Chapter 4

209 11 0
                                    


NANLAKI ang mga mata ni Faye nang mag-landing sa kanyang labi ang labi ni Diamond. Sa isang sandali ay hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang gawin. Basta ang alam niya, nabibingi siya sa malakas na pagdagundong ng kanyang puso.

Sabi ng utak niya, dapat niyang itulak si Diamond at sabihing mali ang paghalik na ginagawa nito. Mag-best friend sila kaya hindi dapat mangyari ang nangyayari ngayon, Subalit, mas makapangyarihan ang dikta ng kanyang puso't katawan kaya't mas ginusto niyang ipulupot sa leeg nito ang kanyang mga kamay at namnamin ang halik nito.

Shucks, ito ang unang pagkakataon na naranasan niya ang mahalikan. Pakiramdam nga niya'y idinuduyan siya sa alapaap kaya't napatunayan nga niya na may katotohanan talaga ang mga sinusulat niyang parang nakukurynte kapag nagkakadaiti ang inyong mga balat dahil para talagang may may milyon-milyong boltahe ng kurtenteng nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.

"Diamond..." wika niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Kapwa sila hinihingal ilang minuto ding magkahinang ang kanilang mga labi.

"I'm sorry, Faye." wika ni Diamond.

Nahigop niya ang kanyang hininga sa sinabi nito. Pakiramdam niya'y may imbisibol na patalim na tumapyas sa kanyang paghinga. Para kasing mapupugto iyon sa sobrang sakit na kanyang nadarama. Malinaw niya kasing narinig ang sinabi nito at agad niyang naisip na pinagsisihan nito ang nangyari.

"Hindi ba ako masarap humalik?" aniyang parang gustong ngumawa.

"It so sweet..." bulong nito pero malinaw niyang narinig ang sinabi nito. Ang mukha niya ay nakakulong pa rin sa palad nito.

Dapat ay itulak na niya si Diamond, tumakbo sa kanyang silid, dumapa sa kama at doon ay humagulgol nang humagulgol. Ngunit, hindi niya iyon magawa. Parang ayaw niyang umalis sa presensiya ni Diamond. Para siyang bakal na mina-magnet nito.

"Sweet ang halik ko pero nagsisisi kang hinalikan mo ako."

"I didn't say that.." tanggi nito. Nakakunot ang noo.

"Nag-sorry ka, hindi ba?" aniyang inilagay na sa dibdib ni Diamond ang kanyang mga kamay pero hindi naman niya ito magawang itulak. Pakiwari niya'y nawawalan siya ng lakas kapag napapatitig siya sa labi ng kanyang best friend. Ay hindi niya inaasahan na darating ang araw na matitikman niya ito

"Inisip mong nagsisisi ako kaya nag-sorry ako"

"May dahilan pa ba?" naghahamon niyang tanong dito.

"Look at me.." wika nitong itinaas a ang kanyang baba.

Sinunod naman niya ito Ang mga mata nito'y parang bituin na nagniningning ng mga sandaling iyon. Sa kaisipang pinagtatawanan siya nito'y parang gusto niyang magdamdam ngunit nagbago ang kanyang isip dahil kilalang-kilala niya si Diamond. Kailanman ay hindi siya nito ginawang katawa-tawa,

"Ang hinihingi ko ng tawad sa'yo ay iyong hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo."

Maang siyang napatingin dito taos bigla siyang napalunok. Sinasabi ba ni Diamond na mahal siya nito?

Masarap na marinig sa mga labi nito na mahal siya pero pagmamahal ba ang nararamdaman nito sa kanya? Maaari naman kasing nagpapaka-gentleman lang ito para piliin ang magagandang salita, Tiyak kasi nitong madi-disappoint lang siya kapag I want you lang ang ibinulalas nito. Ibig sabihin, pagnanasa lang ang nararamdaman nito ara sa kanya.

"Kiss me." malambing niyang sabi kay Diamond. Pinapungay pa niya ang mga mata para mahirapan itong tanggihan siya.

"Faye..."

My Best Friend, My LoverWhere stories live. Discover now