KABANATA 3

212 23 21
                                    

"WELCOME back, apo!"

Masigabo ang pagsalubong kay Olivia ng kanyang Lolo Rodrigo. Masaya siyang lumapit rito at saka binigyan ng mahigpit na yakap ang isat-isa. Bahagya siyang dumistansya upang haplusin ang mukha nitong malaki na ang itinanda. Pinagmasdan niya ang anyo nito, nakaramdam siya ng lungkot at konsensya.

Nabawasan din ang timbang nito. Sa ilalim na suot nitong silky robe ay tanaw niya ang buto ng matanda sa ibabang parte ng leeg.

She felt like she abandoned her grandfather. Inuna niya ang pagpunta sa Espanya kaysa alagaan ang matanda.

"I miss you, Lolo," malambing niyang turan at saka ngumiti ng matamis.

"I'm glad that you finally visited us here. Akala ko'y nakalimutan mo na kami." May pagtatampong saad nito.
Naka-salamin ito upang itago ang pagkabulag ng mga mata.

"Of course not, Lolo. May importante lang akong ginawa kaya ngayon lang ako dumalaw dito sa mansiyon." Senenyasan niya ang personal nurse na siya na ang magtutulak ng wheelchair. Tumabi ang nurse at siya ang pumalit. Mahina niyang tinulak ang wheelchair palabas ng hardin. Katulad ng dati, ganito ang kanilang matatawag na bonding.

Ililibot niya ito sa gazeebo para pahanginan at paarawan.

"Nadalaw mo na ba ang mga magulang mo, apo?" Kapagkuwan ay tanong ng kanyang Lolo. Ang kinikilala niyang pamilya ang tinutukoy nito.

"Hindi pa, Lo. But don't worry, one of this day, bibisitahin ko sila. Sadyang hindi ko lang maisingit sa dami ng kailangan ko'ng gawin." Pagdadahilan niya.

Nasa isang subdivision na nakatira ang kinilala niyang pamilya. Binilhan niya ng bahay at binigyan ng maganda trabaho ang kapatid na si Brando sa kanyang minanang kompanya.

Dadalawin niya ang mga ito sa mga susunod na araw. Sa ngayon ay may kailangan lamang siyang tapusin.
Tumigil sila sa maliit na man-made fish pond at doon ay pinanood niya ang imported na mga isdang lumalangoy.

Nakakaliw pagmasdan ang ibat-ibang reptiles doon. Binibigyang larawan niya ang nakikita para sa kanyang Lolo nang magtanong ito tungkol sa bagay na pinakaiiwasan niya.

"Mabuti naman kung gano'n. Pero kailan mo ba balak pamunuan ang kompanya, apo? Matanda na ako at malapit ng mamatay. Binigyan na kita ng sapat na panahon para pagalingin ang iyong sarili mula sa lalaking-"

"Lolo, huwag kayong magsalita ng ganyan," dagli niyang putol bago pa man banggitin ng kanyang Lolo ang pangalan ng lalaking kinasusuklaman niya. "Mabubuhay pa kayo ng matagal. Sinisigurado ko 'yan sayo. And about the company, just give me two weeks to prepare myself, para palitan kayo sa posisyon ninyo. Isa pa ay kailangan ko'ng pagaralan ang mga papeles at status ng kompanya bago ako sumabak sa pagiging CEO." Hinaplos niya ang balikat nito tanda ng assurance.

"Okay, atleast e, kampante na akong willing mo'ng pamunuan ang kompanyang pinamana sayo ng mga magulang mo. Maiba nga ako, kumusta na ang naging buhay mo sa Espanya? May nakilala ka ba'ng lalaki na magpapatibok ng puso mo? Umiibig ka ba muli?" Pag-iibang paksa nito.

"Lo, wala sa isip ko 'yan. My priority for now is the company and you." And of course, isa sa pinaka-objective niya ay ang pakainin ng alikabok ang lalaking nanakit sa kanya.

Paghihiganti, ang layuning dapat niyang isakatuparan.

At sa sinasabi naman ng kanyang abuelo tungkol sa pag-ibig, wala iyon sa listahan niya. Ang pag-ibig ay para sa mga mahihina. Itinataas ka sa umpisa pero ilulubog ka rin oras na tumigil na ang taong nagbibigay sayo nito. Magaling lamang sa una ngunit sa huli, iiwan ka ring nagdudusa.

Nawalan na siya ng gana sa panonood ng mga isda kaya nag-decide siyang pagpahingain na ang kanyang Lolo dahil nagbabadya na ang kalangitan sa pagulan.

Bago iniwan ay pinatulog niya muna ang kanyang abuelo sa silid nito. Pabalik siya sa kanyang dating silid nang makasalubong ang pinsang si Kenneth.

Natigilan ito nang makita siya pero agad ding ngumiti nang makabawi. "How are you, Olivia. It's been so long. Na-miss ka namin, couz." Hinagkan siya nito sa pisngi. "Nakauwi ka na pala. Bakit hindi nabanggit ni Lolo?"

Nagkibit balikat siya. "Matanda na ang Lolo, baka nakalimutan lang. By the way, galing ka sa kompanya?" tanong niya dahil nakasuot pa ito ng suit at may tangan na attache case. Balita niya ay dito ibinigay ng kanyang Lolo ang posisyon bilang CFO ng kanyang kompanya. Wala naman siyang tutol roon dahil magaling naman ito.

"Oh yeah, umuwi lang ako para magpalit. May gaganapin kasing party celebration ngayong gabi ang team ng marketing dahil mataas ang sales nila. You wanna join?" Alok nito kapagkuwan.

"No, hindi na. Hindi naman ako invited at isa pa, baka mailang lang sila," tanggi niya. She's not interested tho.

"But it's your chance to meet them. Isa pa'y, magiging amo ka nila," anito.

"Next time na lang. May gagawin pa kasi ako." Lalagpasan na niya sana ito nang muli nanaman itong magtanong.

"Nga pala Olivia, may balita ka pa ba sa ex-fiancee mo?" Ungkat nito na parang normal lamang na itanong iyon sa babaeng iniwan sa araw ng kasal.

Minsan itong pinsan niya, hindi niya alam kung nananadya ba o insensitive lang talaga.

Kumunot ang noo niya, kasama sa drama niya. "Bakit?"

"Ibig sabihin wala ka'ng idea kung ano ang kinakaharap niyang problema ngayon?" patuloy nito.

Nagpanggap siyang walang alam. "I'm not interested with his life anymore. He can do whatever he wants, for all I care." Pinaikot niya ang mata sa ere for convincing purposes.

Matunog na umiling ito na tila naaawa sa lagay ng lalaking pinaguusapan nila. "Kawawang Gaurish Del Fredo, may scandal na kumakalat sa internet, tabloid at kung saan saan pa. Kapag nagtuloy tuloy ito, siguradong maaapektuhan ang kompanya niya. At pabor iyon sa'yo, Olivia. Pabor para sa kompanya. Alam mo namang, isa silang malaking tinik sa lahat ng mga business tycoon ngayon. Anong masasabi mo roon?"

"Well, it's good for us and serves him right," ngisi niya at saka nilagpasan na ang pinsan niya.

Deretso pasok siya sa kanyang kwarto at sabay bukas ng laptop. Unti-unting lumapad ang ngisi niya nang makitang kumalat na nga ang hubad nitong katawan kasama ang isang babaeng wala ring saplot sa internet.
Pinagpipiyestehan ngayon ng media ang eskandalo nito. Eskandalong siya mismo ang may gawa.

Ano kayang mararamdaman ni Sol kapag nakita ng babae ang mga litrato ni Gaurish na may kasamang ibang babae sa hotel? Nakikinita na niya ang maaaring mangyari. Siguradong mag-aaway ang dalawa at higit pa roon, masisira ang magandang imahe ng lalaki sa lipunan.

Tinawagan niya si Zaul para purihin ang maayos na ginawa nito, kaagad namang sinagot ng tauhan niya.

"Magaling Zaul, tagumpay ang plano."

The Heiress Vengeance Book 2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon