HILING SA BOTE

296 13 1
                                    

HILING SA BOTE
Isinulat ni Alex Asc
992 words

Galit na galit ang Senyora dahil sa pagkakawala ng mga alahas nito na susuotin sana niya sa isang okasyon.

Tinipon ng Senyora ang lahat ng nagtatrabaho sa loob ng Mansion. Mga katulong, guwardya at drivers. Maliban lamang kay Derek dahil kasalukuyang wala sa mansion.

Pilit pinapaamin ng Senyora ang lahat pero kani-kaniya sila ng tanggi.

"Madonna! Nasaan ang iyong anak?!" Agad namang napakapkap sa bulsa ang katulong.

"Hindi ko po alam, pero tatawagan ko po siya..." Mabilis niyang pinindot ang call button. Paulit-ulit na pinapatay ni Derek ang tawag, hanggang sa e-text-messages na lamang ni Madonna. Subalit wala pa ring reply.

Takot na takot si Madonna dahil alam niya kung gaano kalupit ang amo. Tinulungan niya ang anak sa kahilingan nitong makapagtrabaho bilang driver sa Mansion dahil sa pagnanais ng huli. Nangako si Derek na hindi niya dadalhin ang kawalang-hiyaan sa Mansion pero heto't nagnakaw ng maraming alahas.

"Madonna! Bibigyan kita ng 24 hours upang ipabalik sa anak mo ang aking mga alahas, kapag hindi ay makakatikim siya sa akin!" Saka umalis ang Senyora.

Kinagabihan ay bigong maibalik ang alahas kaya't ilang kalalakihan ang inutusan ng malupit na Amo ang siyang dadakip kay Derek.

Tinawagan ang Senyora at tumungo naman sa hide-out ng mga tauhan niya. Naabutan ng babae si Derek na kasalukuyang binubugbug ng mga armadong kalalakihan.

Nilapitan niya iyon. "Ma'm, pakawalan niyo na po ako. Naibalik ko naman ang alahas mo!" medyo galit ang tinig ni Derek. Iniabot naman ng mga tauhan ang alahas sa Senyora.

"Alam mo bang hindi ko palalagpasin ang ginawa mo!" Lumapit ang tauhang may hawak na malaking martilyo.

"Anong gagawin niyo?!" Ubod ng lakas na paghampas sa kamay ang nagpasigaw kay Derek. Inulit-ulit pa ng lalaki iyon. Hanggang sa magkapisak-pisak ang mga daliri nito.

Itinapon nila sa basurahan si Derek. Luhaang humandusay roon. Gumagapang na dahil hindi na kinakaya ang pagtayo.

Sa gitna ng kaniyang paggapang ay may nadinig siyang nagsalita.

"Yahoo, kaibigan!" tawag ng tinig na wari nasa loob ng salamin. Hindi pinansin ni Derek iyon ngunit naulit nang naulit ang pagtawag. Kaya't inilibot niya ang paningin. Wala naman siyang nakikita.

"Sino ka ba?! Pinaglalaruan mo ba ako?" Gumalaw ang bote sa kaniyang tabi sanhi upang matakot siya. Sinubukan niyang gumapang ng mabilis pero hindi niya kinaya. Kaya't kusa na lamang niyang hinarap iyon.

"Alam kong masama ang loob mo. 'Di bali, kaibigan. Matutulungan kita," anang tinig mula sa bote.

"Sino ka ba? Paano mo ba ako matutulungan?"

"Ako nga pala si Fuji. Maaari kang humiling sa akin ng tatlong ulit. At iyon ay ang kamatayan ng mga taong kinakagalitan mo..." Napahinto si Derek at naisip ang Senyora.

"Paano mo sila mapapatay?" tanong ni Derek.

"Ikaw ang papatay sa kanila ngunit hindi ka makikita ng iba maliban lamang sa iyong papatayin. At iyan ay sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Ngunit may kapalit..."

"A-anong kapalit?" gulat ni Derek.

"Makakalaya ako sa boteng ito-" Napangiti agad si Derek. Maaari na siyang gumanti sa malupit na Senyora kasama ng mga alipores at anak nito.

"Bago ako maniwala sa iyo ay e-magic mo muna itong kamay ko. Pagalingin mo ako..." Iwinasiwas ng nakakulong na nilalang ang kamay at ibinato kay Derek. May lumabas na kulay pula na wari usok at pumalibot sa katawan ni Derek.

Gumaling ang mga kamay ni Derek at nagkaroon ng lakas ang kaniyang mga paa.

"Salamat, kaibigan..." tuwang-tuwang sabi ni Derek. Dinala niya't isinama ang bote.

Ang unang hiniling niya ay patayin ang lalaking pumukpok ng kaniyang kamay. Umiiyak naman ang lalaki habang nakagapos at pinupokpok ni Derek ang mga kamay gamit ang martilyo. Matapos ay isinunod ang ulo. Sabog agad ang utak nito.

Naibalita ang nangyari. Labis namang kinilabutan ang Senyora. Itinanong ng Senyora kay Madonna kung nasaan si Derek pero hindi alam ng matanda.

Tulog ang dalagitang anak ng Senyora nang dumating si Derek sa silid nito. Binusalan ang bibig, iginapos, ginahasa at walang awang pinatay.

Labis namang nagulantang ang lahat ng tao sa mansion. Sukdulan ang paghihinagpis ng Senyora. Ipinahuli niya si Madonna upang palabasin si Derek sa pinagtataguan.

Nakipagkita naman si Derek. Ngunit nagulat ang Senyora dahil nakangiti si Derek habang may hawak na bote.

"Bakit mo pinatay ang anak ko?!" galit na tanong ng Senyora.

"Hindi mo ba natatandaan, pinahirapan mo ako. Kaya dapat lang sa anak mo iyon!" Sumiklab ang galit ng Senyora at siya na mismo ang umagaw sa armalite ng tauhan. Pinagbabaril si Derek pero sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay ng nilalang sa bote ay huminto ang mga bala sa itaas at nagsilaglagan.

Kinilabutan ang Senyora at ng mga tauhan nito. Agad lumapit si Derek sa Senyora at hinablot ang armalite. Itinutok sa mga tauhan at pinaulanan sila ng bala. Tapos ay binaliktad ang armalite at buong lakas na hinampas-hampas sa ulo ng Senyora. Basag ang mukha't bungo ng Senyora.

"Maraming salamat sa iyo, kaibigan," anang tumatawang si Derek.

"Tapos na ang mission mo, Derek... ibig sabihin, makakamit ko na ang kapalit."

"Oo naman, kaibigan..." Binigkas ng nilalang ang orasyon habang pinapasabay si Derek. Makailang saglit ay wari itinapon palabas ng bote ang nilalang at si Derek naman ay hinigop papunta sa loob ng bote.

"Anong ibig sabihin nito?" gulantang na tanong ni Derek.

"Iyan ang sinasabi kong kapalit, Derek. Ako ay ikinulong ng Demonyo sa bote magmula pa noon. Binigyan ako ng kapangyarihan upang tuparin ang kahilingan ng taong makakapalit sa akin. Ang kapangyarihang iyon ay taglay ko lamang habang nasa bote. Ngayon ay mapapa sa iyo na rin. At mamumuhay ka sa bote hanggang sa may mauto ka ring papalit sa iyo d'yan!" Tumawa nang malakas ang nilalang.

"Wala sa usapan natin ang magpalit ng puwesto! Walang-hiya ka, palabasin mo ako!" Tumatangis na si Derek. Pero pinulot lamang siya ng nilalang na iyon. Itinali ang malaking bakal sa bote at hinagis sa karagatan. Lumubog naman iyon.

"Total, walang-hiya ka naman, ay mas mabuting wala nang makahanap sa iyo?!" Humalakhak ng malakas si Fuji.

WAKAS.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 11Where stories live. Discover now