"Hello. I'm Suzy, pero wag mo na ko tawagin Unnie. Kahit Suzy na lang" sabi niya sakin at tumango naman ako. Sinong Suzy? Ah baka non celeb. sabi ko sa isip ko at umupo na dahil ang sarap sarap ng kinakain kong hotpot, nabibitin lang dito kay Hyeri at sa kaibigan niya. Hays



Pagkaupo ay bumalik ako sa pagkain ko at busy sila magbulungan at magtawanan. Umorder naman ako ng panibagong set dahil ubos na agad samin ni Hyeri yung inorder namin kanina. Nakita ko na nag start na siya damputin yung chopstick niya at natawa ako, siguro dahil sa sobrang busy nila magusap ay di niya napansin na naka facemask at beanie cap pa rin siya.


"Unnie, pano ka kakain kung naka facemask at cap ka pa" sabi ko sakanya ng natatawa at sinamaan naman ako ng tingin ni Hyeri. Napansin ko naman na late niya na narealize na naka ganun pa rin siya at tinanggal niya na yung face mask niya. Pero nang tanggalin niya yun ay nagulat ako at halos mabitawan ko yung chopstick ko.....


"S-suzy? Suzy Bae? Bae Suzy?" sabi ko sa sarili ko. Grabeeee ang ganda niya sa malapitan :( Lord, last day ko na ba ngayon? Bat ang daming masarap na pagkain sa harap ko... este masarap na food at may anghel pang kasama. Nakita ko naman na natawa siya at grabeeee! panalo yung tibok ng puso ko ngayon. Narinig niya ba ko? OMG!


"Yes po. Bae Suzy, at your service." sabi niya ng natatawa at tumayo pa talaga siya at nag bow para sabihin yun. Nakita ko naman yung kaibigan ko na tatawa tawa! sabi na nga ba! trap na naman to!! sabi ko kasi sakanya crush ko si Suzy dahil ang gaganda ng mga drama niya. Hay nako!! Bugaw!!



"Pasensya ka na diyan ha? Crush ka kasi niyan eh" biglang sabi nito dahilan para batuhin ko siya. Nakita ko naman na tumatawa lang samin si Suzy habang nagaway kami ni Hyeri. Hays! May isa pa siyang sinabi pero hindi ko na nagets. Haha! Masyado kasi akong natulala sa ganda niya. Grabeee iba talaga ang feels kapag personal mo nakita no? Ganito rin siguro feels ng mga fans ko sakin pag nakikita nila ko.


Mabuti na lang talaga at dumating na yung pangalawang order namin at nagsimula na silang kumain na dalawa. Ako heto, pinipilit kumalma. Nahihiya kasi ako. Ngayon lang kami kakain ng may ibang kasabay, tas sikat na artista pa. Napaka swerte nila Lee Min Ho at Lee Dong Wook talaga. Minsan pinangarap ko na maging isang Lee na lang din. Kaso naalala ko, si RoseAnne Park nga pala ako.



"Okay naman ako Hyeri. Sanay na ko. Pareparehas lang naman sila" rinig kong sagot niya dahilan para mapatitig naman ako sakanya. Kita mo yung lungkot sa mga mata niya ngayon. Bakit? Hindi ba siya masaya? sabi ko sa isip ko at napansin ko na napatingin rin siya sakin pero hindi naman tumagal dahil umiwas rin siya. Kaya bumalik na lang ako ulit sa pagkain ko.



"Ikaw Chaeng? Kamusta naman ang blackpink?" bigla niyang tanong sakin. Dahil dun ay nalunok ko naman tuloy yung hipon ng buo. Hays! Napaka random naman pala ng babaeng to! Pag eto naging girlfriend ko sasabihin ko, wag niya ko kakausapin pag busy ako kumain. Char!


"Okay naman Unnie"



"Suzy"


nagulat ako ng sabihin niya yun. talagang ayaw niya patawag ng Unnie ha?


"Okay naman Suzy. Maayos naman, nakakapagod lang nga." sabi ko sakanya at nag nod naman siya. Nakita ko naman na nakangiti lang si Hyeri na nanonood samin. Mamaya talaga paguwi malalagot sakin tong babaeng to. Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa pagkatapos ay nagaaway pa sila kung sino ang magbabayad dahil parehas nila gusto magbayad. Sa inis ko ay tumayo na lang ako at dumiretso sa cashier para ako na ang magbabayad.



Nakita ko naman na ngumiti ng kakaiba yung bestfriend ko. Habang si Suzy ay wala lang, hindi pa rin siya tumitingin sakin ng matagal. Pagkatapos kong magbayad ay nagpaalam na kami at nagpunta na sa sasakyan.


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now