Chapter 2: University

598 22 1
                                        


Isabelle's pov:

Isang linggo na rin ang nakalipas ng pumunta kami sa mall ng mga magulang ko. At ngayon ang araw ng unang pasok ko sa eskuwelahan na pinag-enrollan ng parents ko.

Nakakakaba na may halong excitement akong nadarama lalo na't ngayon lang ako makakapasok sa totoong paaralan.

At dahil unang araw ko palang ay hindi muna ako nagsuot ng uniporme dahil wala pa ako ng mga ito.

Isang simpleng jeans at t-shirt lang ang suot ko. Habang ang napakatuwid na buhok ko naman na hanggang balikat ko ay hinayaan ko nalang na nakalugay.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at dumiretso sa may kusina upang kumain. Naabutan kong humihigop ng kape si daddy habang nagbabasa ng dyaryo. Si mommy naman ay naghahanda ng pagkain namin.

"Good morning daddy, good morning mommy" bati ko sa mga magulang ko at hinalikan sila sa pisngi.

"Good morning to you too sweetie" sagot ni mommy at nginitian ako.

"Magandang umaga anak" bati naman ni daddy.

Masaya kaming kumain ng umagahan habang nagkukwentuhan tungkol sa pagpasok ko sa school mamaya.

"Sweetie ang driver na natin ang maghahatid sundo sayo sa school, busy kasi kami ng daddy mo sa work. If you have a problem at school don't hesitate to call us okay?"pagkausap sa akin ni mommy.

"Okay po mommy"balik sagot ko naman.

Pagkatapos naming mag-umagahan ay kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam na sa magulang ko.

"Bye mommy, bye daddy see you later"pagpapaalam ko at sumakay na sa sasakyan namin.

"Bye sweetie goodluck" sabay nilang sabi sa akin.

_________________

  When I already saw my present school, I immediately starts walking infront of the school gate. Nagtataka nga ako kasi lahat ng estudyante ay napapatingin sakin at bigla na lamang magbubulungan.

"Gosh girl ang ganda nya"

"Yeah she looks like a freakin' doll"

Ang ganda niya liligawan ko yan tol'"

"Asa ka namang sasagutin ka nyan"

Dahil sa pakikinig ko ay may nakabanggaan akong isang babae at nahulog nya ang kanyang mga dalang libro.

"Sorry hindi ko sinasadya" pagkausap ko habang tinutulungan kong kunin ang nahulog na libro ng babae.

Biglang natulala yung babae kaya winagayway ko ang kamay ko. Napakurap-kurap siya at nahihiyang nagkamot ng leeg.

"Aah a-ayos lang yun. A-ako nga dapat ang mag-sorry. H-hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko ehh" nauutal na wika niya. Napansin kong namumula ang pisngi nya kaya tinanong ko sya.

"Okay ka lang ba? Are you sick? Namumula kasi ang mukha mo." Pagkausap ko sa kanya.

"A-ah hindi ayos lang ako. U-umm bago ka ba dito?" Pagsagot niya sakin.

"Oo, bago lang ako dito" pagsagot ko naman.

"Amm pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo? Kasi kanina pa kita kausap di ko kilala kung sino ka." Ani nito.

"Umm ako nga pala si Denise Isabelle Lewis,18 years old. Homeschooled ako simula nung bata pa ako at ngayon lang makakapag-aral sa paaralan"mahabang pagpapakilala ko dito. Manghang tiningnan naman ako nito.

"Homeschooled? As in ngayon ka pa lang nakapag-aral sa eskwelahan? Nakakalabas ka pa ba ng bahay niyo?"sabi pa nito. Umiling naman ako bilang sagot.

"Oh my!" 'di makapaniwalang sambit nito. "Oh by the way I'm Charlote Cortez and I'm also 18 years old" pagpapakilala rin nito matapos makabawi sa pagkabigla nito sa nalaman nito tungkol sakin.

"Amm alam mo ba kung nasan yung principal's office?"kuway tanong ko kay Charlotte.

"Oo naman pupunta ka ba don?"

"Oo kukunin ko pa kasi yung schedule ko pati na rin uniform ko"

"Oh sige sasamahan na kita para sabay na tayo at para maturo ko sayo kung saang section ka rin"

"Oo naman. Tamang-tama dun din ako papunta. Sabay na lang tayo." Pag-aaya niya sa akin.

Tumigil kami sa harapan ng isang pinto na may nakasulat sa taas na 'Principal's Office'. Kumatok muna kami ng tatlong beses bago pumasok.

"Good morning dean"nakangiting pagbati ni Charlotte sa may harapan namin.

Seryoso at 'di makikitaan ng ngiti ang mukha nito. Kahit na may katandaan ay makisig at gwapo parin ito.

"Good morning too"pormal nitong salita.

"Have a seat."

"Eto po pala yung transferee Dean"pagsasabi ni Charlotte dito bago kami umupo sa harapan nito.

Bumaling naman ang tingin sakin ng dean at hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakita ko pang napangisi ito pero agad ding sumeryoso ang mukha.

"Ikaw ba yung tinutukoy ni Mr. Lewis na anak niya?"tanong pa niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

May kinuha naman ito sa drawer at ibinigay sakin.

"That's the schedule of your classes."sambit nito bago tumayo at may kinuha sa isang cabinet.

"And this is your uniform."bigay sa akin ng isang damit na nasa isang maliit na box.

"You may go now bago pa kayo mahuli sa mga klase niyo."sabi pa nito. Tumango naman kami.

Nagpasalamat muna kami bago umalis. Nakita ko pa ang pagngisi ng dean ng nakakakilabot sa akin bago magsara ang pintuan.

______________________________________

                   Charlotte Cortez

                   Charlotte Cortez

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Bully's PosessionWhere stories live. Discover now