Kabanata 4

0 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang dalawang linggo ng practice at naglilinis na lang din kami ng mga steps namin. Ganun ata talaga kapag nag-eenjoy ka sa isang bagay, bumibikis ang mga pangyayari. Naging mas close na din kami ni Aprille. Napapansin na nga din ng iba naming mga kasama kaya minsan ay tinutukso kami kapag magkasama. Kapag break time magkasama kami bumibili ng foods o kaya drinks. Minsan pumapasok na din ako sa kabilang dako kapag lunch to be with her. Hinahatid ko siya sa bahay nila kapag natapos na ang practice namin sa gym. Parang naging routine ko na on a daily basis. Masaya ako na nakakasama ko siya and she's more comfortable talking to me now, kahit yung mga simpleng bagay. At naappreciateko yon kapag nagkwekwento siya sa akin.

Nakwento niya sa akin na may isa pa siyang kapatid which is yun yung bunso nila si James Earl Flores. Pumasok siya sa SPA dahil passion niya ang pagsasayaw at sinubukan niya lang daw mag-audition noon. Gusto niya daw kasing nagpeperform lalo na kapag nanunuod yung mga importante sa kanya. Bigla ko na lang din naalala noong una ko siyang nakita na magperform, ang saya niya, ang gaan sa pakiramdam kapag pinapanood siya. Given na siguro talaga na magaling siya pero nadala ako nung attitude niya kapag nasa entablado. Dito din nagtratrabaho yung parent niya. Yung mama niya sa bahay lang daw at yung papa naman niya ay Civil Engineer. Mukhang masaya sila bilang pamilya kita ko sa mga mata niya yung kislap at galak kapag kwinekwento niya ang mga nangyayari sa loob ng bahay nila.

Sa kabilang banda naman — family ko, hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sa abroad nagtratrabaho si Daddy — Martin Araziel. Si Mommy — Cassandra Araziel naman ay Professor sa isang university dito sa amin. Di naman masyadong malaki ang bahay namin pero I rarely see them. Given na siguro kay Dad na laging nasa abroad pero whenever na andito siya we still don't talk or communicate that much. Nasanay lang talaga siguro ako na yung presensya niya is wala. Si Mom naman kapag gising na ako papasok na siya sa univesity at kapag nakauwi na ako sa bahay nasa sariling study room na niya siya preparing for the next day of class or checking her students outputs. Nasanay na akong ganun yung set-up namin since nakaka-alala na ako. I grew up with my Lola on my Moms side. Siya yung kinamulatan kong magulang. There was a time kasi nung grade school ako, grade two ata ako noon, na nagkaroon ng malaking away sina Mom at Dad. Supposedly they will call off their marriage and both of me and my siblings custody will go kay Mom. Halos one year din yung lumipas at nagkabalikan din sila. Hindi ako noon nakaramdam ng tuwa o lungkot, naging neutral lang ako. Go with the flow kumbaga. Diko alam kung nagkatrauma ba ako sa nangyari o mabilis lang ako maka-adapt bilang bata

Last week na rin ng practice namin. Halos maayos na ang lahat. Patapos na yung props, natapos na din yung costumes yung headress kami na rin yung pinagtahi. Yung headress ko si Aprille na ang nagtahi dahil hindi ako maalam sa pananahi o sa madaling salita wala talaga akong alam sa pananahi. Siguro napansin niya na hindi ko talaga maayos-ayos yung akin kaya kinuha na niya lang at siya na mismo ang nanahi. Ang tanda-tanda ko na daw sa mundo pero dipa ako marunog manahi. Sabi ko naman na alam ko dahil nakikita ko sa lola ko at nagdradrive pa nga ako sa sewing machine niya. Tinawanan lang ako. Diba counted yon mga pre?

Sa acads naman normal lang din, nagagawa namin yung mga requirements namin ng maayos. Ganado pa nga ako eh. Baka pumasokna ako sa top ten ne'to. Hahaha.

Kasalukuyan kaming nagpipinta ng backdrafts ngayon at pasimpleng tumabi sa part kung asan din si Aprille.

"Oy. Ayusin mo yan baka pati pagpinta di'mo alam ha." Pagbabanta sa akin ni Aprille nung nakita niya akong nakahawak ng paintbrush.

"Grabe to. Alam ko naman magpintura. Tamang pahid-pahid lang yan eh." Pagmamalaki ko. "Tignan mo po-pogi yang pipinturahan ko." Pagyayabang ko ulit. Tumawa siya ng malakas.

