Kabanata 1

5 0 0
                                    

Hindi ito storya na sobrang saya, hindi rin ito gaya ng mga nasa telebisyon, libro o tiktok na puro relationship goals. Ito'y kwento ko na gusto kong ibahagi sa inyo.

Highschool, sinasabi ng ilan na ito ang pinakasolid na parte ng kanilang buhay, mga nabuong pagkakaibigan na kahit sa pagtanda ay nadala, mga kagaguhan na dito nagsimula. Masaya, maingay at bukod sa lahat magulo. At ako ay sumasang-ayon dito.

Ako nga pala si Zeek Dominic Araziel. O mas sanay sa tawag na "Z". Normal lang ako na studyante na pumasok dito. Hinila nga lang ako ng barkada ko nung elementary na kumuha ng entrance exam dito pero sa kasamaang palad di siya nakapasa at doon na rin natapos pagkakaibigan namin. Di na ako pinansin. Hahaha. At yun na nga, nakapasok ako sa Special Science Class ng di'ko namamalayan. Actually, wala akong balak pumasok dito. Siguro tadhana? Hahaha. Minsan talaga magpapaniwala ka na lang sa mga ganito eh. Di sa pagmamayabang pero grumaduate akong Valedictorian ng klase namin noong elementary kaya siguro napadali ang proseso ng pag-apply ko dito kahit biglang sabit lang ako.

1st year highschool kapaan ng mga tropa. Bilang mag-isa lang ako na galing sa school namin noon, wala talaga akong kakilala. Ang naalala ko lang na tao ay yung lalaking nagtanong sakin kung ano ang sagot ko sa isang numero noong entrance exam pero diko rin nasagot kasi diko rin alam. Hahaha. Normal na 1st year highshool. Naging solid ang samahan dahil sigurado alam namin na kami-kami ang magkakasama sa simula hanggang huli. Di uso ang palitan ng section kapag nasa Special class ka sa kadahilanang  may maintaining grade ka at may mga elective subjects na wala sa regular na section ng highschool.

Special Science Class o SSC, section ng mga matatalino. Nag-exam ng dalawang beses para makapasok. May maintaining grade at nerd ng buong school. Pero di ako nerd. Diko talaga alam paano ako nakapasok dito. Hahaha.
Special Program in the Arts o SPA, dito naman pasok mga studyanteng may mga talento at mahilig sa arts. Ang pinagkaiba kung kami entrance exams sila audition. May maintaining grade pero di kasing taas gaya ng sa amin.

O'diba competitive. Hahaha. Pero may rivalry talaga ang dalawang section na yan. Di namin alam kung saan o kailan nagsimula, minana nga lang ata namin sa mga nauna sa amin eh. Ang bilin kasi kahit di manalo basta wag magpatalo sa mga taga SPA. Hahaha. Petty pero isa sa mga drive namin yan noon bakit gusto namin makicompete.

Ang structure naman ng school namin nakaseparate kaming mga taga SSC sa main campus ng school. May sarili kaming canteen, sariling gate palabas at papasok, sariling laboratory at sariling CR na sobrang bango. Hahaha. May daanan na lang na ruta papunta sa main pero kadalasang nakabantay yung guard at kelangan may valid reason ka kapag dumaan doon. Tsaka lang kami nakakapasok ng main campus kapag flag ceremony ng lunes na kung saan madalang lang akong maka-attend dahil late ako palagi at wala namang dagdag sa grade ang palaging maaga sa flag ceremony pero ang kapalit naman ay ang laman ng aking wallet, ang condom, de'joke, pera. Hahaha. At yung isa pang pagkakataon ay kapag may mga program dahil parang ang weird naman kung di kami imbitado eh iisang school lang naman kami.

Normal akong uri ng studyante palabiro, maingay, medyo gago pero chill sa acads. Sabi ko naman sa inyo, yung talino naiwan sa elementary. Competitive akong klase ng tao pero pinipili ko lang kung saan alam kong may laban ako. Hahaha.

2nd year highschool, may event sa school. Syempre pasok kaming mga taga ibang planeta sa main campus. Uso pa mga pageant noon. Nga pala kami ang huling batch ng dating curriculum. Bilang kami ay di naman laging nakakapasok dito ay lagi kaming gumagala muna at di dumidiretso sa aming school gym, doon kasi palagi ang mga programs dahil doon lang naman may stage. Hahaha. Kasama ko ngayon ang mga tropa ko sina Ron Lewy Digno — yung nagtanong ng sagot sakin nung last na screening noong entrance exam. Kit Dy — literal na nerd ng barkada. Dwight Reyes — matinik sa taga ibang section famous sa grupo at Daenielle Shey Rimando — ang only thorn sa aming mga roses. Hahaha. Pero babae talaga yan. Kaya kami naging magbabarkada dahil sa aming apat, wala sa amin ang mahilig sa sports. Hahaha. Bukod sa aming dalawa ni Dwight na sumasayaw, di na gumagalaw yung tatlo.

Katatapos lang namin kumain at bumili na lang kami ng inumin bago pumasok sa Gym para makanood kung ano man ang maabutan namin sa loob.

"Pre, kelangan pa ba natin pumasok jan ngayon?" Tanong ni Ron na mukhang nag-aalangan.

"May attendance ba?" Pagsunod naman ni Dwight.

"Meron daw sabi ni Pres." Sagot ni Kit.

"No choice naman pala tayo e. Hahaha." Tugon ni Shey.

Pumasok na lang ako agad dahil no choice naman talaga kami. Actually may choice pero ayaw namin magbayad na naman. Ubos na nga sa Flag ceremony eh. Di naman kami milyonaryo na magtrotropa.

Ngayon pala yung meeting de agenda ng mga tumatakbo sa Student Body Organization. At syempre wala pang limang minuto na nakaupo sa salumpuwet ay inaantok na ako. Kakatapos kumain eh tapos biglang di gagalaw. Comatose na'ko neto mamaya. Hahaha.

"Pst. Asan na attendance?" Tanong ko sa Pres namin.

"Mamaya pa daw sabi ni Mam. Pagkatapos ng Program." Sagot niya.

"Nako po. Tsk. Tsk." Pag-iling ni Ron

Alam kong alam niya na bored na'ko at inaantok kapag ganitong mga pangyayari.

"Sandal ka muna sakin boi." Alok ni Shey sa akin.
"Here oh." Sabay tapik ng balikat niya.

Hindi na ako sumagot at sumanal na lang habang yung patulog na mata ko ay nakatitig sa blankong stage. May mga naghahanda ata para sumayaw. Sigurado mga taga SPA itong mga to. Basta may mga ganito sila ang inuutusan kopag boring parts ng program.

Inaantok pa rin akong nakatitig sa stage habang sumasayaw yung mga taga kabilang section nang biglang mahagip ng mata ko itong babaeng nasa kaliwang banda ng stage, magaling siyang sumayaw.

"Lakas ng pitik Tol oh." Sambit ko.

"Ng puso mo? Hahahaha." Sagot naman ni Dwight.

"Gago. Yung galaw niya tol." Bigla kong sagot sa kanya.

"Biglang ayos ka ng upo, tulo pa laway mo." Sabay kunwaring punas sa bandang baba ko.

"Nanunuod lang ako eh." At pagtapik sa kamay niyang parating.

Pero maganda talaga siya. Yung galaw niya ang lakas. Iba rin talaga mga taga-SPA kapag performance. Makikita talagang may ensayo.
Natapos yung Meeting de Agenda sakto sa uwian. Habang pabalik kami sa planeta namin. Di mawala sa isip ko yung babaeng yun. Unang beses ko makakita ng ganun yung galawan na babae.

"Tols. Kilala niyo yun kanina?" Biglang kong tanong habang naglalakad kami.

"Sino?" Nagtatakang tanong pabalik ni Ron.

"Yung sumayaw kanina na babae sa bandang kaliwa. Yung mahaba yung buhok." Paglalarawan ko.

"Diko napansin. Nagsosolve ako kanina sa Trigo." Sagot ni Kit.

"Potek Kit! Next week pa ang quiz. Hahahaha." Umiiling na pagsabat ni Shey.

Nakarating na kami sa classroom namin na walang pinatunguhan ang usapan.

Last DanceWhere stories live. Discover now