Ngumiwi silang dalawa sa akin na nagpatawa sa akin. Para akong baliw, kanina'y umiiyak tapos ngayon ay tumatawa.

"Oo, magiging tatlo kapag naging kayo ni Prinsipe Alixid." Singit na naman ni Zack.

"Alam mo bang pagkagising niya ikaw ang una niyang hinanap."

"At alam mo bang ang hirap kiligin kapag nasa harap mo sina Tito at Tita ang ibig kong sabihin, ang Mahal na Hari at Reyna."

"Kahiya ka, Zack." Napangiwi na lang ako sa kanilang dalawa.

"Hindi ka kinikilig, Flaire sa sinabi kong ikaw ang hinanap niya agad pagkagising niya?" Bubuka na ang bibig ko nang sumingit si Zack.

"Kawawang Alixid, hindi gusto ng gusto niya."

"Pinagsasabi nyong dalawa. Tumigil nga kayo!" Lumungkot ang mukha nila at umiwas ng tingin.

"Lapit kayo, may sasabihin ako."

Nilapit nila ang tenga nila sa akin at ibinulong ko naman ang sasabihin ko. Hindi ko na sila agad pinasalita nang sumakay ako sa ulap na apoy at lumipad paitaas.

"Paalam!"

Nasa mataas na ako na bahagi at pinagmasdan ko ang bayan, ang Palasyo.

Babalik ako.

Hindi ko alam kung saan ang isaktong kinaroroonan ng Palasyo ng Angkan ng Itim na apoy dahil ni minsan hindi ko tinangkang pumunta rito dahil mapapahamak ako.

Isang malawak na kagubatan lang ang nakikita ko pero baka sa dulo yung Palasyo. Tuloy tuloy lang ako at nung nilingon ko ang pinanggalingan ko ay hindi na ito nakikita. Bumalik ang tingin ko sa harap at napahinto ako ng may maramdaman akong kapangyarihan.

Napatingin ako sa baba at isang bolang apoy ang patungo sa pwesto ko. Iniwasan ko ito at gamit ang telang itim ay tinakpan ko ang ilong hanggang baba. Inilugay ko din ang buhok para hindi masyadong makita ang buhok ko. Wala pa akong planong magpakilala dahil may kasalanan pa sila sa akin. Sa ginawa nila kay Prinsipe Alixid.

Dalawang bolang apoy na ang papunta sa pwesto ko na agad kong iniiwasan at bumaba ako sa pagitan ng dalawang lalaking mula sa angkan ng itim na apoy. Sinuntok ko sa mukha ang nasa kanan ko at sipa naman sa sikmura ang ginawa ko sa nasa kaliwa. Bago pa sila makatayo ay binigyan ko sila ng malakas na suntok sa panga na nagpatulog sa kanila.

Aalis na sana ako ng may isang babaeng may espada ang sumugod sa akin. Gamit ang dalawang kamay ay inipit ko ito sa pagitan ng palad ko at pwersang ibinaba at tinadyakan sa tagiliran niya. Nabitawan nya ang espada na agad kong kinuha at itinutok sa leeg niya.

"Dalhin mo ako sa Hari nyo."

"Sino ka ba para utusan ako?" Aniya na nagpangisi sa akin. Mas nilapit ko sa balat niya ang dulo ng espada hanggang sa magdugo ito. Lumitaw sa mga mata niya ang takot at hinayaan ko namang tumayo sya habang nakatutok pa rin sa kanya ang espada niya.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa isang lagusan ang dinaanan namin at bumungad ang napakaraming kawal nila na itinutok ang mga kamay sa akin at handa nang magpakawala ng itim na apoy.

Bago pa makawala ang babae ay nagpalabas ako ng apoy mula sa pwesto ko na lumawak at tinupok ang mga lumalapit na kawal. Muli akong nagpakawala ng apoy nang may magtangkang lumapit sa akin. Yung babaeng bihag ko naman ay tinutupok din ng apoy.

Nagpatuloy ako sa paglakad habang nakapalibot sa akin ang aking pulang-pulang apoy. Pinoprotektahan din ako nito sa mga bolang apoy na papunta sa pwesto ko. Bago ako mawalan ng lakas kailangang makarating ako sa Hari nila.

Scarlet PrincessWhere stories live. Discover now