Kabanata 2

2 0 0
                                    

Inaayos ko ngayon ang mga gamit ko habang isip-isip pa rin yung babae kanina na nasa stage. Ngayon ko pa lang kasi siya nakikita sa campus kahit di naman ako transferee.

"Pres. Kilala mo ba yung section na sumayaw kanina?" Biglang tanong ni Ron. Kahit kelan talaga palatanong to. Sikreto ata bakit nakapasa nung entrance exam eh.

"Yung taga SPA? Oo, kabatch natin. Pero diko sila kilala lahat. Mga kaibigan ko lang noong elementary." Sagot naman ng president namin.

"Oh. Hmmm." Kunwaring pag-iisip ni Ron. Tang-ina sana ganyan ka din kapag quiz. "Eh yung babaeng nasa bandang kaliwa tapos mahaba ang buhok?"

"Ah. Si Aprille Flores?" Alanganin niyang sagot. "Sige una na ako. Ibibgay ko pa ito sa adviser natin." At lumabas na nga siya sa classroom.

Aprille Flores. Aprille Flores. Ganda din ng pangalan.

"Tols. Eto na Facebook account." Sabay abot ni Kit ng cellphone niya. Iba rin talaga to eh. Bilis talaga basta kapag mga social media accounts.

"Add mo na!" Pagsigaw ni Dwight. Gago rin 'to eh. Akala mo nasa kabilang classroom.

Nginitian ko lang sila. Sabay pindot ng add friend. "Pabebe ampota. Hahahaha." Panggagago ni Ron.

"Utot. In-add ko na nga." Sagot ko.

"Kilig na yan?" Panloloko naman ni Shey.

Tumawa na lang ako at lumabas na rin kami sa classroom.

-

Di naman sa pagmamayabang pero hindi pa ako nakakapasok sa gate namin may nag notification na sa cellphone ko. Inaccept na ni Aprille yung friend request ko. Gwapo ko naman sa part na yon. Hahaha. Pero paano ko ba icha-chat to? Diko alam paano. Gusto ko sana i-compliment siya sa sayaw nila kanina. Weird na ba ako kapag ganon?

"Hi?"

Hahaha. Potek. Yan lang na-type ko kanina pa ako dito sa kwarto ko. Dipa nga ako nakakapagpalit. Partida diko pa sinend yan. Binato ko na lang yung cellphone ko sa kama nung naramdaman ko nang diko talaga siya kaya i-chat. Grabe kaba ko mga pre. Kinuha ko na lang yung twalya ko tsaka nagshower. Ayos naman yung tubig, basa pa rin. Paglabas ko binalikan ko yung cellphone ko para i-check. Malay mo may himalang mag-chat.

"POTANGINA?!" Yung tinype kong message nasend kay Aprille. Yung kalamnan ko biglang nanginig. Teka. Hinga. Napakabobo nga naman oh. Sino ba kasi ang matalinong tao ang gagawing pamato ang cellphone. Kaninong santo ako ngayon hihingi ng himala? Pero napagtanto ko wala naman akong ginagawang masama, relax. Hi lang yong sinend ko. Habang kinukumbinsi ang sarili kong kumalma biglang nagvibrate yung cellphone ko.

"Hello. 😊"

Yung kaba ko biglang napalitan ng ngiti. Di ako kinikilig. Di mga pre pero masaya ako nagreply naman siya.

"Saw you dancing kanina. Gusto ko lang na i-compliment ka. Galing mo. 😄" sabay pindot ng send button at pagexhale ng hanging diko maibuga kanina. Kabado ako. Hahaha. Diko na namalayan na naka-idlip na pala ako habang nag-aantay ng reply niya kanina. Chineck ko rin yung cellphone ko. Walang reply. Naweirduhan na ata sakin. Ekis na ata ako. Nako po.

-

Di ako late ngayong umaga para sa flag ceremony. Maaga naman talaga ako palagi eh.

"Himala! Maaga ka. May sakit ka ba?" Pagpuna agad ni Dwight sakin. Diko pa naibababa yung bag ko. Inakma kong ibabato sa kanya yung bag ko.
"Relax prii. Joke lang eh. Hahahaha." Pagsuko niya.

"Lakas mo maka-umaga. Ulol. Hahahah." Sagot ko sa kanya.

Inaantok ako. Ang aga ko kasi nagising kanina. 4 am. Biglang namulat na lang yung mga mata ko. Weird. Di na ako makatulog din nung sinubukan ko bumalik sa tulog. Sinandal ko na lang yung ulo ko sa sandalan ng upuan ko. Pipikit muna ako. May 5 minutes pa naman bago magklase. Tsaka yung teacher namin sa english pormadong matanda na lagi nakaheels kaya ang laging ending pasado alas otso na siya makarating sa classroom namin. 5-10 minutes late palagi. Kaya petiks muna umidlip. Hahaha.

Nagising na lang ako nung tinapik na ako ni Ron.

"Tol. Anjan na si maam." At umayos na rin ako ng upo pero yung isip ko wala sa classroom. Nagloloading palang nung biglang mahagip ng mata ko si Aprille sa likod na pintuan ng classroom namin. Kinakausap yung pres namin. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa natapos na silang mag-usap at umalis na din. Diko na rin matandaan yung topic sa klase kanina. Bangag. Hahaha.

Kakatapos lang namin maglunch na magtrotropa at kakabalik lang namin sa classroom. Pumunta nama sa harap si Pres at inannounce na sa darating na intramurals ay bubuo yung sectiong ng grupo na sasayaw. Nagkatinginan naman kami ni Dwight dahil sa sinabini Pres.

"Festival ang theme natin ngayong year." Pagtapos niya.

Bigla ulti kami nagkatinginan ni Dwight at alam kong alam na niya na rin ang ibig kong sabihin. Auto-pass kaming dalawa. Modern at hip-hop ang genre naming dalawa. Di kami sanay at komportable sa ganitong genre.

"Oo nga pala. Per teacher daw ang labanan. Bawat MAPEH Teacher yung mga handle nilang sections ang magkakasama. Bale ang kasama natin na secton ay SPA."

Okay. Sasali na ako. Sigurado kasi akong sasali din si Aprille. Major niya ang dance. Di pwede na di sila sumali. Ipupusta ko lunch ko bukas kung di siya sasali.

"Sino gusto sumali?" Tanong ni Pres.

Itinaas ko ang kanang kamay ko at bigla akong sinapok sa likod ni Dwight.

"Hoy. Gago. Kala ko ba di tayo sasali?" Pabulong niyang pag di sang-ayon sakin.

"Wala trip ko lang." sagot ko sa kanya. "Try natin lumabas sa comfort zone natin tol. Tara." Paghikayat ko naman.

"Pass tol. Pass." Sagot naman niya.

"Si Dwight din daw Pres." Malakas na pagsuggest ko sa klase.

"Oo nga. Dancer ka din naman." Pagsang-ayon ng President namin habang sinusulat niya ang pangalan ni Dwight sa papel.

Di na nakaangal si Dwight atalam kong masama ang tingin nun sakin ngayon. Nginitian ko na lang siya. "Libre na lang kita burger maya pag-uwi." Sabi ko at mejo umayos na siya. Nagtataka namang nakatingin sakin si Ron at Shey. Si Kit naman ay napagtagpi-tagpi naata ang nasa isip ko. Iba talaga kapag matalino. Kaya binarkada ko 'to eh. Tapon ko na yung dalawa. La kwenta.

Natapos na din pala yung listahan dahil nung nag-uusap pala sina Aprille at Pres kanina nasulat na ng section nila kung sino ang sasali. Binanggit na rin niya isa-isa kung sino ang mga sasali kabilang na sa kabilang section which is SPA. At tama nga ang pag-deduce ko nasa listahan rin pangalan ni Aprille.

Sinapok ulit ako ni Dwight sa likod. "Gago. Gets ko na. Hahahaha." Sakit non sa likod. Nakakadami na 'to eh.

"Wala. Gusto ko lang i-try ibang klase ng sayaw." Sagot ko sa paratang niya.

Diko alam kung anong sapak meron ako ngayon at sumali ako sa sayaw. Di naman ako confident sa festival. Hindi ko pa natra-try yung genre na yun. Pero ok na din siguro to para mag-expand naman genre ko. Atleast masasabi kong triny ko. Wala naman siguro ako pagsisi-sihan.

Last DanceWhere stories live. Discover now