80

147 4 0
                                    

March 25, 2017, Saturday

Mish:
Shall we go to that tagpuan place you're talking about???

Read 07:14 a.m.

Hiraya:
Gaga ka, kailan ka pa nagkaoras sa akin???

Read 07:15 a.m.

Hiraya:
Anyway, tara??? Sunduin kita sa bus stop 😂

Hiraya:
Kasama mo ba si Ravie? 🤨

Read 07:16 a.m.

Mish:
Uh, hindi.

Read 07:17 a.m.

Mish:
Well, nakikipaghiwalay siya sa akin. 😂

Read 07:18 a.m.

Mish:
Pero sabi ko, sa personal siya makipag-hiwalay sa akin, so there's me, hiding, para hindi niya makita.

Mish:
Para na yata akong tanga. Hahahaha. Sorry, hiraya. Pero don't tell him kung nasaan ako, please? Hindi pa kasi ako handang bitiwan siya.

Read 07:19 a.m.

Hiraya:
Putang inang yan, tatlong araw pa lang akong nandito sa Gapan, sinaktan ka na!!! 😡🤬

Hiraya:
Sandali nga, uuwi ako! Punyetang yan, ha! 😤😤😤

Read 07:20 a.m.

Mish:
Huwag na, nakasakay na ako ng bus papunta sayo.

Mish:
Also, may kasalanan din ako.

Mish:
You know how much I ignored everything when I became too invested with studying.

Mish:
Feeling ko nagkaroon ng conflict doon.

Mish:
Dumalas ang monologues niya sa conversation namin, and sa pagkakakilala ko sa kan'ya, naghahanap siya palagi ng kausap kapag may gumugulo sa isip niya.

Read 07:24 a.m.

Mish:
And I happened to not be there for him, when he was there for me, even on my darkest, most vulnerable, moments of my life. Hahahaha

Read 07:25 a.m.

Hiraya:
Bhie naman eh 😭

Hiraya:
I told you to study multitasking. 😭

Hiraya:
I mean, hindi ako kasi one sided. Alam mo yan! Bespren kita pero alam ko yung faults mo! Hindi ko na iru-rub sa face mo since you know it naman na!

Hiraya:
Sayang, bhie! Isang taon na lang, graduate na tayo! Tangina naman kasi nitong si Ravie, bakit ngayon pa napagod, eh. 😭

Read 07:28 p.m.

Mish:
Apparently, the past weeks, nagkaroon ng clues sa IG stories niya. Na pagod na siya.

Mish:
Once, kinukulit niya ako na puntahan siya kasi sabi niya, pagod siya at gusto niyang makita ako.

Mish:
And then I told him, "pagod din ako, bukas na lang tayo magkita."

Mish:
Noong kinukulit niya ako two weeks before final exam, feeling ko may problema siya non.

Mish:
But I shrugged it off kasi pagod ako. Kahit noon pa pala siya pagod sa akin pero lagi niya pa rin ginagawaan ng paraan lahat ng gusto ko.

Read 07:32 a.m.

Mish:
Tangina, I'm so, so cruel.

Mish:
Mahal na mahal ako ng tao pero anong ginawa ko?

Mish:
Sinaktan ko. Paulit ulit.

Mish:
Binalewala ko. Paulit ulit.

Read 07:35 p.m.

Hiraya:
Baka naman pwede pang maayos? Pag usapan?

Hiraya:
Ang sarap magbigay ng second chance sa relationship na never nagkaroon ng cheating, eh.

Read 07:36 p.m.

Mish:
Pero mas masakit ang bagsak ng relasiyon na walang nagloko.

Mish:
Hiraya, sana nga, nagloko na lang siya para mas madali. Mas madaling bitiwan.

Mish:
Kaso hindi.

Mish:
Minahal niya ako nang sobra sobra. Kaso napagod na siya, eh. Napagod na siya sa akin.

Mish:
Kaya ang hirap. Kaya ang sakit.

Read 07:40 a.m.

Hiraya:
Ang aga aga kong umiiyak dito! 😭

Hiraya:
Demonyo kayo! After more than two years ng pagiging third wheel ko, naging invested ako sa relasiyon niyo! Tapos maghihiwalay din kayo!!! 😭

Hiraya:
Mga walanghiya kayo, how dare you hurt me like this 😭

Read 07:43 a.m.

Hiraya:
Charot.

Hiraya:
Pupunta na ako sa bus stop.

Hiraya:
Iikwento mo lahat, ha? Ipagpapaalam kita sa Papa mo na dito ka muna sa akin, okay?

Hiraya:
Wala akong ibang pagsasabihan na magkasama tayo. Hmm?

Read 07:45 a.m.

Mish:
Thank you so much, Hiraya.

Read 07:46 a.m.

Hiraya:
No problem!

Hiraya:
I gotchu! 😘

Read 07:48 a.m.

of coffees and messages [epistolary #1]Where stories live. Discover now