"Syempre naman pupunta ako." Tumango lang siya. "Basta magfocus ka lang sa exam mo, ha?"

"That's all I've been doing."

"Magiging abogado ka rin."

Hindi siya sumagot. Hinatak niya iyong iyong upuan at saka naupo doon. Tumingin siya sa akin kaya naman naupo ako roon sa kaharap niya. Tahimik kaming kuma-kain. Napa-tingin ako roon sa chocolate. May naka-lagay pa palang note.

Good luck! -Anne

Kapag naghiwalay kami ni Nikolai, sigurado ako na madali niya lang akong makaka-limutan. Ang daming may gusto sa kanya. Ang daming pwedeng pumalit sa akin. Iniisip ko pa lang na makaka-limutan niya ako, gusto ko nang maiyak.

Bakit ba kasi kailangan niya pang dumating sa buhay ko kung hanggang dito lang pala kami? Ano 'yan? Free taste?

Maayos naman ako nung wala siya.

'Di ko alam na pwede palang sumaya nang ganon.

Kaso ngayon alam ko na.

Paano ako babalik sa dati?

"Poli iyong unang exam niyo bukas, noh?"

"Yeah."

"Nareview mo naman nang maayos 'yun."

"Yeah."

"Sigurado ako papasa ka roon."

Ngumiti ako sa kanya kaya lang ay natanggal iyon sa mukha ko nang mapansin ko kung gaano ka-seryoso iyong tingin niya sa akin.

"Jersey," seryosong sabi niya. Nagsimulang lumakas iyong kabog ng dibdib ko. Ayoko kapag ganito iyong tono ng boses niya. Hindi kasi siya ganito. Kaya pala sinasabi nila na nakaka-takot si Nikolai... Kasi alam mo na hindi siya ganito... Masayahin siya. Maraming kaibigan. Laging laman ng party. Kaya kapag ganito na seryoso siya, parang masusuka na lang ako sa kaba.

Tumingin ako sa kanya. Hindi ako maka-sagot dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"If... if you're going to break up with me—"

"Niko—"

"Can you do it now?"

Napa-awang iyong labi ko.

Mabilis na sumikip iyong dibdib ko nang makita ko iyong pagpula ng paligid ng mga mata niya. Gusto kong abutin iyong mukha niya at punasan iyong luha niya pero naunahan niya ako. Mabilis niyang pinahid iyong bawat luhang papakawala pa lang.

"If you don't love me—" Agad siyang napa-hinto at napa-hugot nang malalim na hininga. Mabilis niyang tinakpan iyong mukha niya na para bang ayaw niyang makita ko siya nang ganito. "If you don't love me... if you don't want to be with me... it's not like I can force you to stay, right? It'd be unfair of me to force you to stay..."

"Mahal—"

Mabilis siyang umiling habang pinupunasan iyong luha niya. "Don't lie for my sake," mahina niyang sabi. "I know I promised that I'll stay thru thick or thin... but you didn't promise that. You can leave. Don't stay on my behalf. It sucks to think that you're only staying because I told you I love you."

Nag-iwas siya ng tingin.

"You can just leave."

"Nikolai—"

"I really don't wanna force you to stay when you're this unhappy. It's unfair for you and for me. Just please leave. I'll probably call you once in a while when I'm drunk... but you can just reject my calls... I'll probably text you that I love you sometimes... You can just erase my texts..."

Mabilis na tumulo iyong luha ko sa mga salitang binibitiwan niya. Sana pala 'di na ako pumunta dito ngayon. Sana pina-abot ko na lang iyong pagkain. May exam siya bukas tapos ganito iyong mga sinasabi niya.

"It'll take a while for me to be okay... but I'll be okay. Don't stay out of pity. I don't want that."

Mabilis kong pinunasan iyong luha ko. Ayoko na makita niya akong umiiyak. Kasi mahal niya ako. Alam ko na kung nasasaktan ako, mas mahihirapan lang siya.

"Nikolai, hindi naman ako aalis..."

"You're unhappy. If you're unhappy and miserable, you should leave," seryosong sabi niya. "Jersey, you've been unhappy all your life. I don't want you to be unhappy for another second. And if I'm making you unhappy, you should leave me, too. Don't worry about me—"

Mabilis akong umiling. "Hindi nga ako aalis."

"Jersey—"

"Hindi ako aalis. May sasabihin lang ako sa 'yo... pero kasalanan ko rin siguro kasi hinintay ko pa na matapos iyong exam mo kasi ayoko na distracted ka habang nagrereview ka. Pero siguro mali iyong naisip ko. Mas lalo ka lang nahirapan. Mas lalo mo lang inisip iyong dahilan kung bakit nagkaka-ganito ako."

Ang pula ng mga mata niya... tapos may exam pa siya bukas... Dapat hindi na ako pumunta talaga dito.

"Just tell me. Please. Whatever it is, I can take it. I promise."

Kinagat ko iyong ibaba ng labi ko. Huminga ako nang malalim. "Pagkatapos ng—"

"God! Do you seriously think I can focus on studying when half the time, I keep on wondering on what part did I seriously screw up that lead us both to this situation?"

Kalmado lang iyong boses niya... pero ramdam na ramdam ko iyong pagpipigil niya. Siguro kaya sinabi niya na rin kanina na umalis na ako. Pagod na siya sa akin. Pero kagaya ko, hindi niya kayang unang umalis.

Pareho lang kami.

Parang tanga.

Tumingin ako sa kanya.

Ganito na iyong reaksyon niya... paano pa kapag nalaman niya iyong sa amin ng tatay niya? Paano kapag nalaman niya na isa ako sa dahilan kung bakit nasasaktan iyong Mama niya? Paano kung malaman niya na dahil sa tatay niya kaya kami nagkita nung gabi na 'yon?

Kaya ba niyang tanggapin?

Kaya ba niyang mag-exam kahit na alam niya na 'yon?

Kaya bang dalhin ng konsensya ko kapag bumagsak siya dahil sa sasabihin ko?

Marahan akong umiling habang kinu-kuha iyong bag ko. Mahigpit ang hawak ko roon. "Hindi ako aalis," saad ko habang naka-tingin sa mga mata niya. "Hindi ako makikipaghiwalay. Wala kang ginawang kasalanan. 'Wag mong isipin 'yon."

"Then tell me," gigil na sabi niya.

"Pagkatapos—"

"What the fuck, Jersey!"

"Pagkatapos nga!"

"You're torturing me!"

Umiling ako. "Pagkatapos ng exam." Mabilis akong naglakad palabas, pero bago pa man ako maka-dalawang hakbang ay naramdaman ko iyong hawak niya sa kamay ko. Agad akong napa-hinto. Tangina. Ang tagal na nung huli niya akong hawakan. Na sa simpleng ganito lang, napapa-tigil agad ako.

"If it's not something I did, then it's something you did," mahinang sabi niya habang naka-hawak sa akin. "Whatever that is, if you feel so guilty about it that you've been ignoring me for months, you're forgiven, okay? I don't give a shit about what you did. I'm not a fucking saint, Jersey. I've done a lot of questionable shits. I'm not one to judge. Just... trust me. I won't judge. God, I love you," sabi niya habang pahina nang pahina iyong boses niya. Na para bang hirap na hirap na siya. "Jersey, I love you... I meant it when I said it... Whatever it is that you did, I'll still love you despite and in spite... You just have to put a little faith in me..."

"Niko—"

Bigla siyang bumitaw.

Gusto kong lumingon at tignan siya... pero bigla akong nakaramdam ng takot.

"Lock the door when you leave," mahina niyang sabi at pagkatapos ay narinig ko iyong yabag niya papalayo. 

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon