Chapter 2: Desisyon

0 0 0
                                    

Samantala...

Sa loob ng tahanan ng mga Almendraz , pumasok ang isang itim na SUV lulan ang mag-asawang Arturo at Pia Torres. Sinalubong ito nina Enrico at may bahay na si Cynthia.

" Pasensiya na Enrico sa biglaang pagbisita."

" Walang anuman, tara at maupo."

Tugon nito sa mga panauhin. Matapos humigop ng kape.

" Kumusta na nga pala si Jillian?"

Tanong ni Pia.

" Hayun, ayos naman kahit papaano at kumpara noong unang araw."

Sagot ni Cynthia.

" Gusto kong humingi ng paumanhin sa nangyari, at sana ay hindi naman ito makakaapekto sa ating ugnayan."

Wika ni Arturo. Tumango si Enrico.

" We are trying to be strong for Jillian, at nasa matinding dagok ng buhay ang aming anak."

" Lalabas na ang warrant of arrest, malamang bukas ng umaga."

" Tanggapin na lang natin ang mga susunod na pangyayari, at narito na ang insidenteng ito."

" Sana lang ay huwag na gumawa pa si Jillian ng lalong ikakadiin ng anak ko."

Napawi ang ngiti sa mga labi ni Enrico, pero minabuti nito ang maging kalmado.

" Kung ano ang desisyon ng anak ko, iyon ang susuportahan namin."

Nagpaalam ang mag-asawang Arturo at Pia, naiwan nagtitimpi ang haligi ng tahanan ng mga Almendraz.

" Kumalma ka na Dad, huwag mo nang pansinin ang mga 'yon."

Mungkahe ng panganay nitong si Eco, na bahagyang tinapik ang balikat ng ama.

Samantala...

Hapis ang mukha ni Aling Minda na halatang kulang sa tulog at mugto ang mga mata sa kakaiyak, ganoon din ang kasa-kasama nitong pamangkin habang nakatanaw mula sa labas ng ICU.

" Nay, patawarin po ninyo ako. Patawad at kayo ay iniwan ko ng ganyan."

Malungkot na usal ni Vince, gustuhin man mayakap ang ina ay hindi naman nito mararamdaman.

" Nasa saiyo kung mas gusto mo bang makitang ganyan ang kalagayan ng nanay at pinsan mo."

Biglang singit naman ng matandang babae na biglang sumulpot mula sa kung saan, tumalikod ang binata rito at naglakad palabas ng ospital. Nang makaramdam ito ng surpresa ng makita ang pamilyar na mukha ng isang babaeng bumaba mula sa isang magarang kotse kasam ang abogadong tumutulong sa nanay niya. Iyon ang huling mukhang nasilayan niya, bago nagdilim ang lahat at bago magising sa tila bangungot na kinalalagyan sa kasalukuyan.

Lumusot ito sa kanya, at tanaw niya ang direksyong tinatahak nito ay malamang patungo sa ina niya. Mabilis ang hakbang ng binata papasok muli sa ospital, at dahan-dahan ng makitang yakap ng babae ang ina.

" Patawarin ho ninyo ako kung wala man lang akong nagawa para mapigilan ang sinapit ng inyong anak."

Humahagulhol na wika nito, maamong mukha, mugto ang mga mata at tila kulang din sa tulog. Ang mukhang nasilayan ni Vince na puno ng gimbal at gulat, ngayon ay luhaan naman habang hinihingi ng patawad ang ginawa ng kasamahan nito.

" Iha, ka ano-ano mo ba ang gumawa nito sa anak ko?"

Tanong ni Aling Minda, tumulo ang luha sa mga mata ng kausap.

" Bo-boyfriend ko ho."

Tumango-tango ang matanda, saka niyakap ang dalaga.

" Pasensiya sa inyo kung ano man ang kasalanan ng anak ko, at nawa ay magiging maayos ang lahat. Wala naman sigurong may gusto sa nangyari, sana nga lang ay magising ang anak ko iyon lamang ang nais ko."

Lalong napahagulhol si Jillian, samantalang tiim ang bagang ng nagmamasid na si Vince.

" Wala akong ginawang kasalanan nay, sila ang bumangga sa akin. Ako na ang nabangga, ako pa ang nabugbog at nabaril."

Sinuntok ng binata ang dingding, ngunit lumusot lamang siya sa loob ng ICU. Nakitang muli ang sariling nakaratay sa kama at tadtad ng nakakabit na makina at tubo ang katawan.

" Magbabayad kayo, magbabayad kayo!!!"

Namuo ang galit at poot sa puso ng binata, sinabayn iyon ng biglang pagkulog at pag-ulan na ikinagulat ng mga tao lalo ng nasa labas. Lalo at napalitan ang kay liwanag na sikat ng araw, ng ubod kapal na ulap at malakas na pag-ulan.

Samantala.…

Arestado si Rafael Torres at mga kaibigan nito, mga kasama noong nangyari ang insidente. Tiim ang bagang nito ng malaman na ang nobya ang mismong nagbitaw ng statement para sa mga naganap noon.

" That bitch! Attorney, ayusin mo 'to!"

Asik nito sa abogado.

" Just calm down son, we will do everything to get you out from here."

" You should dad, I don't like this place. Mom, make sure that they'll give me comfortable stay. I am innocent until proven guilty, right attorney?"

Pagyayabang pa nito.

" Of course sir, aayusin ko lahat 'yan."

Bakas ang mga pag-aalala sa bawat mukha ng mga magulang ng mga kaibigan ni Rafael, lalo at hindi sanay sa mahirap na sitwasyon na dadanasin sa loob ng detention center. Pansamantalang pinalaya naman ang mga nagbigay ng statement at walang partisipasyon sa nagawang krimen, bawal nga lang umalis ang mga ito sa bansa para sa baka sakaling pagpapatawag ng korte sa mga ito para pabulaan ang mga binitawang salaysay.

" Gusto kong maghiganti!"

Galit na saad ni Vince ng makita ang mga taong bumugbog at bumaril rito.

" Hmmm...hayaan mo na ang batas ang magpaparusa sa kanila, at pinapaalala ko sa'yo. Hindi ka pupwedeng mangialam o gumawa ng eksena sa mundo ng mga buhay."

" Batas? Maibabalik ba ng batas ang mga ngiti sa labi ng ina ko? Ang lungkot ng mga mahal ko sa buhay, mapapalitan ba ng saya? O ang pagkakulong ba nila ay magbabalik ng buhay ko?"

Galit pa rin na turan ng binata. Tuloy ang ulan at kulog kasama ng pagkidlat. Galit at poot, iyon ang laman ng kalooban ng  binatang si Vince sa mga taong nanakit at umargabyado sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now