N- nasaan sina Mama?  Bakit nila ko iniwan na mag isa dito. Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to. Malayo sa mga taong ito!

"Lugi kung hahanapin mo ko ng bulag ka. Don't worry..... I will let you see. At kapag nakita mo ko, matutuwa ka sa ganti na magagawa mo." aliw na aliw nyang saad.  Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot kaya napaiyak na ko.

Mababaliw ako. Hindi ko kakayanin.

Patayin na lang sana nila ako!

"Please! Huwag!" sigaw ko sa taranta at takot ng maramdaman kong may humawak sa akin. "Nagmamakaawa ako! Huwag!" umiiyak na pagmamakaawa ko.

"A-anak si Mama 'to." naiiyak na tinig ni Mama. Pinakiramdaman ko kung sya nga ito. Para akong maiihi na sa anxiety at depression na nararamdaman ko!

"M-Ma?" nanghihinang tawag ko. At saka lang ako kumalma ng hawakan nya yung mga kamay ko.

"May bisita ka... mga boss ni Papa mo." saad nya at lalo akong nanliit sa sarili ko dahil sa kahihiyan dahil mukhang madami ng nakaalam ng sinapit ko. Napayuko ako at parang dinadagukan ako sa dibdib ko dahil sa kahihiyan at pandidiri sa sarili ko lalo na ngayon na nakaharap ako sa ibang tao.

"Tutulungan nila tayo sa kaso mo.... Hindi sila papayag na hindi mapanagot ang gumawa sayo nito..." naiiyak na lintaya ni Mama.

M-may kakampi ako? Matutulungan nila ko? Namalayan ko na lang na umiiyak na ko. At pagod na pagod ang nararamdaman ko.

Narinig kong humingi ng pahintulot yung isang tinig ng babae na makausap si Mama sa labas ng silid ko. Pero nangilag ang pakiramdam ko dahil parang may nakatitig pa sa akin.

"We are going to help you to find them." tinig ng isang lalake at mayamaya ay nataranta ako dahil may naupo sa silya malapit sa kama na kinapupwestuhan ko.

"Hahanapan ka namin ng donor sa Maynila para makakita ka na. Alam kong alam mong hindi sila mahuhuli sa legal na paraan.... kaya tutulungan kitang mahanap ang lahat ng gumawa sayo nito. Sa dahas ka nila sinaktan kaya ibabalik natin sa kanila ng ganung paraan.Dahil kung hindi ka makikipagsabayan sa kasamaan ng paligid mo ay uulit ulitin lang nila sayo ito." tinig ng isang babae na sa tingin ko ay mapanganib din syang tao. Tama sya.... imposibleng makakuha ako ng katarungan sa nangyare sa akin sa legal na paraan.

"Tutulungan ka naming makatayo." dugtong pa nya.

Ishan's POV

Parang mga tanga talaga!

Hindi kami dumeretso ng uwi bagkus ay nagpunta kami sa bakanteng building outside the metro! Napakasakit na ng ulo ko dahil sa hangover pero ang mga hayop na 'to nakagawa pa ng kahayupan ngayon!

Galit na galit si Callen na tinadyakan yung tinali nina Riyon sa isang upuan habang nakapiring ito. Napakalakas ng kalabog nito kasama ang upuan sa may sahig.

Napairap sa ere ang mga mata ko ng napatingin si Riyon sa akin.

Sobrang kunsinti sa katangahan talaga!

"Ano nga ba ulit yung atraso nya kay Callen?" takang tanong ni Jaune sa akin. Napaisip ako. Jusko ano nga ba?

Si Kaia ay panay hikab nya sa isang sulok habang nagtetext.

Hindi talaga sya nilubayan ni Callen ng garote.

Anak ng Mayor ang ginagarote nya!

"Tang ina mo Callen! Makawala lang talaga ako dito!!!" sigaw nung lalake.

"Kwento mo sa pagong!" saad nung abnormal at saka nya ulit ito tinadyakan!

Nang mapagod sya sa kakatadyak doon sa isa ay napasquat naman si Riyon sa gilid na 'to.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now