"ah hehehe mahabang kwento, basta ang alam ko lang may chemistry kayo ni Sehun ayieee kinikilig ako sa inyo kanina"

"Ewan ko sayo" yun na lang ang nasabi ko

"Ms. Clayne congratulations uli, nga pala nasabi na sa akin ni Sehun yung gusto nyong reward enjoy kayo ha, sige mauna ako"

Ano?!!!!

"Sehun andaya mo, anong reward ang hiningi mo kay maam ha? hindi mo man lang ako tinanong"

"Basta! Mag-impake ka nalang ng damit mo"

"May plano ka bang itanan ako?" tanong ko

"Baliw!, basta 2 weeks tayong aalis, susunduin na lang kita bukas 2 a.m sige" yah Sehun siguraduhin mo lang na mage-enjoy ako sa pupuntahan natin >_

Hay ano kaya yung nerequest ni Sehun para sa amin ang daya ayaw sabihin kainis talaga siya

"Hi Pebs^_^"

"Luhan ikaw pala"

"anong ginagawa mo dito mag-isa ka lang congrats sa inyo ni Sehun, ang galing mo palang sumayaw"

"Ah salamat, kung hindi dahil kay Sehun hindi siguro ako ganun kagaling sumayaw hindi pa nga ako nagpapasalamat dun, ikaw din ang galing mo din kanina ang dami pa ngang tilian sa audience"

"thank you, nga pala uuwi nako gusto mo bang sabay ka nalang sa akin?"

"ha? Eh-?"

"Sige na sumabay ka na sa akin, hindi mapapanatag ang loob ko paghindi kita naiiuwi sa bahay nyo... pretty, pretty please~" nilahad nya ang kamay nya, saka sya nagpout napangiti na lang ako sa ipinapakita ni Luhan ang cute nya talaga, kaya sino ba namang hindi tatanggi sa kanya

"Ok ^_^" saka ko hinawakan ang kamay nya

"Thank you Luhan sa paghatid sa akin"

"Your always welcome, just to make sure that your always safe"

"Ah Luhan...sige pasok na ako ingat ka sa pag-uwi :)"

"Pebs..~"

"Luhan.." saka sya lumapit sa akin Oh My unti unting nagkakalapit ang mukha namin saka nya ako kiniss

"Good Night sweet dreams~" sabi nya saka pumasok sa kotse nya at umalis na, napahawak naman ako sa pisnge ko, (Oo tama kayo sa pisnge nya ako kiniss wag kayong ano hahaha:P ) yun nga lang bat ganun wala akong kakaibang nararamdaman di tulad nung kanina kay Sehun kakaiba

«Luhan's POV»

Ilang araw kaming hindi nakakapag-usap ni Pebbles kasi palagi nyang kasama si Sehun alam ko namang partner sila pero ba't araw-araw talaga kahit dito sa school hindi mo sila mapaghiwalay si Sehun nagpatransfer ng upuan para makatabi si Pebbles, aayin ko syang magmeryenda, tanghalian palagi nyang tinatanggihan dahil may meeting sila ni Sehun para dun sa sayaw 'grabe sobrang busy naman nila sa isip ko nun' , ganun ba ang nagagawa ng pagpapartner sa performance namin sana pala hindi ako nag-absent nung araw na yun, ako sana yung partner nya, yung atensyon na ipinapakita nya kay Sehun ako dapat yung nasa posesyon nya. Nang magperform sila kanina makikita mo talaga ang emosyon madadala ka talaga nila, hindi ko mapigilang magselos yung ibang mga steps na magkakayakapan sila, yung didikit yung noo nila sa isa't isa kulang nalang maghalikan sila at yung paghaplos ni Sehun sa mukha ni Pebs yung mga tingin nila sa isa't isa sh*t napayukom ko na lang ang kamay ko kanina alam kung sayaw lang yan pero hindi imposibleng hindi sya mafafall kay Pebbles...sana lang, sana lang hindi tama ang kutob ko na may gusto si Sehun sana lang dahil pagnagkataon magiging karibal ko ang bestfriend ko sa babaeng mahal ko and I will do my best to win Pebbles heart bago pa nya ako maunahan...

«Sehun's POV»

Inaamin kung napakacold ng treatment ko kay Pebbles nasanay akong inisin at galitin siya ewan ko ba unti-unti nawala ang lahat ng yun nang magsimulang magkasama kami parati, tuwing magpapractise, nakakagaan ng pakiramdam kung siya ang kasama mo hinding hindi ka talaga magsasawang kasama siya hindi na ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Luhan hyung. Pero hindi ibig sabihin na may gusto na ako sa kanya ha baka kung anong iniisip nyo -_- Yung sa kiss kanina? Well sa akin na lang yun :p . Yung sa reward namin ako ang nagrequest kay maam para dun well malalaman nyo na lang yun siguro yun sa next chapter pa daw ipopost ni author kaya sana abangan nyo. Asan na nga ba si Pebbles gabi na

"Chanyeol hyung nakita mo ba si Pebbles?"

"ah oo andun siya sa labas baka uuwi na nga yun eh"

"Ah sige salamat hyung" uuwi na siya, tamang tama uuwi na nga rin kasi ako, ihahatid ko na lang siya

Napatigil ako ng makita ko siyang kasama si Luhan OK sige ako na yung huli sumakay na siya sa sasakyan ni Luhan

***********************

A/N: Hanggang dito na lang muna ang UD ko pagod kasi sa swimming class kanina. Thank you sa lahat ng mga nagbabasa at nagcocoments I LOVE YOU guys

감사함니다 ♥

사랑해요 ♥

©marshmelow_

I MET THE EXO [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon