliwanag ang kalsada at sariwa rin ang hangin. I was about to continue walking when a familiar guy sitting in front of a mausoleum caught my attention.

Napaawang ang mga labi ko nang makilala ko siya.

What... the heck?

Bakit siya nandito?!

If #1: If This LastsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora