"Alam ko ang bahay niya. Sumama ka sakin iho." - nakangiti niyang sagot kaya tumango ako.

"Salamat po Nay." - sabi ko.

Naglakad kami at pumasok sa isang iskinita. The hell? So meaning noong hinatid ko siya dito sa lugar nila, malayo pa pala ang bahay nila?

"Kaano ano ka ni Angela, iho?" - tanong niya.

" Kaibigan po Nay."

" Kaibigan? Pero bakit hindi mo alam ang kanyang  bahay?"- nag-uusisa nitong tanong.

"Bago lang po kasi kaming nagkakilala. Malayo pa po ba Nay?"- sagot ko. Nangunot na ang aking noo. This is a small place. Ang liit ng daan, paano kong harangan siya dito sa liblib na lugar na ito tuwing gabi na siya makakauwi?

Hindi siya sumagot at sa halip ay binuksan niya ang pintoan ng bahay. Nagtaka naman ako. Nanatili akong nakatayo sa pintuan.

"Ahh Nay, dito na po ba? Bakit po kayo pumasok agad² baka mapag-"

"Dahil ito ang bahay niya."

"Oo nga po, pero hindi po magandang pumapasok sa ibang ba-"

"Bahay namin ito iho."- nakangiti niyang sabi ng lingunin niya ako.

Napamaang ako at hindi nakapagsalita. Napakurap pa ako at inilinga ang aking paningin. Muli ko siyang tiningnan at sinuyod ang kanyang mukha at baka nagbibiro lang siya ngunit nanatili siyang nakangiti sa akin na tila natutuwa sa naging reaksyon ko.

"Ako ang kanyang Ina." - natatawa na nitong sabi dahilan upang manlaki ang aking mga mata.

"Tumuloy ka iho. Ano ka ba wag kang kabahan hahaha wag kang mag-alala nasa kwarto si Angela natutulog."- sabi nito at inakay ako paupo.

"Ahh Na---ay tita sorry po. Hindi ko po alam-

"Nay, mas gusto kong nanay ang itawag mo sa akin." - nakangiti nitong sabi.

"Sandali lang at ikukuha kita ng maiinom."- paalam nito. Nang makaalis siya ay doon ko pa sinuyod ang kabuuhan ng bahay. Bagaman maliit lang ay napakaayos nito sa loob. Napakalinis at napaka peaceful ng paligid at hindi mahihimigan na nasa liblib ito na lugar.

"Ito na Iho, pasensya kana at kailangan kitang iwan dito ah. Aasikasuhin ko lang ang asawa ko. Maaari mong puntahan si Angela sa kanyang kwarto, yong kwarto na kulay puti ang pintura sa pinto kumatok ka lang, ayos lang ba iyon sa iyo?"- paumanhin nito kaya tumango ako at ngumiti.

"Ayos lang po Nay, wag niyo po akong alalahin." - sabi ko.

"Maiwan na kita."

"Sige po, salamat po."- magalang kong sagot. Napakabait ng mama niya, pero bakit ang sadista niya? Tsk!

Nang makaalis siya ay muli akong tumingin sa loob ng bahay at napangiti. Kay simple ng kanilang buhay pero may kung ano dito na nakakawala ng stress.

"Hmmmm." - nakangiti kong  saad ng matikman ang inihandang inumin, nanuot sa kalamnan ko ang lasa ng kalamansi na may halong luya.  Kalamansi and ginger with cucumber, nice. It taste so good.

Tumayo ako at kinuha ang paper bag na kanina ko pa bitbit tsaka naglakad. Hihintayin ko na  lamang sana siyang bumangon pero parang wala siyang planong gumising kaya napagdesisyonan kong puntahan na lamang siya.

Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot sa loob.

Kumatok ulit ako ngunit wala pa rin kaya sunod-sunod akong kumatok.

"Ma, bakit?! Mamaya na ako kakain!" - sigaw niya. Napangisi ako, so di pa siya kumain?

Muli akong kumatok at sa pagkakataong iyon ay binuksan niya ang pinto at lumantad saakin ang magulo niyang kwarto, magulo niyang buhok at namumutla niyang mukha.

"What are you doing here?"- napapalunok niyang tanong habang hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Pwede ba akong pumasok?"

"No."

"Then come here outside."

"No, you can leave inaantok pa ako."-sabi niya at isinara ang pinto ngunit hinarang ko ang aking kamay dahilan upang ako'y maipit.

"Aray! Ahhh shit!" - impit ko ng maramdaman ko ang sakit sa aking kamay.

"Aray!" - sigaw ko na ng may dumapong kamay sa batok ko.

"Abnormal ka ba? Bakit mo iniharang ang kamay mo? Ano ka sa tingin mo bakal 'yan na hindi nasasaktan?"- nakasimangot niyang sabi.

"Ehh sa ayaw mong lumabas eh. Tsaka bakit ba ang sadista mo? Naipit na nga ako binatukan mo pa. Tsk!"- sagot ko.

"Eh, sino ba may sabing iharang mo yang kamay mo?"- maldita niyang sagot.

"Wala, sinabi ko bang may nagsabi sakin? Di ba wala? Tsk! Ohh."- sabi ko.

"Ano yan?"

"Edi regalo."

"Hindi ako tumatanggap ng regalo dahil hindi ko naman birthday at mas lalong hindi naman pasko."-pilosopo niyang sagot kasabay ng pagkusot niya sa kanyang mata. Hmmm, cute.

"I don't care. Take it or take it, you choose."

"Aalis ka or aalis ka, you choose?"

"How are you?"- tanong ko sa halip na pansinin ang sinabi niya.

"Why asking? You don't need to ask me if I'm ok because definitely I'm not. Tsk, having sex to someone I don't even really know that much is absurd, isn't it? I'm doomed, I can't bring back everything that happened but don't you worry, I'm not that desperate. I'm not going to sue you nor force you."- seryoso niyang sabi tsaka kinuha ang paper bag na kanina pa nakalahad sa kanya.

"Considered it as a one night stand, besides you're good in it. Anyway, thank you for this. You can leave now."- she added and then closed the door without letting me speak. Napabuntong hininga ako at napailing.

"I'll go now, go outside and eat." - sigaw ko bago umalis.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now