"Hmm?"

"Pakisabi sa kapatid mo...kung sakaling magkita uli sila nung ugok na yun...paki Sabi..."

"Ano?pabitin ka eh alam mo ba Yun?"biro ko, ramdam ko naman ang pagpatak nang luha nya kasabay nang mahinang tawa

"G*go!...basta pakisabi mahal ko sya"

"Di inamin mo din,na mahal mo pa din sya"humiwalay ako sa yakap

"Sadyang g*go lang kasi sya eh!"natatawa nya pang sagot saka nagpunas nang luha na parang bata

"Sus, kunwari ka pa!... Basta hindi ko sasabihin Yun,ikaw mismo ang magsasabi sa kanya nyan"saad ko naman

"Alam mong wala nang susunod diba?"

"Tss,ano ka ba. May susunod pa yan,hindi ako makakapayag na may mangyari sayong masama"

"Salamat Shawn..."




[A/n: huhuhu futah naiiyak ako😭 kaya patawa naman muna Tayo huhuhu]




Iris POV

Walangya naman oh kinakabahan na ko neto ah! Isang linggo nang hindi pumapasok sila Kate at Lezili, plus yung limang sira ulo naglalaro pa din nang tagu taguan hanggang ngayon pinagtataguan pa din kami!

Habang naglalakad sa hallway papuntang classroom ni Eisha na beshie ko na since wala ang dalawa ay nakasalubong ko ang pokemon--este si Jeff, pero tulad nang dati nilampasan nya lang ako


Aba! Iniisnab na beauty ko?! G*go to ah!

"Hoy lalaki!"tawag ko sa kanya,agad naman syang napatingin sa paligid bago ituro ang sarili nya na parang nagsasabing 'is it me you're looking for?~~'


Pfft napakanta pa ko!

"Oo ikaw! May iba pa bang lalaki dito??"sarkastiko kong sagot,kagat labi nya naman akong unti unting tinalukuran dahilan para manlaki ang mata ko at umusok ang ilong ko sa inis

Bastusan Lang?!

"Hoy! G*go! Kakausapin mo ko o break na tayo?!"banta ko,kita ko namang napahinto sya kaya napangiti ako


Rufok!


"Hais!"irita nyang reaksyon saka nagkamot nang ulo bago ako kaladkarin sa isang bakanteng kwarto,agad namang bumalik ang dating sparks nang kornerin nya ko pero hindi ako nagpahalata

Dat strong! Bawal rupok! Galit galit mode dapat hehehe

"Pasalamat ka hindi kita kayang tiisin"saad nya,agad naman akong nagtaas nang isang kilay


"Talaga ba? Nahiya naman yung dalawang linggong hindi tayo nagkakausap saka nagpapansinan"sarkastiko kong sagot, nagulat na lang ako nang bigla nyang higitin ang bewang ko palapit sa kanya



Tengene enebe mhey ged nemen eh!

"Sorry na"ngumuso pa sya

Amp! Tong nerd na toh nagpacute pa!





"Hmp! Hangga't hindi mo sinasabi sakin kung ba't nyo kami iniiwasan Hindi tayo bati"pagmamatigas ko


"Hindi nga kasi pwedi, dapat nga hindi tayo magkausap saka magkasama ngayon eh"sagot nya naman,dahil dun ay agad ko syang tinulak saka umarteng lalabas


"Eh di wag"sagot ko, napangiti naman ako nang palihim nang yakapin nya ko mula sa likuran


"Fine sasabihin ko na,wag ka nang magtampo"agad naman akong napaharap sa kanya "saka istap mo muna yang pagiging chismosa mo ha"malambing pero nakakabuset nyang sagot


Waw! Ako chismosa??

"Tsh! Fine!"sagot ko din

"Pramis?"panigurado nya pa

"Wala ka bang tiwala sakin?"inis kong tanong

"syempre Wala, dakilang chismosa ka pa naman"dirediretso nya namang sagot


Aba't! Sira ulong to ah!


"Che bahala ka na nga jan!"

"Uy sorry na joke nga lang eh"


"Di sabihin mo na! Ba't hindi kayo namamansin? Daig pa natin magjowang nag co-cool off nyan eh"


Agad naman syang napabuntong hininga "Sa totoo lang,miss na kita...miss na namin kayo but unfortunately kaylangan naming lumayo para hindi na kayo madamay pa sa gulo namin"

"Anong gulo?"

"May kinakasangkutang kaso ngayon si Xynon parte sa mga ari ariang minana nya galing sa ama nya,kasali na dito ang school kaya pina cancel lahat nang gaganaping school activities"


"What?! Eh ba't pati kayo nakikisali sa paglayo layo effect ni Xynon?"

"Kasi kaibigan namin sya. Nung una pinalayo nya din kami sa kanya para hindi na kami madamay,pero syempre magkakaibigan kami walang iwanan. So we all decided na hindi na muna magkaroon nang kahit anong koneksyon sa inyo,para hindi na kayo madamay lalo na si Lez"


"Haysh yan pa nga ang problema ko eh!"namomroblema kong saad

"Bakit?"

"Isang linggo nang hindi pumapasok sila Lez at Kate,pinuntahan ko si Lez kahapon sa kanila pero wala namang tao,kay Kate naman may pinuntahan daw. Grabe nagawa pa nilang umabsent at maglakwatsa,eh anlapit na nang finals!"


"Don't you think may masama nang nangyari sa kanila?"tanong nya na ikinakaba ko Naman


"Wala naman siguro,kasi kung nawawala sila hahanapin naman sila nang mga magulang nila eh,saka tyak na malalaman din namin nila Eisha"

Sana nga lang okay lang talaga sila...




My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now