Chapter 4: March 28, 2005

7 0 0
                                                  

March 28, 2005

Dear diary, 

Success! Graduation namin ngayon at top 5 ako! Yeeeesss! Masaya na nakakalungkot kasi may iba samin na lilipat na ng school. Hindi na tuloy kumpleto section namin. Tapos grabe yung iyak namin kanina nung pinatugtog na yung graduation song. Yung "as we go on, we remember all the times we spent together." Di ko maalala kung ano yung title eh. Pero iba yung epekto kapag nakakarinig ka ng mga kantang ganun. Mas nakakadagdag sa bigat ng damdamin. Hahaha!

Pagkatapos ng graduation, kumain kami nila mama at papa sa Dad's kasama sila Mel at tita Baby. Nagulat kami kasi nakita namin si John Estrada tapos nagpapicture sila. Pinipilit nila kami ni Mel na magpapicture pero ayaw namin. Nakakahiya kaya. Artista lang naman sila, tao lang naman sila. Wala naman sila pinagkaiba samin, di ba? Pero kung may dala syang bayong na may dalang 1 million pesos, pwede narin. Magpapapicture na ko. Haha! 

Tapos sabi pala sakin ni mama na dahil top 5 ako, isasama daw nya kami ni Mel sa probinsya sa bakasyon! Matagal na sya pumupunta dun tuwing summer pero hindi ako sinasama kasi palagi akong may summer lessons. Last year sasama na sana ako pero kailangan ko tapusin yung piano lessons at volleyball training ko. Pero ngayon, ito na talaga! Ang alam ko kasama sila kuya Ronnie, kuya Arnold, Joshua at ate Beng every year. Syempre, pag nandun si ate Beng baka nandun si Daniel. Sana nandun si Daniel! Ang tagal na namin hindi nagkikita. Huli naming kita last year pa nung fiesta. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Siguro dahil sa mga nakikita ko sa Friendster nya. May girlfriend na yata sya (sana wala) pero ayun. Aaaahhh! Excited na ko! Sana nandun sya. 

Please please please please. 

First of Summer (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon