6

59 5 6
                                    


I R I S H


"Good morning! Gising na! Aba! May trabaho pa!"


"Kuya!" Mabilis 'kong itinalakbong sa mukha ko yung kumot pero mabilis itong hinatak ni kuya. Nanlamig tuloy ako dahil ang aga-aga tapos nakabukas pa yung aircon. Alam ko kanina pa siya nagtatawag sa akin sa labas ng kwarto ko pero hindi ko pinapansin. Paano ba antok na antok pa ako.


"Sabado kaya ngayon!" Hirit ko pa habang nakapatong yung unan sa mukha ko.


"Oh bakit? Magbigay ka ng flyers sa Ramen House." Sabi ni kuya na mas kinainis ko.


"Flyers na naman!" Dumapa ako sa kama at itinakip sa tenga ko yung mga unan. Pilit na inagaw naman ni kuya. Hinatak pa niya yung paa ko hanggang sa mahulog ako sa kama.


Walang tigil ako sa kakahikab ng pumasok ako sa c.r. Nakatulala pa akong umupo sa trono. Pinatong ko yung siko ko sa legs ko at pinatong ko naman yung baba ko sa kamay ko. Nakalimang minuto na yata ako ng marealized ko na nakatulog pala ako ulit. 



"Kumain ka na at kailangan mo samahan si Z sa Ramen House." Sabi ni kuya nang makababa ako sa kusina. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula na akong kumain.


"Pupuntahan ko si Tanner at baka doon ako hanggang bukas. Tutulungan namin siya ni Nico sa pag-aalaga kay baby Stella. Gusto mo ba doon matulog mamayang gabi?" Sabi ni Kuya.


"Bakit hindi nalang ako mag-alaga kay Stella? Tapos ikaw magbigay ng flyers?" Ngumiti ako kay kuya. Akala ko makakalusot ako pero hindi. Hindi siya pumayag. Magbigay parin daw ako ng flyers.





"Z, ikaw na bahala kay Irish ha? Siguraduhin mo na magbibigay ng flyers 'yan!" Paalala pa ni kuya nung makababa na ako sa tapat ng Ramen House. Tumango naman si Kuya Z at inakbayan ako.


Nung makaalis si Kuya Julian, kaagad ako humarap kay Kuya Z, "Hindi ako magbibigay 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Ikaw mag se-serve kay Mr. G?" Tanong ni Kuya Z.


Mas okay na makipag tarayan ako kay Mr. G kesa magbigay ako ng flyers na hindi naman tinatanggap.


Tumango ako. "Sure. Deal?"


Nag-isip ng bahagya si Kuya Z sabay ngiti. "Wag na. Mag flyers ka nalang." Sabi niya tapos pumasok na siya sa loob. Kainis!




Mga nasa sampung customer lang kami maghapon. Hindi pa sabay-sabay 'iyun kaya talagang mahina ang benta ngayon. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi masyado okay yung business namin. Marami pa naman turista ngayon kasi weekend pero bakit ganoon pa rin.

The Hymn of Heart Beat (JERK SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon