3

79 4 12
                                    


I R I S H


"Kuya, alis na ako."


Hinarang bigla ni kuya yung paa niya. Nakakunot noo siya sa akin habang nakaupo sa may salas. Tinaasan ko siya ng kilay. Napatayo siya at humarap sa akin.


"Sino yung lalaki kagabi?"


Napakunot noo ako, "Sino?"


"Yung nanlibre sa lahat ng kumain sa Ramen House kagabi. Sino 'yun?"


Napabuga ako ng hangin sa kaunting bangs ko, "Si drum stick---I mean, si Paul. Mga kabanda niya yung kasama niya kagabi."


"Saan mo nakilala?"


"Sa school."


"Sa school?" Napakunot noo si kuya. "Ibig sabihin pwede kayo magkita araw-araw?! Anong apilyedo 'nun ipapa-trace ko kay Lucas."


"Kuya!" Sumimangot ako. "Bakit mo pa ipapa-trace? Wala naman masamang ginawa yung tao. Ang dami nga nating customer dahil sa kanya."


"Kahit na!" Sabi niya. "Anong course ba 'nun? Saan nakatira? May mga kapatid ba siya? Magulang? Bakit nagba-banda siya? Sa club ba? May mga babae ba doon?---"


"Stop!" Pagpigil ko kay kuya. Sumimangot ako at naglakad na paalis ng bahay. Narinig ko pa na tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon.


Makikisabay sana ako sa kanya kaso wag na. Mag je-jeep nalang ako.


Sa Burnham Park yung pilahan ng jeep papunta sa university. Buti at maaga ako wala pa masyadong pila. Pag rush hour kasi talagang parang bituka yung pila dito.


Humihikab pa ako habang nag-aabang ng jeep nang may kumalabit sa likod ko. Pagharap ko si drum stick---Paul pala. Nakangiti siya sa akin habang kumakain ng sandwich na binibili sa convenient store. At hawak naman niya sa kabilang kamay yung drum stick niya. Parang tatakas naman 'yung stick niya.


"Good morning!" Bati niya sa akin.


Bahagya akong ngumiti, "Good morning." Sabi ko tapos tumalikod na ako ulit sa kanya pero kinalabit niya ulit ako. "Bakit?"

The Hymn of Heart Beat (JERK SERIES 2)Where stories live. Discover now