-1-

237K 5.4K 2.1K
                                    

***1***

ALEX'S POV

3rd week of September. 5:45AM na. Kasalukuyang naglalakad ako papunta sa E.H.A, ang school ko. Ang school na isa ang pamilya ko sa nagmamay-ari. Sa totoo lang, ayaw na ayaw kong mag-aral. Pero kahit gago ako, iniisip ko pa rin ang future ko. Gago na nga ako ngayon, ano pa kaya ang mangyayari sa akin sa hinaharap kung 'di ako mag-aaral.

Nalasahan kong may matamis na likido na naman sa may labi ko. Dugo... Pinunasan ko ito gamit ng likod ng palad ko. Yeah, he hit me again. This is my dad's breakfast for me every morning. Hindi ata mabubuo ang araw nung taong yun hangga't hindi ako nasasapak.

"Toffer, I'm gonna pick you up after your dismissal. I'm gonna wait fo' you here. 'Pag di ka lumabas, magtatampo ang mommy mo. Sige ka!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko na naman ang eksena ni Toffer pati na rin ang nanay niya. Ganyan yan tuwing umaga. Her mom's always love to cuddle her son. But Toffer? He seemed embarrassed. "Mom, okay po! Just go away. Bye, mom!"

Pumasok na sa kotse ang mommy niya pero binuksan pa nito ang bintana. She blowed a kiss and exclaimed, "I love you, Toffie!"

Toffer scratched the back of his head and smiled shyly. "I love you too, mom..." Her mom giggled then drove away her car.

I chuckled. Naturingang siga sa loob ng campus, Mama's boy naman pala. Tsk.

Napalingon sa gawi ko si Toffer at nakita kong namula ang mukha niya. Tss. I don't give a sh*t anyway. I walked passed him but suddenly, I felt someone grabbed my arm. I looked back at him with my cold stare.

"Alexander, please don't tell anyone. Ayokong mapahiya. First year highschool na ako pero... Ah basta!"

Binawi ko ng malakas ang braso ko saka ako tumalikod at naglakad papasok ng school gate. Narinig ko pa siyang sumigaw kaya lumingon ako. "I don't fcking care about your sh*ts!" I shouted and made my way inside the campus.

He's Kristoffer Miguel Tan. One of my childhood friends. He had been my friend since I was in gradeschool, before that nightmare happened. Sampu kaming magkakaibigan noon, kaibigan dahil na rin sa mga business ng mga parents namin. We became friends but things change. After what happened to my family, I decided not to be happy anymore. After all, it was my damn fault. I should have been the one who died.

Papasok na ako sa classroom namin ng marinig ko na naman ang boses ni Kurt, one of former friends. "SHUT THE FCK UP, WAYNE! You're so effin' noisy! Cant you see? I'm sleeping!"

"Sorry, Kurt! Natatawa ako sa mukha ni Dustin eh. Nakikiliti na, ayaw pang tumawa! AHAHAHAHAHA!" Si Wayne yun. The nastiest among them.

Napailing nalang ako. Sa araw-araw na ginawa, ganyan lagi ang bumubungad sa akin. Siyam na mga lalaki na naging kaibigan ko noon;

Kurt; the bossy one.

Derrick; loves playing with girls at very young age.

Dustin; cold guy.

Toffer; mama's boy.

Arthur; the geek/smartest.

Kent and Brent; war freak twins

Wayne; loves fooling around

Jake Clarence; weird sometimes.

Pumasok na ako sa room, and yeah, silang siyam pa lang ang narito. Maaga sila talagang pumasok dahil gumagawa sila lagi ng kalokohan around the campus. Pag sinabing kalokohan, nantritrip sila. 7:30 ang klase namin kaya wala pang masyadong tao. Maaga akong pumasok dahil ayokong makita ang pagmumukha ng ama ko. Pero sa kamalas-malasan, maaga pala siya nagising kaya pinaalmusalan ako ng suntok. Nang mapansin nila akong siyam, tumahimik sila. I sat up on my arm chair on the last row, left corner and took a nap. Maya-maya pa ay biglang may kumalabit sa akin kaya kunot-noong napatingin ako rito.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon