"Magbibihis lang ako. Ihahatid na kita."

"Huwag na."

"I insist."

I threw the empty box of condom at him. "I said no. Aalis na ako," sabi ko saka ko siya iniwan.

Oo, masarap siya. At oo, napasaya naman niya ang best friend ko. Pero ayoko talaga nang hinahatid. 'Di masarap sa feeling 'yung hinahabol-habol, lalo na kung sa company guard ako laging tinatanong.

***

Madalang na madalang akong mag-Grab pero dahil kalahating oras na akong late, wala akong choice kundi magwaldas ng pera. Idagdag pa iyong malalang traffic kaya alas onse na nang makarating ako sa trabaho.

"Gaga ka! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Miss Arlin!" pabulong pero may diing tanong ni Euphy sa akin.

"Sorry. Pinatay ni Sprinkler 'yung alarm ko."

"Sprinkler?" she asked, laughing. "Nadiligan ka na naman?"

"'Di mo sure," tumatawang sabi ko bago ako lumapit kay Miss Arlin, iyong head writer sa teleseryeng sinusulat namin. Ilang minuto niya muna akong sinermunan bago kami pumunta sa conference room para sa weekly feedback meeting. Pero napatalon ako sa sobrang gulat nang pagbukas ko ng pinto ay biglang may sumabog na party poppers, tapos agad iyong nasundan ng pagkanta ng happy birthday.

"Happy birthday, Cha!" sabay-sabay na bati ng team namin.

Pilit akong ngumiti. "Thank you."

"Make a wish!" sabi ni Sir Fhervi, iyong DOP, habang hawak niya iyong cake na may pangalan ko.

I closed my eyes and remained silent for a few seconds, pretending to make a wish. After I blew the candle, they sliced the cake and we ate it during the meeting.

It was Saturday so the company was a little quiet than usual. Wala kasing trabaho iyong iba. Thankfully, mabilis lang ding natapos iyong araw. Papasok na dapat ako sa elevator para bumaba na pero agad akong natigilan nang may tumawag sa akin.

"Cha!" Manager Dyan called. Hindi ko napigilang mapatitig sa kanya dahil mukha siyang... losyang. Magulo iyong nakapusod niyang buhok at hulas na iyong makeup niya. Pawis na pawis din siya at halatang-halata iyon sa kulay abong blouse na suot niya. "May gagawin ka?" tanong niya.

Napatingin ako sa relo ko. Alas sais pa lang. "Meron, pero mamaya pa naman."

Alas siyete pa ng gabi lalabas si Earth mula sa trabaho kaya alas otso na lang daw kami magkita-kita sa bahay nila. Lyle is working in their advertising agency so nakakaalis 'yun sa trabaho kung anong oras man nito gusto. Tapos si Aki naman—young, dumb, and rich. As long as he's in Manila, which is rare dahil kung saan-saan nagta-travel 'yung kupal na 'yun, he's always one call away. And as for Seulgi, malamang nakakulong na naman 'yun at nagpipinta o kaya nanonood habang umiiyak. If she wants to cry, sana naman nakakaiyak 'yung pinapanood niya para hindi masyadong halata na 'yung tarantadong ex niya ang iniiyakan niya. Parang gago kasi. Who the fuck cries over Moana?

"Pwede bang magpatulong?" mahinang tanong ni Manager, pero mas mukha siyang nagmamakaawa kaysa nagtatanong.

Nasaan ba ang ibang staff at siya lang ang nagbubuhat ng mga bag na 'to? Concert ng Sisa mamayang alas otso, at lagi namang maraming staff tuwing sila ang may project dahil sila ang nagpapasok ng pinakamalaking pera sa kumpanya.

Sir Isaac... Siya na naman ba? Ano na naman bang kalokohan ang ginawa niya?

"Sure, Manager. Ano bang maitutulong ko?"

As much as I wanted to ask what's the problem, alam kong wala ako sa lugar para magtanong. Marami na ang nangyari mula noong concert ng Sisa nung second year college ako. We work in the same company now. I see them almost everyday. We eat in the same cafeteria and we sometimes ride the same elevator at the exact same time. But if there's something that hasn't changed in these past four years, it's the fact that there's still a huge gap that separates me from them.

If #1: If This LastsWhere stories live. Discover now