Natawa lang ako at napailing saka ko binago ang ekspresyon ng aking mukha. "Kinausap niya ako sa panaginip ko. Sinabi niya na hihintayin niya ako. Gusto rin daw niya akong makita ulit at nangako siya sa akin," nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Si Blythe?" tanong niya. Tumango naman ako. "Ano ang sinabi sa 'yo?" muli niyang tanong.

"Secret," sagot ko. "No clue."

"Get out of my car."

"Ano'ng mayro'n?" kamot-ulong tanong ni Allestair na siguradong nagising dahil sa pag-uusap namin ni Jiovanni.

"Kita mo na? Nagising na si Allestair dahil sa kaingayan mo," paninisi ni Jiovanni sa akin.

Napasandal ako at unti-unting napahiga sa passenger seat sa sobrang saya at tuwa dahil sa sinabi ni Blythe sa akin.

"Kilig na kilig?" naaasar na sabi ni Jiovanni habang nagmamaneho. Tumalikod na lang ako sa kaniya para maitago ang namumula kong mukha. "Hay... Pag-ibig nga naman, oo."

Ano ba ang dapat kong gawin kapag may mala-anghel na boses na bumulong sa akin? I can't afford to keep a straight face right after the girl I was looking for whispered into my ears. Bihira lang naman akong kiligin, pipigilin ko pa ba ang sarili ko na sumaya? Ang cute kasi ng tinig niya. Hindi ko maialis sa isip ko ang boses niya, na kung kaya ko lang, baka ginawa ko nang ringtone. Hindi ako magsasawang pakinggan ang boses niya. Boses pa lang niya ay parang nanghihina na ako, paano pa kaya kapag nakita ko na siya sa personal? Ano kaya ang mangyayari sa akin? Magpa-palpitate? 'Wag kang tanga, Kielvinson. Don't act like you were born yesterday. Dapat lapitan mo siya nang maayos at dahan-dahan-slowly but surely. Kailangang maramdaman naming dalawa ang natural connection na kami lang ang makaka-feel. Nevermind. Saka na lang 'yan, baka hindi na ako makatulog kaiisip sa kaniya. May misyon pa kami sa Ilocos Sur. On the way pa lang kami at hindi pa kami nagsisimula. Dapat focused lang. Focus, focus, focus, Kielvinson. Stay focused.

"Allestair, tingnan mo 'tong si Kielvinson, kinakausap na naman ang sarili," narinig kong sabi ni Jiovanni. Hindi naman ako nagpatinag at nanatiling nakatalikod sa kaniya.

"Ano, saan?" naguguluhang tanong ni Allestair sa kaniya.

"Lutang na lutang, ah? Masarap ba ang tulog natin diyan?" balik ni Jiovanni sa kaniya. "Snack!" biglang sigaw niya nang matanaw ang snack house na madaraanan namin.

"Shit, naiihi ako!" reklamo ni Allestair habang nakahawak sa kaniyang alaga.

"Lalabas na ba?" panti-trip ni Jiovanni habang binabagalan ang takbo ng sasakyan.

"Oo, loko ka ba?! Maiihi na ako ako sa brief ko, i-park mo na! Itabi mo na, bilis!" pagmamadali ni Allestair habang nakakatawang nagpipigil ng ihi. "Iihian ko 'tong kotse mo!" dagdag niya nang mas lalong binagalan ni Jiovanni ang pagpapatakbo ng sasakyan na halos usad pagong na.

"Kay Tita kaya 'to, hindi sa akin," tugon ni Jiovanni.

Pagkatapos marinig iyon, bigla nang bumaba si Allestair saka nagmadaling tumakbo papunta sa CR habang kumakaway kay Jiovanni.

"Tara na. Huwag ka nang mag-ayos diyan, wala rin namang lalapit sa 'yo ro'n para magpa-picture." Kinatok niya ang tuktok ng kotse.

Malay mo, makasalubong ko siya, 'di ba? Binilisan ko ang paglakad papunta sa mga food stall para maka-order na. Baka pang-sampung tao na naman order-in ni Jiovanni, malalagot na naman ang wallet ko nito.

"Apat na burger?" tanong ni Jiovanni nang matanaw na palapit na ako.

"Huh? Tatatlo lang tayo, bakit apat?"

Nakakautong ngiti naman ang isinagot niya sa akin kaya tumango na lang ako. Nakalimutan ko na hindi nga pala siya kumakain ng burger kapag iisa lang-palaging dalawa. Sa tagal ko na siyang kasama, kabisado ko na ang bibig niya. Nakalunok yata ng bodega, hindi nabubusog, hindi rin tumataba.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now