CHAPTER 3

13 2 0
                                    

S, D, C: Thy Warriors is a work of fiction. All incidents and dialogue, and all characters with the exception of some well-known historical figures, are products of the author's imagination and are not to be construed as real. Where real-life historical figures appear, the situations, incidents, and dialogues concerning those persons are entirely fictional and are not intended to depict actual events or to change the entirely fictional nature of the work. In all other respects, any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Dayanara's POV

"Sino ka at bakit hawak mo ang aking kampilan?"

*Lunok*

Yung walang emosyong boses nya lalo ang nagpapabilis ng pag kabog ng puso ko.

K-kampilan?

Gulat akong napatingin sa hawak kong espada.

*Lunok*

Mabilis ko yong binitawan.

"M-maniwala ka, nakita ko lang yan jan sa puno!" Kabado at mabilis na paliwanag ko habang nakataas ang dalawang kamay ko. Hindi to sumagot. Tanging dinig ko lang ay ang paghinga nito.

"Tayo."

Bahagya pa kong nagulat ng magsalita to.

Hindi ko na maiwasang hindi maluha dahil sa kaba.

*Lunok*

Dahan dahan akong tumayo habang pinapakiramdaman sya sa likuran ko.

"K-Kung pwede alisin mo na yung k-kutsilyo sa leeg ko. W-Wala naman dahilan para gawin mo yan e." pakiusap ko dito hanggang sa tuluyan ng makatayo.

Hindi to nagsalita.

Bigla ay dahan dahan nitong inalis ang kutsilyong nakatapat sa leeg ko, ramdam ko din ang bahagyang paglayo nito.

Agad akong napapikit at nakapagpakawala ng maginhawang paghinga.

"Pagpasenyahan mo ang aking kadahasan." biglang sabi nito. Agad akong napalingon dito.

Tumanbad sakin ang isang makisig na lalaki na may kahabaan ang buhok. Nakatapis lang to ng tela sa bewang habang mayrong kung anong telang pula na nakapalibot sa noo nito.

Parang biglang may hiyang namutawi sa katawan ko.

Agad akong napaiwas ng tingin.

Hindi ko alam na may nag-susuot pa pala ng ganong damit.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkuha nito ng tinatawag nyang kampilan at ang paglagay nya nito sa lalayan sa bewang nya.

"A-Aalis na--"

"Anong ginagawa ng isang katulad mong uripon dito sa kagubatan?" biglang sabi nito dahilan para hindi ko matuloy ang sinasabi ko. Napalingon ako dito.

"U-Uripon?" takang tanong ko.

"Hindi yon mahirap tukuyin base sa iyong kasuotan." turo nito sa kabuuan ko.

Agad akong napatingin sa katawan ko.

Fudge!

Muntikan na kong matumba dahil sa pagkagulat ng makita ang damit na suot suot ko.

Yung pang-itaas ko ay napalitan ng isang lumang damit na hanggang siko ang manggas habang nakatuck in to sa pang-ibaba ko na isang makulay na palda na lampas tuhod ang haba.

S, D, C: Thy Warriors (ONGOING)Where stories live. Discover now