"Hindi na pare, doon na lang siguro ko manananghalian sa lakad. Sige pare alis na ko!" nagmamadaling paalam ni Johny at pinaharurot ang sasakyan.
-------------------------++++----------------------
"O.M.G.!OMG a hundred times, ...Kuya is here ate max.!"tutop -tutop ang bibig na sabi ni Kathleen at nakatingin sa direksyon na kung saan nakatalikod ang kaibigan.
Umupo naman si Maxene at binalewala ang sinabi ng kaibigan. "Hay naku Kathleen Faye,tigilan mo ko sa mga kalokohan mo!, Tara ng pumunta sa canteen at nagugutom na ko." sabay tayo ni Maxene at dahil nasa bag ang atensyon na pinapasok ang gamit hindi niya napansin ang lalakeng nakatayo. Sa biglang pagharap niya, nabangga siya sa isang matitipunong mga dibdib, mabangong amoy at bisig na humawak sa likod niya!
"Why in a hurry Maxene?" Sabi ng lalaking pinag-uusapan pa lamang nila ng Kaibigan.Dahil magkalapit na magkalapit ang mukha nila naamoy niya ang mabangong hininga nito n nag-paalala ng gabing halikan siya. "Careful maxene, next time na mangyari ulit sayo ang ganito be sure na andun ako!" dinig pa niyang sabi nito habang siya ay tulala at nabibingi sa kabog ng puso niya at dinig din niya ang kabog ng puso nito. "Hey lady?di ka na nagsalita?" sabi pa ng lalaking dahilan ng pagkatameme niya. Nang marinig niyang magsalita si Kathleen.
"ah, eh..sandali lang kuya.!" sabi ng kaniyang magkaibigan na lumapit sa kanila at pinaglayo silang dalawa. "panong di makakapagsalita si Ate Max eh ang higpit ng pagkayakap mo kuya, ah-este pagkahawak pala.! And remind ko lang din kayo, nasa school.tayo." sabi nito at turo sa paligid. Parang nagising naman si Maxene sa daydreaming niya at nahiya sa mga taong nakatingin sa kanila. Napatingin si Maxene kay Johny at nakit niyang napangiti din ito.
"So? I heard na nagugutom ka na Maxene, let's eat! Libre ko!" sabi ni Johny na nakatingin kay Maxene.
"at si Ate Maxene lang talaga ang ininvite mo kuya ha?"
"ah hindi na!salamat na lang, may baon naman ako.!" sa wakas nakuhang magsalita ni Maxene
"walang problema, pagsaluhan natin baon mo!" sagot ni Johny
"Naghihirap ka na ba ngayon kuya at makikikain ka na lang?anyare Kuya?" taas kilay na sabi ni Kathleen s kapatid. Pinangdilatan naman ito ni Johny at sinenyasan na parang izipped ang bibig. "ang o.a mo kuya!" sabi ni Kathleen sa kapatid ngunit s paraang tila pabulong at bumuka ang bibig.
"so let's go?"aya ni Johny at hinawakan sa siko si Maxene papuntang canteen. Bigla namang humawak si Kathleen sa braso ng Kapatid. "Ouch!namanhid ata paa ko Kuya, pahawak naman ako!" sabay kindat ni Kathleen at lumabe pa ito.Siniko naman ito ni Johny.Tinginan sa kanila ang ibang estudyante dahil sa kasama nilang lalaki, dahil sa gwapo ito at magandang pangangatawan makatawag-pansin iti lalong lalo na sa mga kababaihan.
"tsk. bilib na talaga ko sayo Kuya, kahit san ka magpunta maraming babae nagkakagulo sayo!" panunukso ni Kathleen.
"shut up Kath! baka isipin ng kaibigan mo maraming babaeng umaaligid sa kin"
"oopppss! sorry!"sabay peace sign ni Kathleen.
"burp!" napadighay pa ng malakas si Johny at hinaplos ang tiyan. "ang sarap naman ng luto mo Maxene, busog na busog ako!."
kumagat ng saging si Kathleen at nagsalita. "then hire ate max as your cook, kuya!" sabay nguya sa saging. "ouch!" biglang sabi ni Kathleen dahil sa ginawang pagsipa sa kaniya ni Johny sa ilalim ng lamesa.
"bakit Kath?, may tinik na ba ngayon ang saging?"pagbibiro naman ni Maxene
"ha?wala,!" sagot naman ni Kathleen at sinipa din ng malakas ang kapatid.
"urgh----" napakislot naman si Johny.
tumingin sa kanila si Maxene ." ang weird niyong magkapatid!tapusin mo na yan Kath, baka malate tayo sa 1st subject natin!".
Pakatapos nilang mananghalian, hinatid nila si Johny sa labas ng Gate!
"Sige na Kuya, batsi na!Masyado mo na kaming naaabala!" seryosong sabi ni Kathleen sa kapatid at napangiti naman si Maxene.
kumunot ang noo ni Johny. " ang bibig mo Kathleen!, alalahanin mo weekend bukas, araw ng allowance mo.Baka gusto mong ma-delay ito.!" lumapit si Kathleen sa kapatid at yumakap pa dito.Tumawa naman si Maxene kakulitan ng kaibigan. "Kahit, ihatid mo pa si Ate Max mamayang uwian kasi may dadaanan pa yan na paninda kanila Aleng Bebang!"patuloy pa ni Kathleen na ikinagulat ni Maxene.
"Ha?Naku hindi na, kunti lang naman yun Kath.!" matigas na pagtanggi ni Maxene
"Bakit nga ba hindi, Max? wala na naman akong gagawin mamaya kaya maaga kong makakaalis sa opisina.!" Kumalas si Johny s pagkakayakap ng kapatid at ginulo ang buhok nito. "Okey! I have to go sis!" humalik si Johny sa Kapatid.
"Kuuyaaa? ang buhok nagugulo!" reklamo naman ni Kathleen.
"Remind me sis of your allowance tomorrow para sa pagpapaayos ng buhok mo!" lumapit si Johny kay Maxene saka bumulong, "susunduin kita mamaya at siguro naman may tubig at kape na kayo sa inyo!" mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya at sabay talikod patungo sa kotse nito. Tinanaw na lamang ito ni Maxene at siniko siya ng kaibigan.
"uyyyyy si ate Pumapag-ibig....hahaha!"sabay talikod ni Kathleen at nauna na ng naglakad patungo sa loob ng campus habang siya ay iniisip parin ang halik ni Johny. Pangalawang beses na siyang nahalikan nito at pangalawang beses na rin na wala siyang nagawa man lang. "nagawang ano?" tanong niya sa kaniyang sarili "walang nagawa para pigilan ito sa paghalik sa kaniya, o walang nagawa para tugunin ang halik nito?" naipilig niya ang kaniyang ulo sa naisip at sumunod na sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Chapter 3
Magsimula sa umpisa
