"Pasensiya na, dude. Kailangang-kailangan lang kasi ni Ma'am Meredith 'yung mga files na 'yun. Para sa client meeting 'yun bukas eh. Kung p'wede lang sanang i-prioritize."

"No problem, Sir. Malakas kayo sa 'kin eh. Saka kung para kay Ma'am Meredith, nanginginig pa. Sisimulan ko na po."

Tumawa ako. "Thanks. Lalabas lang kami para mag-merienda/early dinner. Kung kailangan mo kami, text mo na lang ako."

"Sige, Sir."

"Thanks."

Ibinaba ko ang phone at binalikan si Meredith. Pinag-aralan ko siya at halata ang pagod sa mga mata niya. "I'm sorry. Ako na dapat ang gumawa n'un. Nag-inarte lang ako."

"Don't worry about it. You can't be Super Girl all the time."

She smiled up at me. "Thanks," she said. "Nakakahiya, sa 'yo pa ako nag-nervous breakdown."

Naupo ako sa tabi niya. "Nervous breakdown na ba 'yun? You should see my ate's nervous breakdowns. Nagliliparan ang mga office supplies kapag 'yun ang nag-nervous breakdown."

Bumungisngis si Meredith.

"Sabi ko kay Karl, kakain muna tayo." I offered my hand to her. "So, halika, lumabas muna tayo. Para rin ma-refresh ang utak mo."

Tiningnan niya ang kamay ko, then looked up at me. Then she placed her palm over mine.

NAGLAKAD kami papuntang Burgos Circle dahil naisip kong mas makakabuti para kay Meredith ang maglakad imbis na mag-kotse. Walking distance lang naman 'yun mula sa opisina namin. Sa oras na nawala sa paningin namin ang building, kinuha ko ang kamay niya ulit.

Pinakiramdaman ko kung hihilahin niya palayo ang kamay niya pero sumara ang mga daliri niya sa kamay ko. Siyempre kinilig ako pero sa di naman ako p'wedeng mag-breakdance na lang bigla sa kalsada, dinaan ko na lang sa ngiti.

"Ano'ng comfort food mo?" tanong ko habang naglalakad.

"Fries," agad niyang sagot.

"Okay."

Tumawa si Meredith. "I know, ang simple lang. Pero 'yun talaga. Kung may Potato Corner lang na malapit, okay na 'ko."

Kayang-kaya sana ng budget ko 'yun. Maibibili ko pa siya ng drinks. Pero dahil may extra pera ako ngayon, kahit sa restaurant na mas sosyal nang kaunti sa Potato Corner pa siya mag-aya.

Nagbago na 'ko ba. Marunong na 'kong magtabi ng pera para sa mga emergencies. Tulad ngayon, emergency date.

"May Johnny Rockets sa Burgos. D'un na lang tayo kumain."

"May fries din naman sa Jollibee," simula niya.

"Sa stress level naman natin, sana mas level up naman kaysa sa Jollibee ang reward natin sa sarili natin."

"Aba, minsan naman, walang tatalo sa Jollibee Yum."

"Sa susunod na lang 'yun," sabi ko sa kanya.

She smiled happily and squeezed my hand. Nagsimula kaming tumawid at lumipat ako ng puwesto para nasa pagitan ako ni Meredith at ng mga paparating na kotse. I put my hand on her lower back and gently pushed her along. Nang marating namin ang kabilang sidewalk, siyempre kinuha ko ulit ang kamay niya.

Sinulyapan ko siya, muling tumingin sa harapan bago ako napa-doubletake dahil nakatingala siya sa 'kin at nakangisi.

"Bakit?" kinakabahan kong tanong.

She shrugged. "Minsan kasi, ginugulat mo talaga ako."

"Bakit?" tanong ko ulit.

"'Yung mga nababasa ko kasi n'ung ni-Google kita, hindi ikaw 'yung na-pi-picture kong Ash Montesines." Napangiwi ako at tumawa siya. "Seriously! And—" Napalingon ako ulit sa kanya nang huminto siya sa pagsasalita.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon