Chapter 8

147 8 0
                                    


"SO, I'm yours..."

Ang lahat ng taang na naramdaman kanina ni Faye ay parang tinangay ng hangin. Marinig na kasi niya ang nanunudyong boses ni Diamond. Tapos, naramdaman pa niya ang mahigpit nitong yakap. Kahit may kaiga-igayang sensasyon na naman siyang naramdaman sa ginawa nito'y para pa ring gusto niyang lumubog sa kanyang kinatatayuan.

"S-sinabi ko lang iyon dahil may usapan tayo, di ba? Habang may relasyon tayo. I mean, 'yung benefits natin bilang mag-best friend, wala dapat na iba." Nahagilap niyang sabihin pero hindi naman niya nagawang tingnan ng diretso si Diamond. Pakiramdam niya kasi'y mabubuking nito ang damdamin niya kaag ganu'n ang ginawa niya.

"Ikaw ang nagtulak sa akin na makipagkilala sa iba," paalala nito sa kanya.

"Hindi na kasi ako busy," katwiran niya rito. Sa pagkakataong iyon ay nagawa na rin niyang tumingin dito.

"Natapos mo na ba ang sinusulat mo?"

Umiling siya. "Kailangan ko rin naman ng break. Gusto ko ring mamasyal, mag-swimming at...makasama ka," aniyang halos ibulong ang mga sinabi ngunit alam niyang malinaw na narinig ni Diamond ang kanyang mga sinabi.

"Me, too," bulong nito sa kanya.

Paraiso -- iyon ang paglalarawan ni Faye sa paligid sa D Resort ngunit hindi lang dahil sa maganda ang lugar, hindi lang dahil sa presko ang hangin kundi dahil kasama niyang naglalakad sa may dalampasigan si Diamond habang magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Kahit kailan ay hindi ko naisip na magkakaganito tayo," wika niya pagkaraan ng mahabang sandali. Para kasing mabibingi na siya sa katahimikan na namamayani sa kanila. May pag-aalinlangan din kasi siyang naramdaman pagkaraan. Baka itinatago lang ni Diamond ang pagkainis sa kanya, kaya, malalim na buntunghininga muna ang kanyang pinawalan bago niya ibinulalas ang, "I'm sorry."

Hinarap siya nito pero hindi naman binitawan ang kanyang kamay. Pumuwesto lang ito sa kanyang harap at kunot noo siyang pinakatitigan. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti dahil kahit lukot ang mukha ni Diamond ay parang hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito. Para tuloy napakahirap awatin ng pintig ng kanyang puso.

"Sorry, bakit ka humihingi ng tawad? May nagawa ka bang kasalanan?" buong pagtatakang tanong nito

"About the girl"

"Sino?"

"Ay naku, Diamond Bernabe, wala kang amnesia para makalimutan mong may itinaboy akong babae kanina. Type mo ba siya?" nag-aalangan niyang tanong. Oo nga't may usapan sila ni Diamond na hindi sila maaaring umasok sa ibang sexual relationship habang best friend with benefits sila pero malinaw din nilang inag-usapan na kapag may nagustuhan na silang iba au ihihinto na nila ang kanilang 'relasyon'.

"Hindi ka pa rin makapag-move on?" natatawa nitong tanong sa kanya.

"Baka kasi gusto mo siyang talaga at nasira ko ang diskarte mo."

Ikinulong ng dalawang kamay nito ang magkabila niyang pisngi tapos pinagpantay ni Diamond ang kanilang mukha at saka siya pinakatitigan ng maigi. Siniguro rin nito na nagkatitigan sila. "Wala akong pakialam sa ibang babae dahil ikaw lang ang mahalaga sa akin."

"Hay, tulad ng sinabi ko kanina, hindi ako makapaniwala na ganito tayo. Na higit sa mag-best friend pero hindi magkarelasyon."

"Hindi pa ba?" nanunudyong tanong nito sa kanya.

Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas doon. Ano ang sasabihin niya?

AGAD kumatok si Faye sa mesa pagpasok nila sa cottage. Medyo kinakabahan na siya kaya kailangan niyang gawin iyon. Pakiramdam niya ay makakaramdam siya ng kapanatagan kahit paano Naniniwala pa rin siyang makokontra ang isang bagay na ayaw niyang mangyari kapag kumatok siya sa kahoy.

My Best Friend, My LoverTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang