Halos magkakatabi kaming tatlo nina Jary at Maine dahil alphabetically arrange ang upuan. Tapire,Vasquez at Villalobos bukod tanging si Joycell ang napahiwalay samin dahil Medina sya.
"Ewan nga eh. Wala pa din dyan yung gamit nya" sagot naman ni Maine.
Tumayo ako at tinignan ang paligid kung nakalinis na ba. Malinis na naman. Nakapagfloorwax na. Makintab na ang sahig ngunit awtomatikong nangunot ang noo ko ng makita ang basurahan na hindi nakaayos at gabundok na ang basura.
"Hoy sa cleaners dyan ano't hindi nyo inayos ang basurahan?!" galit na sigaw ko na nakapagpatameme sa kanila. Ako ang President ng section namin kaya may karapatan akong manermon.
Agad namang nagsipagkilusan ang mga cleaners kaya naupo na lang ako sa upuan ko.
"Aga-aga ang init ng ulo?Ano bang nangyare ha?" tanobg ni Jary.
"Eh kase naman nagising ako kaninang madaling araw dahil umiyak si Rayang kaya ipinatimpla ko ng gatas tapos bumaba ako dahil naiihi ako ngunit nadatnan kong nanonood pa ang mga pinsan ko kaya nagtanong na din ako ng oras. Dahil nga antok na antok pa ako ay hindi ko makita kung anong oras na sa orasan kaya tinanong ko sila. Ang sabi nila 5:30 na daw kaya nawala yung antok ko at nagmadaling kunin ang towel ko. Nang akma na akong maliligo ay ang sabi nila ay 12:30 pa lang daw. Kaya ayon dahil nga sa nawala ang antok ko ay hirap na akong ibalik yun kaya inabot ako ng 2:00 bago nakatulog. Tas late na kong nagising. Hindi pa ko nakakapag-almusal tas ubos na pera ko. Kabwiset eh agang-aga!" napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa inis.
"Ayos lang yan. Oh" abot nya sakin ng biscuit nya"Kainin mo wala ka palang almusal eh"tinanggap ko iyon at kinain dahil gutom na talaga ako. Papairalin ko pa ba ang hiya kung kumakalam na ang sikmura ko? No way baka makabawas pa sa kaCUTEtan ko hindi yon pwede. BWAHAHAHAHA charr.
Mabilis lumipas ang oras at break time na. Tsaka pa lang dumating si Sir Rayvert humingi sya ng paumanhin dahil nalate sya. May emergency daw kaseng nangyare sa kanila. Agad nya kaming pinalapit.
"Nakapasa kayo?" tanong samin ni Sir.
"Hindi po ata Sir eh. Madami pong nag-audition tas 20 lang po ang pipiliin. Malabo po" si Jary ang sumagot.
Gayon na lang ang pagbagsak ng mga balikat ko sa narinig. Haysttttt sayang naman oh!Aishhh kainis puros kamalasan ang nangyare sakin ngayong araw eh.
"Ayos lang yan kung ganon" sabi ni Sir.
Uwian na pero napagdesisyunan naming apat na bumaba sa second floor para icheck talaga ang list kung andun ba talaga kami o wala. May nakita kaming maputing lalake. Brown ang mata at CUTE. Mukhang mas matangkad ako sa kanya. Mukhang naghihintay din sya ng result.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na din si Ma'am Divina para ipaskil ang list ng mga nakapasa. Dahil madaming naghihintay ay napagdesesyunan naming magpahuli na lang. Madami ang nadismaya dahil siguro hindi sila nakabilang na nakapasa. May ilan-ilan ding nagtatalon sa tuwa ngunit mas lamang ang nalungkot. Nang mawala sila ay lumapit kaming apat. Hinanap namin ang mga pangalan namin sa first page ngunit wala iyon. Ang paglilista doon ay by section sa tingin ko ay nasa 40's lahat lahat ng nakapasa.
"Kinakabahan ako" bulong ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin at patuloy pa din sa paghahanap ng pangalan nila.
"Yes!" napasigaw na lang yung lalakeng nakita namin kanina. Nakapasa siguro sya.
Ahhhhhh,nakakainggit naman.
"Nakapasa ako Maine" palirit namang sigaw ni Sophie. Lalo tuloy akong nakaramdam ng inggit. Sana ako den.
Nagulat ako sa biglaang pagyakap sakin ni Jary at Maine.
"Halah" humihikbi na silang kumalas sa pagkakayakap sakin at itinuro ang list ng makitang naguguluhan ako.
Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang last name ko. 'Tapire,Caileynne Aphrodite Emberda from G7- Sunflower'
"WAHHHHHHHHHH" halos nagtatalon ako sa tuwa ng makita ko ang pangalan ko kasunod ng pangalan ni Joycell. Lalo pa kong natuwa ng makita ang pangalan ni Jary at Maine.
"Nakapasok tayo. Ang galing" napayakap muli ako sa kanilang tatlo at nakisali pa si Sophie samin. Nagtaka ako dahil wala si Kisses. Ibig sabihin hindi sya nakapasok?Nakakalungkot naman kung ganon pero napakasaya pa rin sapagkat may isang magandang nangyare ngayong araw.
Ito na yon. Dito na magsisimula ang lahat. Excited na kong sumayaw sa maraming tao. At higit sa lahat excited na akong ibalita sa bahay na nakapasa ako!
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
•SPREAD LOVE NOT HATE•
~liya
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
YOU ARE READING
Broken Chains, Unbroken Dreams
Non-FictionComing from a broken family is not a hindrance for you to reach your dream.
Chapter III
Start from the beginning
