19

63 4 7
                                    



"Come in, come in."


Sinalubong kami ng mommy nila Lana. Nakasuot siya ng dress na gold at may coat siya na makapal na white fur.


"Iha, congratulations!" Bati niya sa akin. Nakipag-beso beso pa siya. "I am so proud of you. I remember that Lana keeps on telling me about you and look, your Magna. I am sure your parents are so proud. Are they coming? I wanna meet them."


Ngumiti at tumingin ako kay Kuya, "They can't come, Tita. They have a business trip in Europe. Soon po, makikilala niyo rin sila." Sabi ni Kuya.


"Oh, okay." Ngumiti muli sa akin si Tita. "Do you have a boyfriend? I have pamangkin na doctor from Harvard and he is coming. I want you to meet him. I am sure--"


Bigla akong inakbayan ni Kuya Lucas, "Mom, don't harras her. Si Lana ang hanapan mo ng jowa para makaalis na dito sa bahay." Natatawang sabi nito.


Kumunot noo si Tita sa kanya, "No way. Your sister will stay her kahit na ikasal na siya. Pati ikaw."


"Of course, basta may allowance ako." Sagot pa ni Kuya bago niya ako niyaya papasok.


"Don't mind that lady. She's Lana's mom." Nakangising sabi niya.


"And your mom," Dugtong ko. Tumawa lang naman siya at naupo na kami.





"Hi everyone!" Bati ni Lana mula sa maliit na stage. "As you all know, the reason why we have this celebration because I am finally a degree holder. Yey!"


Napangisi si Kuya Lucas, "Arte! Ibalik kita sa tiyan ni mommy, eh!" Natatawang sabi ni Kuya.


"Lucas." Pinandilatan ni Ate Laura si Kuya. Tumahimik naman kaagad si Kuya.


Naalala ko tuloy yung sinabi noon ni Ate Lau about sa kanila ni Kuya. Buti nalang at binigyan pa ng chance ni Ate si Kuya kasi kitang-kita naman na nagbago na si Kuya. And I hope hindi na maulit na magsinungaling si Kuya Lucas. 


Umirap si Lana kay Kuya Lucas bago ito nagpatuloy, "So yeah, and also isa pa sa rason kung bakit nandito tayo it's because of my best friend. Magna Cum Laude lang naman siya! She's so talino, 'di ba? Congrats, sis!"


Natawa nalang kami. 


Kahit kelan hindi na magbabago si Lana sa kaartehan niya. Pero okay lang din. That's her identity and it makes her unique.


 "The buffet is now serving. You can take it anything out if you want and please, wala na magsisita sa akin that I am drinking, because graduate na ako, okay?" Sabi pa ni Lana bago nagpuntahan yung mga ibang bisita sa buffet area.


"Tara! Nakita ko may lechon." Sabi ni Ate Vanessa, hinatak niya si Kuya Julian.


The Hymn of Heart Beat (JERK SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon