KABANATA 13

51 3 0
                                    

Kabanata 13

Wala akong ibang nagawa kundi magkulong. Maging ang si daddy ay work from home. Hindi na rin pala labas si tita sa k'warto niya. Minsan ako ang nagdadala sa kanya ng pagkain dahil sa bawal na siya magkikikilos. Inaayos na rin nina daddy ang hospital na pupuntahan nila kung sakali man na manganganak na si tita Mariel.

Halos dalawang buwan na ang nakalipas. Wala pa rin bago kasi mas lumalala pa. Walang pa ring gamot, pero gumagawa na ng vaccine para makontra ito kahit papano.

Nang dumaan ako sa k'warto ni kuya Warren ay nakita ko na nagpipinta siya. "Ang ganda," sabi ko ng makapasok ako. Nagulat siya ng pumasok. "Ay sorry po." Tumalikod na kaagad ako at akmang lalabas na ng magsalita siya.

"It's okay. Miss ko na na tinatawag mo akong kuya." Lumingon ako sa kanya saka ngumiti. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Wala lang. Kuya, ang galing mo pala magpaint?"

"Hindi naman. Libangan lang," sabi niya.

Tinuruan niya ako kaya maging ako ay gumawa rin ako ng aking masterpiece. Kaso wala talaga akong katalent-talent. Naging abstract painting siya, bahala na kung sino huhusga.

Nakakausap ko kung minsan si Adi sa chat. Nangungulit pa rin si Yuan pero nag-iba si Wenz. Ang sabi nina Yarry at Kristy naistranded daw si ate kaya sinundo raw ito ni Wenz kaya nasa bahay nina Wenz nag-istay si ate Xy pero wala raw pinagkaiba, hindi raw nito pinapansin si Wenz.

Nang manganak si tita Mariel ay sobrang kaba namin. Naiwan kami ni kuya sa bahay. Hindi pa kami pwede lumabas dahil sa age namin at emergency yung kina tita kaya nakalabas sila. Kahit makalabas na sila mag-istay sila sa isang resthouse nina papa para raw sade talaga bago sila bumalik dito. Mabuti na lang at naging maayos ang panganganak ni tita kahit naging critical noong una. Mabuti na lang at pareho silang safe ng baby.

Nagkaroon naman kami ng moving up through online. Mas gugustohin ko pa yung dati kaso anong magagawa ko. Hindi pwede at hindi talaga maaaprobahan kahit anong mangyari para sa kaligtasan ng lahat.

1 month nagstay sina papa sa resthouse kaya one month kami lang saka iilang kasambahay ang kasama namin sa bahay ni kuya. Tinutulungan niya ako sa pagpipinta na kalaunan ay kahit papano ay gumaganda naman na ang nagagawa ko. After 5 months medyo lumuwag ang lahat. Maari ng lumabas ang 18 pataas kaya nakakalabas na ang kuya ko kahit papano. Almost 2 months pa bago mapayagan ang 15th above para makalabas kaya laking pasasalamat ko.

Nakarecieve ako ng text galing sa mama ni Adi.  Kitain ko raw si Adi sa isang private property nila. Buti na lang pinayagan ako ni papa at siya pa mismo ang naghatid sa akin.

"Hija, huwag kayong lumabas dito. Private property ito kaya safe kayo, huwag ka masyado maglalapit sa ibang tao. Ako ang magsusundo sayo mamaya, okay?"

"Yes, Pa. Salamat po."

"Sana sulitin mo ang araw na ito ng kasama siya."

"Pa?"

"Sige na. Sayang ang oras." Tumango na lang ako kahit na nagugulohan talaga ako. "Ingat, anak."

I smiled.

Hinanap kaagad ng mga mata ko si Adi. Nang makita ko siya ay nakangiti siya. Lumapit siya sa akin saka ginulo ang buhok ko.

"Namiss kita," sabi niya.

"Namiss din kita."

Dinala niya ako sa isang Barack, may foods na nakahanda kaya sabay kami kumain. Maglilibot-libot daw kami mamaya sa labas after namin kumain. Nag-usap lang kami sa mga nangyari noong sobrang higpit pa ng lockdown.

I NEED A BREAK, LET ME BREATHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon