Chapter 3

196 13 0
                                    


FORGET him! Naiiyak na singhal ni Faye habang biling baligtad sa kinahihigaan. Kahit kasi anong gawin niya'y hindi niya magawang makatulog. Ang isip niya ay naglalakbay -- sa kabilang kuwarto.

Nang makumbinse na niya ang sarili na mas maigi pa ngang itago na lang niya ng husto ang kanyang nararamdaman kay Diamond ay ibuhos na lang niya sa pagsusulat ang tunay niyang damdamin, nagpasya na siyang umuwi tutal hindi naman niya magagawang takasan ang lalaking nagpapahirap ngayon sa kanyang kalooban

Hindi na siya nagulat nang makita niya si Diamond na naghihintay sa kanya sa labas ng gate. Alam niyang sobra niya itong napag-alala dahil ginabi siya ng uwi at alam naman talaga nitong hindi talaga siya nagpapaabot ng gabi sa daan taos in-off pa niya ang kanyang cp dahil alam niyang tatawagan siya nito.

"Mabuti naman at dumating ka na," malamig nitong sabi pagkunwa'y kumunot ang noo nito ng siya ay pakatitigan. "Umiyak ka ba?"

Iniwas niya ang tingin dito. Ayaw niyang malaman nito na ito ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

"Faye..."

"Naalala ko lang sina Daddy at Mommy," nahagilap niyang sabihin ngunit hindi naman talaga siya nagsisinungaling dahil pumasok naman talaga sa isip niya ang mga magulang habang siya'y nag-e-emote, Close siya sa mga magulang kaya kung buhay pa ang mga ito ay magagawa niyang maibahagi sa mga ito ang nararamdaman.

"Good Evening, maganda kong landlady," wika ng isang tinig na noon lang niya namalayang katabi pala ni Diamond.

"Oh, Brian. Magandang gabi rin," aniyang pilit na ngumiti dahil halatang nagpapa-cute ito ng husto. May pakaway-kaway pa ito sa kanya.

"Magbabayad ako."

Kumunot ang noo niya "Next next week pa ang due date mo, hindi ba?"

"Advance payment," wika nito sabay kindat sa kanya.

Napahagikgik siya sa inakto nito na para bang teenager na nagpapa-cute sa kanyang crush. Hindi niya tuloy napigilan ang sariling bigyan ito nang matamis na matamis na ngiti. "Aba'y hindi ko tatanggihan 'yan. Halika sa bahay para maibigay ko rin sa'yo ang resibo mo," aniyang nagpatiuna na sa paglakad. Medyo kumunot lang ang noo niya nang malingunan niya si Diamond na madilim na madilim ang mukha.

NAGKAGULATAN pa sila ni Diamond paglabas niya ng kuwarto. Sakto rin kasing lumabas ito sa kuwarto. Dahil magkatabi lang naman ang kanilang silid ay agad silang nagkatitigan at biglang tumalon ang kanyang puso.

Why? Gilalas niyang tanong sa sarili.

Sus kunwari ka pa, ganyan naman talaga ang nararamdaman mo kapag nagkakatitigan kayo ni Diamond kaya nga madalas ay ayaw mong napapako sa kanya ang mga mata mo," inis na sabi ng atribidang bahagi ng kanyang isipan kaya ang lakas ng kanyang naging pagsinghap

"Hindi ako makatulog," sabay pa nilang bulalas.

"Midnight snack?" tanong nito.

"Sure," mabilis niyang sabi

Nang ngumiti ito sa kanya ng ubod tamis pakiramdam niya'y lumipad na rin palabas ng bahay niya ang ang mga negative vibes na nasa pagitan nila kanina dahil kay Brian Fajardo.

Kumalam agad ang kanyang sikmura sa mga pagkaing nakahain. Paborito kasi niyang lahat iyon -- lasagna, yangchow rice, porkchop at adobong manok. Ngunit, dahil nandoon pa si Brian ay hindi siya agad makapuwesto agad sa hapag gaya ng nakagawian. Gayunman, mabilis niyang ibinigay rito ang resibo

My Best Friend, My LoverWhere stories live. Discover now