Chapter Sixteen

362 35 7
                                    


ISANG buwan na ang nakakalipas simula nang biglaang umalis si Alfonso at Ligaya sa Baryo Masinag. Napakalaki na ng ipinagbago ni Marites. Ang dating kilalang mahinhin at hindi makabasag-pinggan na dalaga ay halos palaging laman ng bar tuwing gabi upang mag-inom at magpakalasing. Kung sinu-sinong lalaki na rin ang kaniyang kinakasiping.

Umaasa siya na sa ganoong paraan ay makakalimutan na niya si Alfonso. Umaasa siya na gigising siya isang umaga na wala na ang pag-ibig niya para sa kababata.

Masakit pero tanggap na niyang kahit anong gawin niya ay hindi siya mamahalin ni Alfonso kagaya ng pagmamahal niya para dito. Ang mahirap lang din ay kung paano niya ito matatanggal sa kaniyang sistema.

Alak at sex-iyan ang naging divertion niya sa lahat. Simula kasi nang maranasan niyang makipagtalik kay Ronnie ay hinahanap-hanap na niya ang sarap na naibibigay sa kaniya ng sex. Nababahala na ang mga magulang niya sa kaniya pero hindi na niya pinapansin ang mga ito dahil ang tanging nasa utak niya ay ang makalimot.

Kagaya na lang ng madaling araw na iyon. Alas-tres na ng makauwi si Marites sa kanilang bahay. Susuray-suray pa siya sa labis na kalasingan. Muntik pa siyang matumba nang buksan niya ang pinto ng kanilang bahay. Mabuti't nagawa niyang makakapit sa seradura.

Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid at sa pagbaha ng liwanag sa salas ay nagulat siya nang makita ang kaniyang nanay at tatay na magkatalikurang nakatali ang mga kamay habang nakaupo sa sahig. Kapwa may busal ang bibig ng dalawa. Umiiyak ang nanay niya habang nakatingin sa kaniya. Nagpapasaklolo ito.

"A-anong nangyari dito?!" Tila nawala ang kalasingan ni Marites.

Wala sa ayos ang mga gamit na naroon. Ang daming basag na bagay sa sahig kagaya ng picture frame at vase. Nakatumba din ang isang upuan. Sa tagpong bumulaga sa kaniya ay alam niyang may nanloob sa kanilang bahay.

Lalapitan sana ni Marites ang mga magulang nang biglang lumabas sa kusina si Ronnie. May hawak itong kutsilyo at nakangisi. Titig na titig ito sa kaniya. Natigilan siya at hindi malaman ang gagawin. Sa paraan ng tingin ni Ronnie ay alam niya na dapat siyang matakot.

"Anong ginagawa mo dito, Ronnie? Wala dito si Ligaya! Umalis na sila ni Alfonso dito kaya umalis ka na rin!" Pilit ang tapang na taboy ni Marites sa lalaki.

Nilapitan ni Ronnie ang mga magulang niya at tinutukan nito ng kutsilyo sa leeg ang nanay niyang takot na takot. "Alam ko. Kaya nga magpapatulong ako sa iyo para malaman kung nasaan sila."

"Hayop ka! 'Wag mo silang sasaktan! Hindi ko sabi alam kung nasaan na sila!"

"Alamin mo. Dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari... Kailangan ko ng kasagutan hanggang mamayang gabi, Marites. Naiinip na ako. Gusto ko nang mabawi si Aya sa tarantadong Alfonso na 'yon."

Parang nanghihina na si Marites habang nakikita niya ang ayos ng kaniyang nanay at tatay. Lalo na ang nanay niya na umiiyak sa takot. Halata sa tatay niya na pinipigilan nito na lumabas ang takot nito. Kung alam lang niyang ganito klaseng tao si Ronnie ay hindi na niya ito in-entertain noon. Ngayon ay hindi na siya nagtataka kung bakit gusto itong takasan ni Ligaya.

"R-ronnie, n-nakikiusap ako sa iyo-"

"Bilisan mo na, Marites. Kumilos ka na ngayon. Tumatakbo ang oras mo. Tandaan mo, kapag wala kang naibigay na impormasyon sa akin pagkagat ng dilim ay magiging ulila ka na!" Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Ronnie.

Sa takot na mawalan ng mga magulang ay natatarantang lumabas ng bahay si Marites at tumakbo palayo. Walang direksyon ang mga paa niya. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng impormasyon sa kinaroroonan nina Ligaya ngayon.

Trust Me, This Is LoveWhere stories live. Discover now