"San ka pupunta? Kailangan ka ni Lex"pigil nya

"I'll be back,you watch her for a while"sagot ko saka agad na lumabas



I immediately drove directly to Reggie's house. Sya ang may kasalanan! If it wasn't for his selfishness and his crazy mother this wouldn't happened

Nakakailang katok pa ko sa gate nila bago bumukas ang gate. Sakto naman dahil sya agad ang sumalubong sakin,magang maga ang mga mata nya at halatang kulang sa tulog. Maaawa na sana ako sa kalagayan nya kung hindi lang ako galit sa ginawa nila kay Lex

"Shawn--" agad syang natigilan nang salubungin ko agad sya nang suntok dahilan para matumba sya

Pumasok na din ako sa gate nila at sunod sunod syang pinaulanan nang suntok. Sakto namang lumabas sila tito at Gena

"Ikaw ang may kasalanan nito! If it wasn't for you, Lex would have still be fine right now!"sigaw ko sa kanya habang patuloy syang sinusuntok sa muka,agad namang tumakbo si Tito at inawat ako habang tinulungan naman sya ni Gena tumayo

"T*ng*na mo! Pinagkatiwala ko ang kapatid ko sainyo tapos ganito lang ang gagawin nyo?! Pagtapos nang ginawa namin sainyo?!"sumbat ko sa kanya,agad naman akong sinapak ni Tito para maaawat ako

"Wala kang karapatang isumbat samin ang mga tunulong nang magulang mo! Pero sige! Wag kang magalala ibabalik namin yun sayo nang buong buo!"sigaw ni Tito dahilan para mapatayo uli ako


"I don't need your fvcking money! Nang dahil sa inyo nagaagaw buhay si Lex! Nang dahil sa inyo pwedi syang mawala ano mang oras!"umagos na ang luha ko,bakas naman sa kanila ang gulat


"A-anong nangyari kay Lex?"tanong ni Reggie,inis ko syang tinignan

"Because of you and your crazy mother,my sister is in danger!"sigaw ko, nakatanggap nanaman uli ako ng suntok mula kay Tito

"Wala kang karapatang pagsalitaan nang ganyan ang tita mo!"sigaw nya sakin

"Baliw? Ha!" Singit ni Gena sa usapan "ang tinatawag mo lang namang baliw ang tumanggap nang kapatid mong naghihikaos! Kung hindi dahil kay mama matagal nang wala ang kapatid mo!"sumbat nya

"Tinanggap nya ang kapatid ko dahil baliw na sya! Inakala nyang ang kapatid ko ang anak nya!"sigaw ko pabalik

"Bakit?! Kung tutuusin dapat lang sa kapatid mo yan! Pinatay nya si Lez! Kaya dapat Lang din sa kanya yan" sigaw pabalik ni Gena dahilan para mas lalong magyukom ang kamao ko,pero bago pa ko sumugod ay agad na syang nasampal ni Regde






Kate's POV

Pinupunasan ko ngayon si Lex at pinalitan na din nang damit. Dumating na si Dr. Deviega kasama yung nurse na sinasabi nya pero nanlaki ang mata ko nang makita sya...

"Kate?"tanong nya,hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko


"Cello"tawag ko, napansin nya namang nakatingin samin si Doc kaya agad nya muna akong pinaalam para makapag usap nang masinsinan


Nang makarating sa sala ay agad kaming umupo at nag usap. Kung tutuusin mas gumanda sya lalo sa suot na uneporme nang nurse kumpara dati na barumbada at puro galos ang mukha

"Pwedi ba, Nya na lang. Ayokong marinig ang pangalan na yan"saad nya saka nag iwas nang tingin



Cello Nyandra Morasaki ang naging best friend ko at tumulong sakin nang palayasin ako nang step mom ko. Naging magkaibigan kami nang makilala ko si Kris,ang ex boyfriend kong naging sindikato para buhayin lang ako. Mula nang mawala sila Lex ay mas gumulo ang lahat,nagkaaberya ang kumpanyang pinapatakbo nila papa dahil Kalahati sa shares ay nasa kumpanya nila Lex. Pero nang mawala sila nadawit din ang ibang kasaping kumpanya at nagkandalugi lugi na, dahil sa stress ay naghanap si papa nang bagong asawa...ang kaso demonya. Lagi nya akong minamaltrato tuwing wala si papa,nung mamatay naman si papa ay inangkin nya lahat nang ari arian ni papa at walang tinira. Pinalayas nya ko sa sarili kong bahay,kaya ang tangi kong natakbuhan nun ay si Kris. Kinaylangan nya nang extrang kita dahil kahit ako ay ayaw na sa ginagawa nya. Nagdesisyon kaming lumayo layo na pagtapos lang nang isa nilang transaksyon,pero hindi ko inaakalang pupuslit pala sya nang pera ni Don Hilberyo. Istrikto si Don Hilberyo at walang sinasanto kung kaya't agad nya itong pinapatay,pero ang papatay sa kanya ang mismong taong hindi ko kailanman naisipang gagawa nito sa kanya.



Si Shawn

Mula nun wala na kong matakbuhan,ayoko syang makita at ayoko nang bumalik pa sa lugar na yun. Sakto namang tinulungan ako ni Cello, ginamit nya ang mga koneksyon nya para mapalayas ang stepmom ko at mabalik sakin ang dapat ay sakin.

Sa ngayon tanging ako at ang mga made lang ang kasama ko. Walang alam sila Iris at Lex sa buong pangyayari, inakala din nila na si Manang Rosita ang ina ko... minabuti ko na lang na manatiling ganun para mapalayo na sa gulo

Pinalabas ko rin dati na pinalayas ako dati dahil mas pinili kong sumama sa boyfriend kong matagal na namang Wala para asukasuhin ang mga papeles nang mana ni Dad,at maipatuloy ang ginagawa kong plano laban kanila Don Hilberyo


"Kamusta na? Ba't hindi mo sinabi nurse ka na pala"masaya Kong tanong sa kanya,agad namang napawi ang ngiti nya at napalitan nang lungkot


"Alam mong kahit Kailan hindi na ko makakaalis dun diba?"tanong nya, napakunot naman ako

"Ibig mong sabihin... Nasa gang ka pa din?"tanong ko

"Ano pa ba? Kung ano ang puno sya din ang bunga"

"Pero tao ka,hindi ka puno para sundin si Don Hilberyo. Pwedi ka pang magbago,maging doktor gaya nang pangarap mo"

"Kate... tanggapin na natin,kahit kailan hindi magiging normal ang buhay ko. Isang Drug Lord ang ama ko,at gang lider naman ako. Hindi ako magiging doktor dahil imbis na mangligtas nang buhay ay pumapatay ako"

Agad ko namang hinawakan ang kamay nya "May pinag aralan ka,hindi mo man natapos pero alam ko matalino ka. Kaya mong pagsabayin ang pagaaral nang doktor at pamamatay nang Tao,pero pag makapagtapos ka na pwedi ka nang tumigil...pwedi ka nang tumakas at lumayo"

"Yang kaibigan mo sa taas"pagtutukoy nya kay Lex "yan ang susunod kong misyon.. maraming beses na kong pumalpak na patayin sya, at dahil dun malaki ang galit sakin ni Dad" agad akong napatayo sa sinabi nya


"Teka! Bakit gusto mong patayin si Lex?! Kapatid sya ni Shawn!" Gulat kong tanong,agad naman syang lumapit sakin at tinakpan ang bibig ko


"Si Shawn lang ang tinutulungan ni Dad,hindi kasali sa plano nila si Lex"sagot nya,sa sandaling yun nakaramdam ako nang pagkahilo,kaya unti unti syang lumayo sakin dun napansin kong may hawak syang panyo na pinangtakip nya sa ilong ko

Agad akong napaupo sa panghihina

"Sorry Kate, trabaho lang. Mas pipiliin kong pumatay nang iba kaysa ako ang mapatay nang sarili kong ama"saad nya pa bago ako tuluyang mawalan nang malay





_________________________________


Naalala nyo pa si Nya? Hehehe clarification lang pala ang pagpronounce nang Nya nya is Niya. Yun klaro lang para hindi malito hehehe


Don't forget to vote and comment love love 😘 ❤️

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now