18

62 5 5
                                    


I R I S H


4 YEARS LATER



"STELLA!!"


Hawak ko ang sandok habang tumatakbo sa corridor ng condo ni Kuya Tanner. Tumakas na naman si Stella. Porket alam na niya kung paano buksan yung pintuan. Sinabi ko na kasi kay Kuya na lagyan na ng lock sa taas para hindi na naabot ni Stella pero masyadong busy sa trabaho.


Ang liliit ng takbo ni Stella habang nahuhulog pa yung diaper niya, kaya kaagad ko siyang nahabulan sa may tapat ng elevator. Alam na kasi niya kung saan hihintayin si daddy niya.


"Ikaw talaga." Kinarga ko siya at naramdaman ko na punong puno na yung diaper niya. "Tignan mo punong puno na yung diaper mo, tapos tatakas ka pa."


"Play po," She said using her cute voice. Pwede niya akong madala sa pa-cute niya sa susunod na mga araw pero hindi ngayon. Not today.


"Hindi pwede. Kakain ka na at maliligo." Nagpumiglas siya at nagpumilit na bumaba. "Stella, graduation ko ngayon, hindi ako pwedeng malate!" Naiinis na sabi ko.


Tumingala lang siya sa akin at ngumiti, "Daddy?"


"Wala si daddy mo," Kinarga ko ulit siya at dahil puno na yung diaper niya, tumagos na ito at naramdaman ko yung pagbasa ng shirt ko. "Stella, alam mo, wala pa akong asawa at anak pero parang magme-menopause na ako." Naiiyak 'kong sabi.


Tumawa lang siya sa akin at hinawakan ang mukha ko, "Love you, ate Rish." Sabi niya. 


Kaagad naman akong napangiti, "Kung hindi ka lang anak ni Kuya Tan, inuwi na kita sa amin." Sabi ko. Maglalakad na sana kami pabalik nang biglang magbukas ang elevator. Sakto na sila Kuya Tan, Ate Lau at Kuya Julian ang nandoon.


"Kuya Tan! Nakaligo na ako, eh. tumagos yung diaper ni Stella." Reklamo ko.


Kaagad na kinuha ni Kuya Tan si Stella sa akin, "Pasensya na. Ako na bahala sa kanya. Mag-ayos ka na."


Inakbayan ako ni Ate Lau at kaagad kaming bumalik sa loob. 


Today is my graduation day. And first thing I did early in the morning is changing Stella's diapers. What a great graduation gift, right? Parang ako yung nanay. Parang ako yung nagluwal sa kanya.


Paano ba naman kasi, si Kuya Tan night shift siya kaya ngayon lang siya dumating. Si Ate Lau naman galing pa sa Laguna para sa client niya para sa new business niyang Make-Up Glam. Si Kuya Julian naman nagbantay sa Ramen House kasi may sakit si Kuya Z. For sure, napuyat siya kaya late na rin nakarating.


For the last four years, halos dito na ako sa condo ni Kuya Tan nakatira. Nandito na mga libro at mga damit ko. Dahil ako nag-aalaga kay Stella sa umaga. Minsan sinasama ko siya sa university at okay lang naman dahil mababait yung mga professors ko. Minsan lang napagkakamalan na anak ko siya pero who cares? Anak namin 'to lahat.

The Hymn of Heart Beat (JERK SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon