"Abnormal talaga kayo!"
Umiling iling na lang ako sakanila at pumasok na ulit kami dahil nag bell na.

"Wait,nasaan ba yung rest room dito?"
Tanong ko sa kanila.

"Nandoon  sa baba tapos lumiko ka pa at makikita muna.Samahan ka na nga namin."
Sagot ni Chess pero umiling na lang ako.

"Hindi,okay lang.Gets ko naman.Sige mauna na kayo naiihi ako eh."

"Oh sige if that's what you want.Bye,dalian mo ah!"
Ani Polene at tumango bago ako naglakad papunta sa cr.

Agad ko naman iyong nahanap at pumasok sa loob ng cubicle.Matapos nun ay lumabas na ako.

Wala ng tao sa corridor dahil klase na yata nila.Nang may bigla akong narinig na tugtog,hindi ko alam kung nasaan pero dahil sa curiosity ko ay hinanap ko ang pinagmulan.

Hanggang napadpad ako sa isang wooden double door.Mas naririg ko na ngayon ang piano at boses.Hinay-hinay kong binuksan ang pintuan at sinilip kung sino ang kumakanta at dahan-dahang pumasok nang biglang may tumulak sa akin.

"Ah!"
Bigla ko namang tinakpan ang bibig ko dahil biglang napatigil ang lakaking nag p-piano at kumakanta.

Sa paglingon ng lalaki ay alam ko na kung sino iyon kaya nabigla ako.Buti nalang nadapa ako kaya hindi ako nakita.Madilim kasi at tanging nasa stage lang ang may ilaw.

"Who's there?"
Tanong ni Sky sa kawalan kaya napapikit na lang ako.

Sana hindi ako makita,help me!

Buti na lang at tumalikod na siya at nagpiano ulit.

"Muntik na."
Bulong ko sa sarili.

"Sssh."
Napasinghap ako at tumingin sa gilid ko na dumapa din.

What the hell.Si?

"Anong ginagawa mo dito?"
I whispered with irritation.

"I'm the one who should ask that.Why are you freaking here?"
Tanong niya pabalik.

Napapikit na lang ako ng mariin at naghahanap ng palusot.

"Kasi,"

"Kasi?"

"Kasi ano..."

"Kasi ano?"

"Basta,wala ka ng pakialam do'n."
Mataray kong sagot at kahit na madilim dito ay inirapan ko pa rin siya.

"Psh,akala mo hindi ko makakalimutan na sinampal—"

Hindi ko pinagpatuloy ang sasabihin ni Cloud dahil inunahan ko siya.

"Tumahimik ka nga diyan!baka marinig tayo—"
Mahinahon kong sigaw pero bigla niya akong hinila at sinandal sa pader sa gilid para mas hindi kami makita ni Sky.

Napalingon ako kay Sky na ngayon ay nakatingin sa dati naming tinaguan kanina.Buti na lang!

Muntik na talaga!

Ngayon ay nakasandal pa rin ako habang nakaupo at si Cloud naman ay nasa harapan ko't sinulyapan si Sky na ngayon ay nag p-piano na naman.

Biglang tumaas ang balahibo ko ng tiningnan na niya ako!

"Huwag ka kasing maingay."

"Ikaw naman kase,tinulak mo pa ako kanina."
Asik ko.

"Are you stalking my brother?"
Nanliit ang mga niya at sinusuri ang mukha ko.

"Hindi ah, curious lang kase ako kanina kaya napadpad ako dito!"
Inis kong sabi.Totoo naman kasi.

"Tsh,I'm just asking napaka highblood mo naman."
Masungit niyang sabi.

"Masungit ka nga e,"
Inis kong sagot.

"Stay here.At pag sumenyas na ako na umalis ka,tumakas kana."
Seryoso niyang utos.

Kahit medyo hindi ko gets ay tumango na lang ako.Bigla siyang tumayo at lumapit kay Sky.

"Bro."

At doon nag-uusap na sila habang ako tahimik na nagtatago sa sulok.Nang sumulyap si Cloud sa gawi ko ay nababasa ko sa kaniyang mata na umalis na ako habang nakatalikod si Sky sa gawi ko kaya agad akong lumabas at tumakbo papuntang Classroom.

"Muntik na talaga!"
Hingal na hingal akong pumasok sa classroom.

"Sorry I'm late Miss.Personal necessity po kase."

Buti na lang at napakabait ni Miss kaya pinaupo na niya ako.

"Hoy Sash,bakit antagal mo?"
Bulong ni Chess sa'kin.

Hindi ko muna sa kanila sasabihin ang nangyari.

"Ah wala."
Sagot ko kaya napangiwi siya.

Umikot naman si Polene na parang giraffe kung makalingon para maki usyoso sa amin.

"Sabihin mo na Sash,ba't antagal mo?"
Tanong ni Polene kaya napairap ako sa kawalan.

"Ba't ayaw mo sabihin?"
Tanong naman ni Karina na nasa kabilang side din ng upuan ko.

"Ay parang alam ko na..."
Nakangising si Chess kaya napataas ang kilay ko.

Imposibleng alam niya.

"Ano?"

"Tumae ka ano?Sabi mo umihi ka lang pero tumae ka 'no?"
Nakakalokang tanong ni Chess kaya humagikgik sila Polene at Karina.

"Hindi ah,hindi ako tumae 'no!A-ano kase bigla na lang akong nawala,mali pala yung nadaanan ko kaya natagalan ako."

Palusot ko sa kanila.

"Ah, akala namin tumae ka."
Humagikgik na si Karina.

Sa gitna ng klase ay walang pumasok sa kukote ko.

Hindi pa sila papasok?Bakit nandoon lang sila?

"Pst,Chess."
Bulong ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Bakit wala yung dalawang Elperes?"
Tanong ko.

"Gan'yan lang talaga sila,minsan meron minsan din wala.Depende lang yata sa mood nila kung gusto nilang pumasok."
Paliwanag niya kaya tumango-tango ako.

Eh paano ang mga requirements nila?

"Paano yung grades nila?"
Tanong ko ulit.

"Hindi ka talaga maniniwala,mataas ang mga grades nila kase ang tatalino kahit hindi masyadong nakikinig.'Diba? hope all nalang."
Sagot niya ulit.

"Ahhh..."

"Parang interesado ka sa kanila ah?"

"Nagtatanong lang eh."
Depensa ko dahil ayaw kong mag-isip siya ng malisya.

Nakaramdam ako na parang may kulang.Weird.

Kinapa ko ang leeg ko at doon ko na lang nalaman na nawala yung kwintas ko.

Damn it!Nasaan na yun?



The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now