"Pogi ka rin naman eh." Biglang sambit niya at napatigil ako sa ginagawa ko. "Pero mas po-pogi ka rin kapag pinintahan kita." Sabay pahid nung maliit na brush sa pisngi ko. Naknam. Nadale ako doon ah. Tumawa ulit siya ng tumawa. Pinahirahan ko rin agad yung pisngi niya ng pintura pero gamit ang daliri ko. Yng malaking paintbrush kasi ang hawak ko eh. Tapos ang laban kapag ganon. Napatigil siya ng tawa at tumingin ng masama sa akin.

"Sinimulan mo kasi eh." Paglapit ko ulit sa kanya. "Tinapos ko lang." tapos nginitan ko na siya.

"Ahemmm. Ahemmm." Malakas na sigaw ni Dwight tsaka kunwaring nagkakamot sa lalamunan niya. Nakita ko rin sa likod niya sina Ron, Kit at Shey na mukhang pinapanood kami kanina.

"Kami na magtutuloy baka di niyo pa matapos yan." Pang-aasar bigla ni Ron. Binitawan naman na namin yung mga hawak naming paintbrush at lumayo na sa kanila.

"May wipes ka Shey?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Nasa bag ko." Sabay turo gamit ag bibig niya. Dumiretso naman na ako sa tinuro niyang bag kumuha ng wipes. Dumekwat na rin ako ng panlinis ni Aprille dahil nga nilagyan ko din yung mukha niya kanina ng pintura. Pero nagtataka ako bakit nakaseparate yung wipes. Nasa puting package na parang square. Kumuha na lang ako ng dalawa tsaka sinara yung bag ni Shey. Buti na lang girl scout tropa ko. Binulsa ko narin yung dinekwat ko tsaka lumapit kay Aprille.

"Oh eto." Sabay abot sa kanya nung wipes. "Wet wipes pamunas sa mukha." Tinignan niya yung inabot ko tsaka bumalik yung tingin niya sa akin. Bale tatlong beses niya yon ginawa tsaka siya humagalpak sa tawa. Nagtataka lang akong nakatitig sa kanya habang naka-angat pa rin yung kamay ko na hawak yung wipes. Halos dalawang minuto rin siyang tumatawa.

"Alam mo ba kung ano yan?" Ngingiti-ngiti pa rin siya habang nagtatanong.

"Wipes." Mabiliskong sagot at tinignan ko na rin yung hawak ko. Lumapit siya sa akin.

"Napkin yan." Pabulong niyang sabi habang nagpipigil pa rin ng tawa.

Yawa?! Ano daw? Potek. Naramdaman kong uminit bigla yung mukha ko. Ibinababa ko yung kamay ko. Tinignan ko yung sahig pero ayaw bumuka. Di man lang nakisama. Amp. Napansin ata ni Aprille na bigla akong nabalot ng napkin. Este, nabalot ng hiya sa nagawa ko. Di'ko rin kasi alam talaga. Bakit kasi walang tatak? Yung nakikita ko sa TV may pangalan eh. Tapos di ganito itsura nung package.

"Balik mo na sa bag ni Shey yan baka masapak ka niya kapag nalaman niyag kinuh mo yan." Bigla naman akong bumalik sa wisyo at agad na binulsa tsaka bumalik sa kinaroroonan nung bag Shey. Bakit naman kasi niya linagay doon. Malay ko ba na hindi pala wipes yon. Kasalanan din to ni Shey eh. Hahahaha. Napatawa na lang ako sa kabobohan ko.

"Shey. Asan?" Tanong ko sa kanya nung mabalik ko na yung gamit na yon.

"Yung pinakamalaking zipper. Blue at white yung lalagyan. Tagal naman maghanap ne'to." Di siya lumingon habang sumasagot kaya swerte. Pwedeng ibaon sa limot ang nangyari.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Aprille at binigay yung legit na wipes. At mapayapa naming nalinis ang mga mukha namin. Tinatawanan na lang niya ulit ako sa nangyari.

Natapos ang araw na may sablay pero atleast nakita kong tumawa ng husto si Aprille dahil sa kabobohan ko bilang lalaki. My clumsiness brought her laughters and that matters the most. I want to be the reason that she smiles.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Mar 07, 2021 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Last DanceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant